Espekyulasyon sa taong 2023!

in #philippines2 years ago

2022 Philippine Stoks Top 30 Gainers.PNG

2022 Philippine Stoks Top 30 Losers.PNG

Isang bagay lang ang masasabi ko, na kailangan nating yakapin ang unos sa pangkalahatang merkado at tingnan ito na isang opurtunidad at pagnilay-nilayan ang mga pangyayari para makahabol at hindi ka maiwanan sa sitwasyong pang ekonomiya.  Ang pagtaas ng presyo at serbisyo (inflation) ay di na akma sa kinikita ng isang Juan Masipag sinasabayan pa ng nagpapatuloy na giyera sa Russia at Ukraine, ang epekto mas lalong naghihirap ang isa ng mahirap na Maria Maganda.

Bago mo pasukan ang kalakal sa stocks ay pag-isipan na maigi. Bagama’t ang ibang stocks ay bumabalik na sa dati bago pa dumating ang pandemya, ang kanilang mga numero ay wala pa rin sa ayos at wala pa rin silang kinikita at kung mayroon man ay hindi pa rin sapat.

Huwag tingnan ang stocks market na isang sugal kahit sinabi ko noon na ito ay maihalintulad sa isang high-end gambling, dapat alam mo pa rin kung bakit mo ito binibili, kung bakit maglagak ka ng puhanan para dito dahil kung ang basehan mo lamang ay espekyulasyon o nakiuso lang mataas ang posibilidad na masunog lang ang pera mo.

Kung ang isang kompanya ay bumibili ng sariling stocks (buy back) para pataasin ang kita, para sa akin ito ay isang senyales na ang namumumo or ang kompanya ay walang kakayahan na palaguin ang puhunan sa pamamagitan ng pag saliksik (research and development) para mapaganda ang kalidad ng isang produkto at serbisyo ng komapnya, kaya iwas-iwas sa mga ganitong kompanya at nagkalat yan ngayon.

Bagama’t sa listahan ko ng mga kumikitang kompanya noong 2022, mag-ingat sa NOW, PRIM at DFNN yang mga stocks na yan ay paboriting laruin ng mga insders.  Sa mga nangunguna naman sa bagsakan, marami dyan ang pag-aari ni Manny Villar: HOME, ALLDY, VLL at ang MEDIC na pag-aari ng kanyang kapatid, pero nasa listahan ko naman ang HVN at consistent ito tumataas sa nakalipas na 5 taon. Ang CNVRG, RFM at FB ay mga kompanyang may kakayahan at may fundamentals pero bagsak dahil pinaglaruan ng may mga first-hand information at hindi pa nakabawi sa pandemic hanggang sa ngayon. At ang ABS naman ay ang di pag renew ng kanilang prankisa sa Kongreso, sa pinakamaatas na presyo na P68.35 ngayon ay nasa P7.39 na lamang at hindi mo parin nabitiwan ito hanggang ngayon ikaw ay nasunog ng 89.19% at masakit na paso yan sa iyong portfolio.

Ang taong 2023 ba ay maganda para sa stock market? Ang simpleng sagot ay depende. Ang mga alintuntunin ng isang mamumuhunan ay hindi nagbabago taon-taon, ang lahat ng sinabi ko ay napatunayang wasto noong kapanahunan ng aking mga ninuno at ito rin ay napatunayan ko sa kasalukuyang panahon at mas lalong alam ko na akma ito para sa tagasunod kong henerayon dahil itinuturo ko ang mga nasabing alituntunin sa kanila, yan ang pinakabisang paraan para labanan o kaya sabayan man lamang ang pagtaas ng produkto at serbisyo (inflation).  Sa madaling salita, sa negosyo walang matatalo basta may desiplina at sinusunod mo lamang ng taos puso ang mga alintuntunin sa pagnenegosyo.  Maligaya at masaganang 2023 mga kababayan!

DISCLAIMER: I'm not a Certified Financial Planner. Published herein is my personal opinion and should not be construed as a recommendation, an offer, or solicitation for the subscription, purchase, or sale of any securities.

Related Topics:

For more topics, please click here ----> https://steemit.com/@php-ph

Friday, 30th day of December 2022, Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 94402.77
ETH 3410.40
USDT 1.00
SBD 3.38