Modernong Panahon at Teknolohiya(MUST READ)😊🙏🏼👇🏼

in #philippines7 years ago

image
Marahil nga ay namumuhay na tayo sa makabagong henerasyon ngayon dulot na rin ng mga makabagong teknolohiya, ibang-iba sa pamumuhay ng mga naunang tumapak at nakipagsapalaran sa mundong ating ginagalawan. Habang lumilipas ang oras at panahon patuloy din na lumalawak ang kaalaman tungo sa teknolohiya, halimbawa na lamang ay bumili ka ng bagong gadget ngayon na kalalabas lang sa merkado, aminin natin na iba ang saya at galak sa oras na nahawakan mo na ang pinakabago at higit na mas lamang sa ibang gadget ang binili mo, ngunit gaya na lamang nang aking nabanggit lilipas rin ang oras at mamamalayan mo na lamang na napag-iwanan na ang gadget na kailan lang ay nabili mo sa mga bago at mas may mataas na uri ng teknolohiyang nakapaloob dito. Dahil kasabay rin ng paglipas ng mga araw ay patuloy padin ang pagsasaliksik ng mga tao sa kung paano pa’ng pa-uunlarin ang teknolohiya, siguro nga ay malaki ang naitutulong at naiaambag na ginhawa sa araw-araw na pamumuhay nating mga kasalukuyang henerasyon ngayon ang mga makabagong teknolohiya, pinapadali nito ang mga bagay-bagay na noon ay iniisip nating imposible, ngunit kasabay din ng patuloy na pag-yabong at pag-unlad nito ay naaapektuhan unti-unti ang ating kalikasan at kapaligiran, dahil sa bawat gadgets na hawak natin ngayon ay ginamitan ng mga materyales na mula sa ating mahal na inang kalikasan gaya na lamang ng mga mineral na ginamit sa mga aparato na mayroon tayo ngayon tulad ng tungsten, tantalum, tin, gold at iba pa. Isipin na lamang naten na habang tayo ay nagtatamasa at nagpapaka sarap sa mga teknolohiyang ginagamit naten ay may mga tao na nagmimina at nagpapaka hirap sa ilalim ng lupa upang mabili at magkaroon tayo ng mga iba’t-ibang uri ng aparato na nagpapaginhawa sa ating mga buhay. At hindi lang yon, dahil din sa teknolohiya ay nakakalimutan na natin kung paano makipagkapwa tao nang tama, aminin din natin na kahit papaano ay natuto tayong maging tamad dahil lahat halos ng bagay ay ini-asa nalang natin sa tulong ng teknolohiya, malaking tulong nga ang teknolohiya sa panahon ngayon ngunit kung hindi naman nagagamit sa tamang paraan ay tayo mismong mga tao ang magdadala sa ating katapusan.
Thank you for dropping by!
@surpassinggoogle has been a wonderful person and please support him as a witness by voting him athttps://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnessesagain and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.24
JST 0.040
BTC 92103.41
ETH 3213.49
USDT 1.00
SBD 8.75