TagalogTrail: Kwentong Nanay Isang Patimpalak na Alay sa ating mga Inay

in #philippines7 years ago (edited)

KwentongNanay.jpg

Dahil ang @tagalogtrail ay nabuo dahil sa pagmamahal namin sa mga likhang Filipino dito sa Steemit.com naisipan namin ng pinsan kong si Junjun na magkaroon ulit ng isang bagong patimpalak sa pagsulat, itong munting patimpalak ay para naman ipakita ng ating mga ka steemian ang pagmamahal sa mga ina

Bakit nga ba may ganitong patimpalak kaming naisip ngayon?

  • Ito ay dahil sa napapanahon ang magiging patimpalak sa araw ng Linggo Mayo 13 ay gaganapin ang Araw ng mga Ina o sa Ingles ay Mothers day.
  • Sympre dahil sa kung wala ang ating mga ina, wala ang mga Lodi nating steemian dito kaya marapat lang na magkaroon ng ganitong patimpalak.
  • At sa huli, kasi para maiba naman ang tema. Tinakot kami nung nakaraang patimpalak ng @steemph.cebu lalo na ang mga nag-upload ng mga nakakatakot na larawan 😭 😭 di na ako mag ta tag ng nag upload madami sila basta.

Mga maaring maging kwento:

  • Ito ay dapat tunay na kwento mo at ng iyong ina na nagpapakita ng pagmamahal niya.
  • Kung ikaw naman ay isang mister maaring kwento ito ng iyong misis na nagpapakita ng pagmamahal sa inyong mga anak.
  • Kung ikaw naman ay isang nanay maaring kwento ito ng iyong karanasan bilang isang ina. O pwede ding patungkol sa iyong nanay.
  • Ang kwentong inyong ibabahagi ay dapat orihinal at totoong nangyari hindi ito "fiction" na kwento.

Mga alituntunin

  • Kailangang ma resteem ang post na ito para mas marami ang makasaling Filipino
  • Gamitin ang tag na #kwentong-nanay sa limang tags para mapili namin
  • Ang minimum na salitang maaring gamitin ay 300 at ang pinaka marami naman ay 1,500 ang sosobra o kukulang ay agad nang disqualified ( Naiintindihan namin na minsan kulang ang mga salita para ipadama kay Nanay ang ating mga nararamdaman kaso kailangan din naming magbasa ng ibang akda hahaha)
  • Dapat may larawan ang inyong akda. Larawan niyo mismo at ng inyong nanay. Asawa kung ikaw naman ang mister na sasali. Larawan mo at ng inyong mga anak kung ikaw naman ay isang nanay na sasali.
  • Dapat ay mayroong discord ang sasali dahil sa kokontakin namin ang magwawagi gamit ang discord para sa ibang detalye kung walang discord ay maari din ang Facebook Messenger basta dapat ma kontak namin ang magwawagi at maipadala ang munting gantimpala.
  • Ang palugit po ng patimpalak ay hanggang Byernes sa ganap na ika alas dose ng tanghali at ang anunsyo ay magaganap ng Byernes ng gabi.


Isang kwento lamang ang aming pipiliin sa patimpalak na ito ni Junjun para sa patimpalak na ito ang aming criteria ay simple lang ang pinakamagandang kwentong nagpapakita ng pagmamahal ng ina (para sa amin)


Mga mapapanalunan

  • 2.5 SBD na reward mula sa @tagalogtrail
  • Isang bagong bag na gawa ng Secosana na ipapadala namin sa inyong address sa araw ng Sabado na nagkakahalaga ng 500 pesos o higit pa.

    Ang larawan ay sample lamang at dito kinuha sa mismong site ng secosana ang larawan
  • Ang inyong kwento ay ipi-print namin sa papel at ilalaminate din kasama ng larawang napili at kasamang ipapadala sa inyong address sa araw ng Sabado. Address lang po sa Pilipinas ang maari naming mapadalhan ng premyo :)

Maari pong gamitin ng mga kalahok ang imahe sa taas sa inyong mga post.

Kung iba kayong katanungan ay mangyari lang po na mag-iwan kayo ng komento sa ibaba at sisikapin naming sagutin ito ni Junjun. Huwag lang po Math at yung konektado lang po sa patimpalak talaga hehe.

Nawa po'y maibigan nyo po ang aming munting patimpalak at sumali din po kayo para maipakita natin sa ating mga ina ang ating pagmamahal sa nalalapit na araw nila.

Muli ako po si Toto kasama ang aking hugoterong pinsan na si Junjun isang mapag-palang araw po at hihintayin namin ang inyong mga ilalahok dito.

Sort:  

nakakatuwa at sasali ako sa patimpalak na ito. :)

yung tawang-tawa ako dahil sa kakulitan ng mensahe na ito. hahahaha

Tawang tawa sya kasi di sya na tag dun sa isa sa mga nananakot 😂😂 sumali ka nalang @beyonddisability

Yung daldal ni nanay parang wifi ... Rinig na rinig hanggang sa kapit-bahay..

Love this patimpalak toto and jun2 😍😍😍

Hehe sali ka din @cheche016 excited na kami mabasa ang inyong #kwentongnanay

Ang aking ambag sa patimpalak na ito, Maraming salamat @tagalogtrail

Ang Tunay na Kwento ni Nanay

Salamat ate @mariejoyacases sa iyong ambag.

Aba! dami mo ngayong patimpalak Katotong @tagalogtrail

Tatlo dibale ang ongoing @fherdz hehehe inihabol namin itong para sa nanay na patimpalak dahil sa Linggo mothers day 😇 salamat sa pagbisita @fherdz.

ito po ang aking entry sa patimpalak

kabutihan ng aking ina

Salamat ate @juviemaycaluma basahin ko na po.

Hahahahha iba ka talaga toto! Pero mukhang maganda itong patimpalak na to

Hehe salamat @dyinkfinity #pabibo na muna kami ngayon dahil sa may budget tayong pang bahagi sa mga kapwa steemians. Tsaka para feel good naman ang merong post 😇

Yowwnn good job ka jan! Hahaha masaya ito at tribute din sa ating mga butihing ina hehe

https://steemit.com/kwentong-nanay/@garygabby/isa-sa-sampu-isang-walang-katulad-kwentong-nanay

nawa po ay magustuhan mo po ang aming munting kwento lahat po ng nakasulat dyan ay totoo at walang halong kasinungalingan ^^ salamat po

Salamat po sa pagsali sir @garygabby

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 93332.59
ETH 3400.12
USDT 1.00
SBD 3.17