Ang Misteryo ng Ibong Adarna

in #philippines6 years ago (edited)


imahe mula sa

Lubha akong nahihiwagaan sa misteryo na nababalot sa Ibong Adarna. Nasa ika-anim na baitang ako ng elementarya nang mabasa ko ang libro ng Ang Ibong Adarna. Tinatalakay ang paksang ito sa curriculum ng Unang Baitang sa High School. Subalit advance ako magbasa (hindi mag-isip) kaya Grade 6 pa lang ay naengganyo na akong basahin ang libro na iyon.

Bago ko pa mabasa ang libro na iyon ay may ideya na ako tungkol sa Ibong Adarna sapagkat una kong napanood ang Ang TV The Movie : The Adarna Adventures. Magkaiba ang kwento ng pelikula sa tunay na kwento na nasa libro. Pero may ilang pagkakapareho din-- katulad ng kakayahan ng Adarna na magpagaling gamit ang kanyang boses; ang inggit ni Don Pedro kay Don Juan; ang kanilang Amang Hari na maysakit; ang pagtulong sa Ermitanyo; at ang pagiging bida ni Don Juan.

Gamit ang aking kakayahan at kalinangan sa pananaliksik, inalam ko ang kasaysayan ng mga pelikula na na-prodyus gamit ang kwento ng Ibong Adarna. Isa-isahin natin ang mga ito:

● Taong 1941 nang isagawa ang unang pelikula ng "Ibong Adarna" na pinagbidahan nina Mila del Sol, Fred Cortes, at Ester Magalona.
● 1956 naman nang gumanap sina Nida Blanca, Nestor de Villa at Carlos Salazar sa parehong titulo.
● "Ibong Adarna" (1972) at ang sequel nito na "Ang Hiwaga ng Ibong Adarna" (1973) tampok sina Philippine Comedy King Dolphy bilang si Prinsipe Adolfo at ang mga komedyanteng sina Panchito Alba bilang Prinsipe Alfonso, Babalu bilang Prinsipe Albano at si Rosanna Ortiz bilang Ibong Adarna.
● "Si Prinsipe Abante At Ang Lihim ng Ibong Adarna" taong 1990 na pinagbidahan ng komedyanteng si Rene Requestas bilang Prinsipe Abante, Paquito Diaz bilang Prinsipe Atras, Joaquin Fajardo bilang Prinsipe Urong-Sulong at Monica Herrera bilang Prinsesa Luningning/Ibong Adarna.
● At ang nabanggit ko kanina, ang pelikula ni Jolina at Gio Alvarez na "Ang TV The Movie : The Adarna Adventures" taong 1996.

Ngayon naman ay ating talakayin ang mga nakakatuwa ngunit puno ng misteryo at kababalaghan na mga pangyayari at sitwasyon sa kwento ng Ang Ibong Adarna.


Ang Amang Hari na maysakit



Haring Fernando

Tipikal na sa kwento ng mga Pilipino na palaging nagkakasakit ang pinakamakapangyarihang namumuno sa bayan o kaharian. Sa hindi malamang kadahilanan, ang mga taga-kwento noong araw ay palaging ginagamit na plot ang Hari/Emperador/Datu/Konde/Duke na maysakit. At sa mas mahirap pang ipaliwanag na dahilan ay hindi kayang gamutin ng mga doktor, albularyo, pantas at mga mahikero ang hari. At nauuwi lang sa palaging may misyon na humanap ng kakaibang lunas sa sakit nito. Syempre ang gantimpala rin palagi ay ang posisyon ng hari. Ipagkakaloob niya ang panunungkulan, kapangyarihan at kayamanan sa sinumang makakapagpagaling sa kanya.

Wow oh wow! Sa tunay na buhay, kapag napagaling ka ng doktor mo, hindi mo naman ibibigay ang posisyon mo sa nagpagaling sa'yo. Isipin mo na lang si President Duterte na nagkasakit at napagaling ng doktor. Bibitawan niya ang linyang "Ok Dok, ikaw na maging Presidente dahil napagaling mo ako." Maygaaaaad! Ayheyt Draaaaags!


Ang Libreng Serbisyo ng Ibong Adarna



Coach Lea Salonga

Unli ang pagrequest ng kanta sa Ibong Adarna kapag nahuli mo ito. Hindi katulad ng videoke machine sa arcade na hinuhulugan ng limampiso para lamang makapag-input ka ng susunod na kanta. Dinaig pa ang mga may gig sa Padis Point na nagpapabayad ng request na kantang isinulat sa kapirasong tissue na pinampunas ng bibig (madalas may naiiwan pang bakas ng sisig at bula ng beer).

