Sexual Harassment: Sino ang may Sala si Adan o Si Eba?

in #philippines7 years ago

                              

Ang usapin ukol sa sexual harassment ang isa sa pinaka-uusapang kontrobersiya sa kasalukuyan. Ngunit ano nga ba ang sexual harassment? Ang sexual harassment ay ang hindi gusto o pamimilit ng hindi kanais-nais na sekswal na paguugali na maaring makapanira sa dignidad ng isang tao. Sa kabila ng lahat ng kontrobersiya ay mahalagang maipahayag at mamulat ang kamalayan ng mga tao ukol sa isyung ito. Sapagkat nasasaklaw nito ang lahat ng tao, na sa bawat isang pamilya ay may isa o dalawang nabibiktima ng pangaabuso sa dignidad na maaring magresulta sa higit pang pang-aabuso ng laman. Maraming nagsasabing ito ay hindi lamang kasalanan ng manlulupig kundi ng biktima mismo. Ito ay pinagdedebatehan hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Subalit kahit saan man natin tignan kasalanan pa rin ang paglabag sa kalooban ng isang tao sabihin pa nating na-udyok lamang tayo ng makamundong pagnanasa dahil sa pisikal na anyong pinapakita ng babae.

Sa panahon ngayon, nauuso ang maiikling kasuotan na kung minsan ay nagpapakita ng sensitibong parte ng katawan. Dahil dito, sinasabing ang mga babaeng nagsusuot ng maiikling kasuotan ang mismo ang nag-uudyok upang sila ay mabastos o maabuso. Ayon kay Richard Sine ng webmd, mas madalas iniisip at ginagawa ng kalalakihan ang pagtatalik na normal lamang na gawain sa kanila. Sa kabilang dako, ang libido ng mga babae ay mahirap at komplikado at ito’y bihira lamang mangyare. Dahil sa konseptong ito, sinasabing ang mga babae ang dapat na umayon at maging mas responsable sa kilos upang hindi mabastos. Ngunit ang kasuotan at libido ay kailan man hindi sapat upang maituwid ang baluktot na pagiisip tungkol sa sexual harassment. Di kumakailan, nagkaroon ng art exhibit sa University of Kansas  kung saan ipinakita ang iba’t ibang koleksyon ng kasuotan ng mga biktima ng sila ay inabuso. Mayroong maiikling damit ngunit mayroon din namang tshirt at pajama na hindi nagpapakita ng kung ano mang sensitibong bahagi ng katawan. Maliwanag dito na hindi sa kasuotan ang problema kundi sa mentalidad ng mga tao. Hindi din sapat na dahilan ang libido upang magkaroon sila ng pahintulot na gawin ang kahit anong bagay. Sa populasyon ng lalake iilan lamang ang nasasangkot sa sexual harassment. Kung ibabatay natin sa konseptong normal lamang na gawain ito ng mga lalaki, siguro’y dapat lahat ng lalaki ay nasangkot sa sexual harassment ngunit hindi. 

 Art Exhibit Powerfully Answers The Question ‘What Were You Wearing?  

Naniniwala ako na hindi sanhi ng kababaihan ang sexual harassment. Ito ay sanhi ng mentalidad ng tao, na nag-iisip ng mga maruruming bagay para sa isang babae o ang paghawak sa katawan ng isang tao ng walang pahintulot. Ang sexual harassment ay hindi kailanman kasalanan ng biktima. Someone has to act to commit a crime. Ito ay isang desisyon ng tao. Walang tumulak sa isang tao upang gawin ang isang bagay na maaring makapagpababa sa dignidad ng isang tao. Ito ay pinili nilang gawin. Hindi ito dahil sa nang-uudyok na kasuotan kundi sa motibo ng taong gumawa. Ayon sa isang sociologist na kung saan ay nakapanayam ang ilang rapists, mayroong ibat ibang motibo ang sexual harassment o rape; upang makalamang sa iba, kapangyarihan, brotherhood, paghihiganti at iba pa. Hindi lamang sa simpleng kasuotan nagsimula ang problemang ito kundi sa pagkatao mismo ng isang tao. Ang pagsusuot ng konserbatibong kasuotan ay hindi nagpoprotekta sayo laban sa sexual harassment. Maari at maaring maabuso ang isang tao kahit wala itong gawin. 

Upang masolusyonan ang isyu ukol sa sexual harassment kailangan nating magkaisa upang makamit ito. Sa loob ng tahanan ay kailangan ng simulan ang pagturo mapa-babae man o lalaki ng tamang gawi at asal sa pakikitungo sa tao. Kailangan hubugin sa loob ng tahanan ang mentalidad ng bawat bata na masama ang anumang gawi na maaring makaabuso at makababa sa dignidad at moral ng bawat isa. Sa mga nabiktima naman ay huwag matakot na ipahayag ang sariling damdamin dahil kung hindi, mas lalo lamang natin pinapalakas ang mga taong gustong mangabuso sa kakayahan at kapangyarihan na mayroon sila. Binibigyan natin ng kalayaan upang gawin muli ito. Marami na sa kasalukuyan ang pumoprotekta sa karapatan ng kababaihan. Maraming tutulong upang makamit ang hustisya at pagbabagong hinahangad. 


Sort:  

Wish I could read your language, but all the same I think from your title I can understand what you wrote about. Just stopped by to encourage you.... Steem on.....

Stay positive & keep that great energy :)

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.17
JST 0.029
BTC 69443.96
ETH 2493.44
USDT 1.00
SBD 2.54