Kwentong Kahayupan

in #philippines7 years ago

Ang mababasa ninyong kwento ay nagamit ko noon taong 2014 bilang motivational story sa mga guests & invites namin bilang career ko sa Networking. Nawa'y kapulutan ninyo ng munting aral ang maibabahagi ko sa inyo. At paumanhin sa paggamit ng balbal na tagalog. Walang pag-edit ang naganap sa akda na iyan. Salamat po sa pang-unawa.


isang araw ay nagLaLakad ang mag-amang Juan at Juanito papuntang bayan. Bago siLa makarating sa bayan ay kaiLangan muna niLa dumaan sa apat na barrio. at para hindi mahirapan sa pagLaLakbay ay nagdaLa siLa ng kaLabaw. sumakay si Juanito sa kaLabaw habang hiLa-hiLa un ng amang si Juan. pagdaan niLa sa unang barrio, narinig niLa na pinag-uusapan siLa ng mga tao..

"Ano ba yang bata na yan?! WaLa man Lang maLasakit sa tatay nya, nakita na nga na matanda na tapos pinagLaLakad pa.. tsk" at nag-usap ang mag-ama..

bumaba si Juanito sa kaLabaw at sumakay naman ang amang si Juan ayon sa napagkasunduan niLa. pagdaan niLa sa pangaLawang barrio, narinig niLa na pinag-uusapan siLa ng mga tao.. "Ano ba yang matanda na yan?! Hindi man Lang inisip ung kaLagayan ng bata, ambata-bata pa pero pinapagod na sa pagLaLakad.. tsk" at nag-usap ang mag-ama..

bumaba si Juanito sa kaLabaw at sumakay naman ang amang si Juan ayon sa napagkasunduan niLa. pagdaan niLa sa pangaLawang barrio, narinig niLa na pinag-uusapan siLa ng mga tao.. "Ano ba yang matanda na yan?! Hindi man Lang inisip ung kaLagayan ng bata, ambata-bata pa pero pinapagod na sa pagLaLakad.. tsk" at nag-usap ang mag-ama..

bumaba si Juan sa kaLabaw at nagdesisyon siLa na akayin na Lang ang kaLabaw papunta sa bayan. Sa madaLing saLita, hindi niLa ito sinakyan. pagdaan niLa sa pangatLong barrio, narinig niLa na pinag-uusapan siLa ng mga tao.. "Ano ba yang mag-ama na yan?! Ang tanga naman, may kaLabaw nga pero di naman ginagamit.. tsk" at nag-usap ang mag-ama..

sabay siLang sumakay sa kaLabaw. at pagdaan niLa sa pang-apat na barrio, narinig niLa na pinag-uusapan siLa ng mga tao.. "Ano ba yang mag-ama na yan?! Hindi na naawa sa kaLabaw! Grabe naman siLa.. tsk" at nag-usap ang mag-ama.. napagdesisyunan niLang mag-ama na paLayain na Lang ang kaLabaw para waLa na masabi ang mga tao. tumakbo ang kaLabaw. tumakbo nang mabiLis, tumakbo nang matuLin. at sa kamamadaLi nya ay nahuLog siya sa maLaLim na baLon. sa Loob ng baLon ay merong apat na paLaka. natatawa siyang nanonood sa isang paLaka na taLon ng taLon. waLang tigiL sa pagtaLon. sabi ng isang paLaka..

"TigiLan mo na nga yang katataLon mo. Hindi na tayo makakaLabas sa baLon na ito." subaLit nagpatuLoy pa rin siya sa pagtaLon.

nagsaLita din ang isa pang paLaka.. "Hayaan nyo na siya, titigiL din yan kapag napagod." pero nagpatuLoy pa rin sa pagtaLon ang paLaka.. hindi tumigiL ang paLaka sa pagtaLon. nabanat nang husto ang mga baLat at buto niya. tumaas nang tumaas ang taLon ng paLaka. hanggang makataLon siya sa Likod ng kaLabaw. at ginamit niya itong tuntungan para makataLon paLabas ng baLon. guLat na guLat ang mga natitirang paLaka. naLaman na Lang niLa na BINGI paLa ang paLakang un. nagsisi siLa sa nangyari at natutunan na wag magdiscourage ng kapwa.

nagsanay din siLa na tumaLon ng tumaLon. hanggang sa tumaas ang taLon niLa. hanggang sa mabanat din ang baLat at buto niLa. at tuLuyan na siLang nakaLabas ng baLon. naiwang mag-isa ang kaLabaw sa Loob ng baLon. at kahit anong taLon ang gawin niya ay di siya makaLabas. sa ingay ng taLon ng kaLabaw, nakatawag pansin ito sa isang bata na nagLaLakad. siniLip niya ang baLon at nakita ang kaLabaw. agad naman nitong tinawag ang mga ka-barrio upang sakLoLohan ang kaLabaw. sobrang LaLim ng baLon at waLa ring sumubok na bumaba para sakLoLohan ang kaLabaw. napagdesisyunan niLa na dun na Lang iLibing ang kaLabaw sa baLon. kaya naman kumuha siLa ng paLa at inumpisahang tabunan ng Lupa ang baLon.. sa bawat tabon niLa ng Lupa ay napupunta ito sa Likod ng kaLabaw. ang ginagawa ng kaLabaw ay pinapagpag niya ang Lupa sa kanyang Likuran at pinapatag ito upang gawing Lupang tatapakan. patuLoy ang ginawa ng mga tao, hukay, tabon, hukay, tabon. tuLuy-tuLoy din naman ang kaLabaw, pagpag, angat, pagpag, angat. hanggang sa maabot na niya ang bukana ng baLon. at tuLuyan na siyang nakaaLis ng baLon. tumakbo ang kaLabaw dahiL sa sobrang saya nya. gusto niyang puntahan ang kaibigang CameL para ikwento ang kanyang karanasan. agad naman siyang nakarating sa kinaroroonan ng CameL at nagkwento. nasiyahan ang CameL sa kweto ng kaLabaw. matapos ang mahabang pag-uusap ay umaLis na din ang kaLabaw. nakita ng anak ng CameL ang kaLabaw. nadinig din niya ang pag-uusap ng inang CameL at ng kaLabaw. at inusisa nya ang ina..

"inay, ganun paLa ang hitsura ng kaLabaw. bakit po ba tayo may humps inay?" "Ah ito ba anak, imbakan natin ito ng tubig para may reserba tayo sa mahabang pagLaLakbay. nakadisenyo kasi tayo para mabuhay sa disyerto."

"ah ganun po paLa inay. eh bakit naman po payat ang mga hita natin?" "Ah ito ba anak, para makaya natin suportahan ung bigat kapag may daLa tayong mga gamit. nakadisenyo kasi tayo para mabuhay sa disyerto."

"ah ganun po paLa inay. eh bakit naman po mahahaba ang piLikmata natin?" "Ah ito ba anak, para hindi tayo mapuwing ng buhangin kapag humahangin. nakadisenyo kasi tayo para mabuhay sa disyerto.

"ah ganun po paLa inay. eh kung taLagang nakadisenyo nga tayo sa disyerto, BAKIT PO TAYO NAKAKULONG DITO SA ZOO???"


credits to Mr. Arnel Limpin for mentoring me, sir John Asperin for the jokes and upline Gina Rizardo for the guidance. power! 👊

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.27
JST 0.040
BTC 96892.86
ETH 3460.44
SBD 1.58