Cashing out SBD/STEEM using Blocktrades and avail 98% discount in Tx fees if you opt to convert into Ether than Bitcoin - best option for Filipino coinsph users(FIL)

in #philippines7 years ago

Sa palagay ko ay marami ng Pilipino ang may alam nito - na makakamura ka ng malaki sa transaction fees pag nag-cashout o nag-withdraw ka ng sbd/steem galing sa iyong steemit account gamit ang blocktrades at kapag pinili mong ipagpalit ito sa Ether. Ngunit sa palagay ko rin, marami rami rin ang mga Pilipinong steemian na walang alam kung gaano ka mura ang transaction fees sa @blocktrades.

Alam naman natin na mas mura talaga ang fees sa blocktrades sa bawat cryptocurrency nila maliban lamang sa Bitcoin. Kompara sa lahat ng pwedeng ipagpalit sa blocktrades, pinakamura ang Dogecoin. Ngunit kong coinsph na ang paguusapan, dalawang crypto lang ang kanilang tinatanggap - Bitcoin at Ethereum.

Isa ako sa hindi makapaniwala na tatanggap ng Ethereum ang Coins.ph bilang isa sa mga remittance services nila. Ako rin ay sobrang natuwa dahil nagpapahiwatig lang ito na bukas ang Coins.ph sa posibilidad na tatanggap pa sila ng ibang cryptocurrency na gagawin din nilang pera para sa mga Pilipino. Noong nalaman ko ito, ay agad kong tinignan kung mas makakamura ba ako kung ethereum ang gagamitin ko sa halip na bitcoin. At ayun nga, mas mura nga yong TX fees sa ethereum kompara sa Bitcoin. Sa oras na iyon, bawat transaksyon mo sa ethereum blockchain gamit ang blocktrades ay 20 pesos lamang ang mababayaran.
Ang laking deperensya na yan kaysa sa Bitcoin na aabot sa 200-300 pesos sa bawat transaksyon.

Ngunit ngayong umaga lang, nang ako ay nag-cashout ng 100 Sbd sa aking steemit account gamit ang blocktrades, ako ay nagulat sa nakita kong fees na babayaran ko sa 100 sbd ko na gustong ipagpalit sa ethereum:


image


image


0.022 SBD lang ang nabayaran ko sa pinagpalit kong 100 SBD upang makakuha ng Ether. Tapos para mapalitan naman ng perang papel (PHP) sa coins.ph. Kung bibilangin, ang 0.022 na sbd ay nasa 5 pesos lang ang mababayaran mo sa transakyon mo sa Blocktrades.



Ngayon ikompara natin ito sa Bitcoin:


image


image


Makikita natin na 1.104 ang sbd na gustong hingin ng blocktrades sa akin kapag Bitcoin ang gusto kong makuha at ipapalit sa perang papel. Sa 100 na sbd kong kinuha, ay epektibong 98.896 lang ang makukuha ko sa steemit account ko. Kung bibilangin, ang 1.104 sbd ay nasa 115 pesos o higit pa. At kung ikokompara sa 5 pesos, ang layo ng agwat talaga!

Pantapos na mga salita

Kung iniisip mo na mas malaki ang makukuha mong pera kung sa Bitcoin mo ilalagak ang mga nakukuha mo sa steemit, ay mag isip isip ka ng mabuti, dahil bawat cryptocurrency ay may kanya kanya galing at halaga na hindi kailanman o palagi naaapektuhan sa halaga ni Bitcoin. Hindi ko sinasabi na mas mahalaga ang Ether kaysa sa Bitcoin, bagkos sinasabi ko lang na ibahagi ang perang nakukuha sa steemit bilang investment sa ibang cryptocurrency at isa na yon ang Ether. Di rin ito nagpapahiwatig na ito'y isang investment advice, ito ay tingin ko lang na mas mabuti ring gawin. At higit sa lahat, ang ganitong pamamaraan ay mainam na gawin kung ikaw ay nangangailangan ng agarang pera. Kung ikaw ay isa sa. mga taong iyon, na hindi naman natin maikakaila at hindi natin malalaman kung kailan tayo mangangailangan, ay mainam ng piliin ang Ethereum kesa sa Bitcoin. Yan ay kung gusto mong makamura at mahalaga sa iyo ang bawat sentimo mong nakukuha sa steemit. Maraming Salamat!


Again, to all Filipinos reading, this is not an investment advice but a wise choice in getting more than what you pay for, especially in blockchain transaction fees. And last but not the least, steem blockchain doesn't charged fees on every transaction. This post highlights Blocktrades as external exchanger and Coinsph as domestic Exchanger.

Sort:  

Coins mentioned in post:

CoinPrice (USD)📈 24h📈 7d
BTCBitcoin8098.300$6.84%22.22%
DOGEDogecoin0.004$15.81%53.78%
ETHEthereum516.834$13.08%39.95%
SBDSteem Dollars2.533$12.3%39.45%
TXTransferCoin1.570$3.9%26.98%

OMG! This is very helpful. I have been using bloctrades kasi wala pa akong account sa bittrex and nasanay na rin ako sa blocktrades! This is a bomb! Maraming salamat @themanualbot! Susubukan ko talaga to. OMG!

Bookmarked! I haven't gone through yet in learning how to make money out of this platform. But I will get to this very helpfull acticle about how you can withdraw your steem earning with less charges. Salamat kabayan Apir!

boss, unsaon ana boss? kay mu-invalied lage ako coinsph address?

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 96483.87
ETH 3356.14
USDT 1.00
SBD 3.20