Gising Kaibigan: Tula(Poem)

in #philippines7 years ago

Gising Kaibigan



Image Source

By: Lloyd Joseph D. Orzales(@mr-cigarro)


Napakapalad ng isang tulad mo,
kasaganaan ang iyong natatamo;
masasarap na pagkain ang isinusubo,
magagarang damit at puro bago


karirapa'y hindi mo naranasa,
gutom Kailanma'y di mo naramdama;
pumapasok ka sa pribadong paaralan
natutugunang lahat, ang mga pangangailangan


ngunit, bakit 'di mo alintana?
kaginhawaang bigay ng bathala,
ang oppurtunidad ay 'yong pinag-aaksayahan;
kayamanang 'di mo ginamit sa tamang paraan.


ipagpasalamat mo sana,
na ikaw, sa amin ay kakaiba;
kami ay sa salat nakatira,
at kahit sa pagkain kinakapos pa.


ulam ay tuyo at laging kulang.
pangunahing pangangailangan ay isinaalang-alang;
kahit bagay na nais kinakalimutan,
kahit sa pag-aaral
kahirapa'y hadlang.


gising kaibigan!
Bakit 'di mo pahalagahan,
paghihirap ng 'iyong mga magulang;
pagsisikap nila ay di mo alintana,
hirap at pawis ang puhunan nila;


ikaw sana ay mamulat na,
sa pagkakatulog ay gumising ka;
pagsisikap sa pag-aaral ay gawin na,
at ng mga magulang mo'y matuwa



"follow, upvote, resteem (@mr-cigarro)"

Please Leave a Comment...Thank you! :D















































Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 76556.14
ETH 2925.60
USDT 1.00
SBD 2.61