Tanglaw Sa Dilim (Filipino Poem)

in #philippines7 years ago (edited)

be-the-light.jpg

Nakakangaling ng balahibo ang pagkapa sa dilim,
Nakakatakot dahil sa dilim,dagsa ang itim.
Wala kang maaaninag ngunit iba’t iba ang iyong makikimkim,
At ito’y,ang mga bagay na tunay na nakakapanrimarim.

Napakapait kung iisipin,
Ngunit sa dilim,wala kang mapapansin.
Napakahirap hanapin,
Ang mga bagay na dapat halungkatin.

Ngunit,ako’y narito aking kaibigan,
Ako’y magiging kandila na iyong masasandigan.
Iilawan ko ang iyong daraanan,
Upang ika’y makarating sa iyong paruruunan.

Handa ‘kong sunugin ang aking belo,
Para huwag ka lang magyelo.
Hindi ko alintana ang oras sa aking relo,
Kahit na bansagan nila akong soltero.

Huwag kang mag-alala kung ako’y unti-unting numinipis,
Kaya ko ang sarili ko’t ito’y isa lamang daplis.
At nawa’y ihinto mo na ang iyong bagang na sa tuwina’y nagtatangis,
Gayundin ang luha mong sa iyong pisngi’y namamalisbis.

Kaibigan,gamitin mo ang aking ilaw,
Ang liwanag kong hinding-hindi malulusaw.
Kaibigan,ako ang kandila mong hitik sa kulay dilaw,
Gamit ito’y nawa’y matitighaw ang nararamdaman mong uhaw.

Kaibigan,dagsa man ang pagsubok sa iyong buhay,
Huwag kang mag-alala’t narito ako’t handang umantabay.
Huwag kang magdadalawang isip na umagapay,
Sa akin na iyong tagagabay.

Sa aking balintataw,
Gustong-gusto kung maging kandila na nagbibigay ilaw.
Upang magabayan at magbigay liwanag sa kanikanilang pananaw,
Kahit pa ang resulta’y aking pagkalusaw.

Nakakangilo sa pandinig ang mga ungol sa dilim,
Mga ungol na ang sanhi ay ang kapaligirang puno ng itim.
Kadilimang puno ng misteryo’t lihim,
Datapwat,kaibigan huwag
nang mag-alala sapagkat narito ako
ang iyong tanglaw sa dilim.

Photo Source

Thank you for reading!

jonelq.png

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 90504.92
ETH 3101.91
USDT 1.00
SBD 2.98