Tinig || Huling Bahagi - Wakas
(Tip ni Awtor) Patugtugin ang youtube video para mas ma feels ang eksena
Hindi na ako nakaimik sa mga sumunod na nangyari. Sobrang panghihina na ang aking naramdaman dahil sa pagtagas ng dugo sa aking tagiliran.
Kinuha nya ang laman ng aking bulsa, at sinama narin ang relos ko. Tanging galit na lamang ang aking nasa isip. Ginusto ng utak ko na kalabanin ngunit wala na talaga akong lakas. Hindi na sapat para ako ay makatayo pa.
"Hoy!!! Itigil mo yan!"
Isang sigaw ng babae ang aking narinig sa kung saan. Dali-daling tumakbo ang mama paalis sa lugar ng pangyayari.
Di ko na alam ang mga sumunod na nangyari, nawalan na ako ng ulirat at sa pagdilat ng aking mga mata lulan na ako ng ambulansya at hawak-hawak ang aking kamay ng isang dalaga habang nakayuko at para bang taimtim na nagdarasal.

"E...esang salamat sa pag-aalala mo sa akin. Salamat at di mo ako iniwan at nandyan ka ngayon akala ko wala ka nang pakialam sa akin." Sambit ko sa dalaga
"Alam mo Esang mahal na mahal kita at kahit iniwan mo ako para sa pangarap mong maging isang sikat na mang-aawit masaya ako sa mga narating mo pero nasasaktan parin ako di dahil sa naiinggit ako sa iyo kungdi nasasaktan ako kasi mas pinili mo iyan kaysa sa akin" Patuloy ko
Pagharap ng dalaga tanging luha nalang ang kaniyang naisagot sa aking mga sambit. Hindi pala iyon si Esang, ang dalagang may hawak sa aking mga kamay ay si Marites.
Hindi na siya nagsalita, ngunit mababakas mo sa kanyang mga mata ang labis na kalungkutan binitawan nya ang aking pagkakahawak sa aking mga kamay at hindi na rin umimik hanggang sa nakarating na kami sa ospital.
Mga dalawang araw din akong namalagi doon at sa dalawang araw na iyon maliban sa aking pamilya na nakabantay ay naroon din si Marites para mag-asikaso ng mga papeles at kailangan kausaping tao. Hindi kasi marunong mag sulat at bumasa sila Inay at Itay kaya napakalaking tulong niya.
"Marites nasabi mo na ba kay Esang na nandito ako sa ospital? Palabas na ako pero di nya man lang ako madalaw sabi ni Inay nasa baryo parin sya ngayon at naka liban daw sa trabaho." Tanong ko sa kanya
"Oo simula nang pumasok ka sa ospital ay nasabi ko na sa kanya. Ni text at nitawagan ko na rin sya pero pag ikaw na ang nasa usapan hindi na siya nasagot." Sambit ng dalaga
"Ah baka siguro abala lang sya. Hayaan mo na nga sigurado naman akong dadalawin nya ako dito bukas o kaya pag nasa bahay na"
Sandaling katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto.
"Ano ba kasi ang meron kay Esang na wala sa akin Luis?" Mahinang bigkas ni Marites
"Ha? Ano hindi ko maintindihan paki-ulit nga Marites"
"Ang sabi ko ano bang meron kay Esang na wala sa akin! Lagi nalang si Esang ang nasa bukambibig mo ako na laging nandito kailan mo ako makikita? Kailan mo ako hahanapin? Sana ako naman ang mahalin mo kasi ako ang tagal-tagal ko nang naghihintay na mahalin mo naman ako" Sigaw nya
"Mahal naman kita Marites, pero mas mahal ko si Esang at siya lang ang tanging babae na makakapag paligaya sa akin at kahit kailan ay di ko siya kayang ipagpalit kahit kanino"
Doon na gumuho ang mundo ni Marites mababanaag na sa kanyang mga mata ang namumugtong na luha. Pinilit nyang pigilin ngunit hindi niya na talaga nagawa.

Tumalikod na siya at umalis sa loob ng kwarto ng ospital at simula noon ay hindi na siya nagpakita sa akin pagkatapos noon. Pagkalabas ko ng ospital ay nabalitaan ko nalang na umalis na pala ng baryo si Marites, pumunta sa Maynila para makipagsapalaran ng trabaho at si Esang naman ay kaya pala umuwi dahil sa namanhikan na pala ang kaniyang prodyuser at ikakasal na siya sa mga susunod na araw.
Habang binabalikan ko ang mga ala-alang iyon. Sa mga panahong wala na si Marites totoo nga nasa huli ang pagsisi, hinahanap ko na siya ngunit sa ngayon ay hindi ko na siya talaga nakita pa.
Maari mong basahin ang aking mga unang bahagi ng Tinig gamit ang mga link sa ibaba
Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi
Ikatlong Bahagi
Ika-apat na Bahagi
amazing post.
Thanks man! If I may ask in which part is the amazing for you? 😂 😂
Ouch! Ang sakit sakit.. ung masaksak and ung pagiging insensitive nya. Applause @tpkidkai! Ang galing talaga! 👌👏
Yeah sobrang blinded na si Luis sa pagmamahal nya kay Esang. Salamat sa pagbabasa @leahlei I will be back on the story telling :) Free of some stuff na.
That's good to know, with your weekly stories you can create a book! ;-) Malay mo, you're very good in writing short stories nakaka hook! Keep it up @tpkidkai! :)
thanks @leahlei mas pagbubutihin ko pa yan 😇 salamat sa never ending push sa mga kwento ko.
Thank you for collaborating with me to promote this post as explained at https://steemit.com/steemit/@jerrybanfield/10-ways-to-fund-a-steem-growth-project.
Bakit kung sino ang wala, siyang hahanapin?
Bakit kung sino ang nariyan, di pinapansin?
Talagang ang pag-ibig ay bulag.
Di mo na nga nararamdaman ang totoung nagmamahal sayo,
Naging tanga ka pa sa pagbibigay atensyon sa iba na walang pagpapahalaga..
Tunay na laging nasa huli ang pagsisisi
At tunay naman na laging may natutunan sa lahat ng pagkakadapa.
Aray!!! Better luck next time Luis, kaya lang tapos na ang kwento..
Sana more pa Tp.. hehehe avid fan and reader :-)
Better luck next time talaga kay Luis, nako sana magkaroon na siya ng ka forever niya.
Malay natin si Marites pala ay.... ahahhaha plot twist!
Let's see pag gumana ang creative ideas ko dito
@tpkidkai eto na ung tula ko para kay luis ahaha sana matauhan na si luis
https://steemit.com/poetry/@xorexman/lumingon-ka-baka-siya-ay-makita-tula
Salamat di ko pa nababasa mamaya yan sa akin.