INA PAALAM

in #philippines7 years ago

WARNING: Content can make you cry!!!

First of all, Greetings to my friends out there!!!
And shout-out to @purepinay / @noahinigo10101 / @samuel-swinton for being the first three who upvoted and commented my last blog..

I composed and posted this poem to give thanks to a very special person in my life. She’s the reason why I’m here and I’m deeply thankful for everything she did for us.

Guys please enjoy my 1st poem…

11194590_1049515818395213_1116742432585271924_o.jpg

“ Ina Paalam ”

(nowiknow17)

I
Ako’y Isinilang, sa mundong ibabaw
Ng mahal kong inang, tinaya ang buhay
Upang ako’y iluwal, sa sandaigdigan
At nang malasap ko, ang ganda ng buhay

II
Sa aming pag sibol, si ina ang gabay
Hilahil pag-subok, siya’y kaagapay
Kami’y tinaguyod, nagtiis nag bata
Ibigay ang edukasyong, pangarap niya

896603_623750334305099_1904036586_o.jpg

III
Lumipas ang panahon, kami’y nagkaisip
Nakatapos sa eskwela, nakuha ang diploma
Ang ngiti ni ina, abot hanggang taenga
Umakyat sa entabloda, galak ang makikita

IV
Dumating ang panahon, si ina’y kinausap
Habang nakaupo, sa labas ng pintuan
Ako po’y may sasabihin, huwag ikagugulat
Nag disisyong po ako, duon mandayuhan

21751624_721118148082984_4787012720269493449_n.jpg

V
Sa pag-alis ko ina, ika’y mag-ingat
Wag kang mag pagod, Di rin dapat mag buhat
Inyo pong kalusugan, huwag pababayaan
Nang hindi mangamba, yaring kalooban

VI
Aking ina paalam, saaking paglisan
Ako’y basbasan, nang puon patnubayan
Dalangi’t hiling, muli kang makapiling
Nawa sa pagbalik, yakap mo po’y damhin

19665161_690344237827042_4044457985244700042_n.jpg

VII
Saaking paglayo, taon di namalayan
Tila gintong nanakaw, nag laho’t nasayang
Ngunit si ina, masidhing nag aabang
Na muling babalik, mahal na lumisan

23800294_752010881660377_8415424468267216451_o.jpg

VIII
Pangako’y nalimot, sa panahong nagdaan
Inang nag aabang, hindi namalayan
Sinadlak aking sarili, sa trabahong tigmak
Upang lungkot ng puso, mapawi maibsan

IX
Hanggang ang balita, dumating sa pintuan
Si ina’y dinapuan, sakit na di malaman
Pintig na puso’y bumilis, hindi mapigilan
Damdaming nag durugo, tila walang katapusan

X
Aking kalagayan, di ko mailarawan
Tila sinakluban, ng langit at kalupaan
Araw gabi iniisip, sitwasyon ni ina
Siyang nasa malayo di man lamang mahagkan

Untitled.png

XI
Sarili sinisi, bakit si ina pinabayaan
Kaya naman nag paalam, sa trabaho liliban
Uuwi sa amin, upang si ina ay damayan
Ibsan ang dalahin, pawiin ang kalungkutan

XII
Nang ako’y paalis na, may tawag na di inaasahan
Si ina ay kinuha na, ng Poong may kapal
Mundo ko’y huminto, Sa sandaling nalaman
Ang mahal mong hirang, hindi mo na masisilayan

15253472_1453077461372378_5994297362697596421_n.jpg

XIII
Sa aking pag dating, sa lugar kung saan
Ina ko’y nag aabang, sa mumunting higaan
Panaghoy ng apo, sa inang nakaratay
Buksan nyo po ang mata, ako’y silayan

XIV
Musmos na naulila, kahabagan ng bathala
Ina kong iniibig, ako po’y patawarin
Aking dalangin, nawa kayo po ay payapa
Sa Piling ni Ama, at ng Diyos na lumikha.
15230551_1452782791401845_6695325886206493180_n.jpg

I dedicate this poem to my late grandmother.

The main story of “INA PAALAM” started in the 70th birthday of my late grandmother.

During my childhood I have some experience reciting poem because normally in school. I’m the one delegated to participate in those Events like* LINGO NG WIKA/BUWAN NG WIKA.

Our Former President Fidel Ramos approved and signed in 1997. Buwan ng Wika is being celebrated every August. Public and Private schools in the country are expected to participate in the said event.

This celebration also occur simultaneously to birth anniversary of former President Manuel Quezon.

Former President Quezon is well known as Ama ng Wikang Pambansa, and was born on August 19, 1878..
And I even participate in Events like PULPRIZA Bulacan Private School Association District III.

For that my mother decided to compose a poem for my late grandmother whom we called “INA”. For me to input some happy thoughts and memories of my “INA” I take the 1st stanza from the poem of my mother and inserted it to “INA PAALAM”

I Stanza is not mine it's my mothers message to her mother

For that I thank you guys for reading this simple Poem.
SALAMAT!!!

11194491_1049508778395917_5497391505247639846_o.jpg

Sort:  

you make Pilipinas proud.
your poem is beautiful through our language.
magaling po!

maraming salamat po sa suporta.😉☝️ God bless

Salamat kabayan #steemph😁😁😁

Napakaganda nito kapatid. :) ang ganda ng pagkakagawa and ang ganda nung content. Napakahalaga din sa akin ng grandmother ko at kailan lang ay namaalam siya. Di ko mapigilan na maluha sa tula mo at nakita ko sarili ko sayo. Mahusay!

maraming salamat po.sana nagustuhan nyo.God bless

Naiyak ako... ramdam na ramdam ko bawat talata. Napakaganda, madamdamin, sapul sa puso.
Salamat po!

napakagandang tula. umukit sa aking puso twinna. ikaw ay pag palain nawa. maraming salamat sa iyong pagbahagi ng makabagbag damdaming tula.

Nice.. this comment made my day. thank you everyone I feel so blessed. God bless us all.

@nowiknow17, lungkot na lungkot ako habang binabasa ko ito..😢

salamat po sa pag appreciate.. God bless☝️

☝️👆 God bless.thanks

Nakakaiyak nman . salamat sa pag share maraming lesson ang nakukuha ko sa iyong munting tula .

comments like makes us motivated.. thank you and God bless.

Ang galing mo naman sumulat in Filipino. What you've written is really heartbreaking.

Praise the lord.☝️👆 thank you po.

I feel your pain </3 may god touch your heart. :(

Praise his holy name.thank you☝️

Ouccchhh! Nakaka-iyak nga 😭😭😭

sorry na te.. wag kna umiyak.😉

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.25
JST 0.037
BTC 96709.35
ETH 3340.46
USDT 1.00
SBD 3.16