Unang Hakbang Papalayo

in #philippines7 years ago (edited)

leaving-home.jpg

Ginawa ko na, inumpisahan ko na. Nakakapanlamig palang talaga gumayak sa harap nya. Lahat ng gamit, binalot at bitbit papalabas ng aming bahay. Tanggap ko na payag ka sa pag-alis ko. Walang tanong, walang pag-aalinlangan. Walang pag-pigil na naganap di tulad ng dati. Ramdam ko ang lungkot ng tuluyang umalis ang sasakyan. Ito na ba ang katapusan? Hindi ko alam, pero ito ang unang hakbang upang muling ibalik ang isa't-isa sa katinuan.

Maaaring parehas kaming pagod na sa pakikipag-argumento. Maaaring hindi talaga tugma ang gusto ng bawat isa. Mahal ko sya, pero sapat na ba iyon para maging masaya?

May isang kaibigan ang pilit na nagpa-alala sa akin ng lahat. Trying to convince me to have a second thought leaving our house. Natanong sya, "Are you falling-out-of-love na ba sa kanya?" Dalawang minuto lang at sinagot ko ang tanong, "Baka. Nababalot ng puot at galit ang aking puso."

Pero kagabi, sa unang araw ng gabi na matulog akong mag-isa, napaisip ako ng konti. Miss ko agad sya. Mahal ko naman pala sya ngunit may mga bagay lang talaga na dapat ayusin pa. Hindi pala sapat ang basta "Mahal" mo lang kung wala na kayong respeto sa isa't-isa. Usap lang daw ang dapat, pag-unawa. Pero bakit sa amin hindi na yun tugma. The more we talk, the more things get complicated. Kada buka ng bibig ko, para sa kanya, nag-bunganga na ako. Kahit nag-papaalala lang naman ako. Kapag may suggestion ako, kontra agad. Wala kaming pag-uusap na hindi humantong sa asaran.

Way back 2014, ligawan mode pa lang kami, hindi kami ganito. Dati, lahat ng bagay napag-uusapan namin. Dati ang dali mag-decide kase parehas kami positibo sa mga bagay. What turns us to be like this? Hindi ko alam. May idea ako pero sinubukan ko namang i-open ngunit sadyang wala na talaga ang dating kinagawian.

Na-addict na sa mobile games. Mostly hindi na nag-uusap. Kakain sa labas ngunit hindi nag-uusap. Mag-wawalking at ang ackward ng feeling kase wala man lang kwentuhan. Hindi mapakali ng hindi hahawakan ang cellphone. Fuck you cellphone! Panira ka ng relasyon.

Hindi ko ma-express ang buo kong sarili sa takot na mahusgahan na naman. Sa tuwing sinusubukan ko, iba pala nagiging paningin na nya sa akin at na-oopen tuwing mag-aaway. Ang hirap mag-mahal. Ang hirap maging masaya. Sa edad kong ito ilang beses na ako nag-mahal at sumubok, ngunit sa huli laging failed.

I wonder... Sila ba ang may mali o ako? Akala ko kapag nag-pakasal ka forever na yun. Through thick and thin ika-nga, pero mahirap pala kapag dignidad mo na ang nakataya...

Sort:  


Get your post resteemed over 50000+ followers and get upto $17+ value Upvote. Your post will skyrocket and

give me maximum exposer. See our all pakages at:

http://www.whaleboostup.ml

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.24
JST 0.039
BTC 104385.12
ETH 3305.40
SBD 6.02