Noong unang panahon kasi ay hindi pa uso ang talent search at reality shows sa pagkanta katulad ng The Voice, X-Factor, Tawag ng Tanghalan, atbp. na pwede sanang salihan ng Ibong Adarna at manalo ng 1Million Pesos, house and lot at iba pang showcases at packages. Imagine mo na lang si Coach Lea na nagkukumahog pumindot ng buzzer para lamang mapaikot ang kanyang upuan at umindak, umarte at magpatangay sa magandang boses ng Ibong Adarna.

I want you in my TEAM!!!


Ang Ipot ng Ibong Adarna



Ang Ibong Adarna

Dito ako sobrang natatawa. Kapag naiputan ka ng Ibong Adarna ay magta-transform ka at magiging bato. Ano ba ang kemikal komposiyson ng isang bato? Oxygen, Silicon, Aluminum, Iron, Calcium, Sodium, Potassium at Magnesium ang mga pangunahing elements na tinataglay ng isang bato. Ano kaya sa tingin ninyo ang kinakain ng Ibong Adarna para ang kanyang ipot ay maging bato at gawing bato ang matamaan nito?

Naalala ko tuloy ang kwento ni King Midas at ang kanyang Golden Touch. Anumang mahawakan niya ay magiging ginto. Kung i-aapply natin ang prinsipyong ito sa Ibong Adarna, malamang naging bato na rin ngayon ang puwitan ng ibon. Dahil may naiiwan na ipot sa kanya at magiging bato ang matamaan niyon.

Which leads me to my next conclusion na ang mga tagasuri pala ng dumi noong araw ay ang mga ermitanyo sa bundok. Sila ung old school na kukuha ng stool sample mo at magla-lab test ng dumi mo. Pagkatapos ay ibibigay sa'yo ang resulta at malalaman mo na kung ano dipirensya sa'yo. Tama di ba? Ang ermitanyo ang nagbigay ng babala na magiging bato ang maiputan ng Ibong Adarna.


Pain Tolerance



Dayap

Susugatan mo ang iyong braso sa pamamagitan ng paglaslas at ang mga nalikhang sugat ay papatakan mo ng dayap (lime) para hindi ka makatulog. Grabe siya oh! Uso na pala ang JackAss ni Johnny Knoxville noong araw. At mas malala pa ang trip nila. Iyong susugatan mo na lang ang braso mo brutal na eh. Tapos pipigaan pa ng dayap?! What da ef!!! Mabisang pang-torture ito sa mga mahuhuling kriminal. Dapat siguro gamitin ang sistemang ito ng ating mga NBI para mapaamin ang mga suspect.

Hindi pa siguro uso ang kape noong araw. O baka naman naadik na sila masyado sa kape kaya wala ng talab sa kanila iyon at hindi na pwedeng panlaban sa antok. Kungsabagay, baka health conscious na din ang mga tao noong araw at umiiwas na sa caffeinated drinks.

Hindi lang pala isang beses kundi pitong beses hiniwaan ni Don Juan ang kanyang braso at pinatakan ng dayap. Aruy! Josme! Ewan ko ba kung may pagka-masokista ang nagsulat nito o trip lang niya gawing manhid si Don Juan. Toyo, paminta at bawang na lang ang kulang, pwede na i-marinate ang braso ni Don Juan.


Polygamous Nature



Polygamy

O siya, siya! Last na 'to! Baka masyado ka ng nako-conryhan. Bakit ginawang babaero ang role ni Don Juan sa kwento? Mas astigin siguro kapag madami nagkakagusto kay Don Juan. At para na rin siguro mapahaba pa ang kwento. Hanep! May lablayp na, lumalablayp pa! Ampogi siguro masyado ni Don Juan para pag-agawan siya ng mga babae sa kwento.


Ilan lamang iyan sa mga napansin ko sa kwento. Hindi ko tinutuligsa ang ideya ng orihinal na sumulat ng nobela. Ginawan ko lang ng komikong salaysay ang isa sa tanyag na panitikang nagpasalin-salin pa sa ating mga ninuno at ngayon ay bahagi ng pag-aaral sa high school. Kung may nais kang ibahagi, maaari mong idagdag sa komento. Anumang pagtalakay sa usaping ito ay malugod kong bibigyang kasagutan. At muli ay nagpapaalala sa inyo na mahalin at pagyamanin ang mga original na kwentong atin.


Jigglypuff

P.S. Sino kaya unang makakatulog kapag nagharap ang Ibong Adarna at si Jigglypuff?
Ang matalo, may drowing ng pentel pen sa mukha. Nyahaha! 😂

Sort:  

May mga punto ang mga nakakatawang obserbasyon. Pero medyo nanibago ako bigla haha. Kamakailan puro kasi seryoso at hugot ang iyong mga akda. Good job, naaliw ako sa mga critique. Meron bang kasunod?

maraming salamat lodi @jazzhero. nag-enjoy ako isulat ito. ang likot lang siguro talaga ng imahinasyon ko at kung anu-anong napupuna ko. at oo, may mga kasunod pa na ganyan. sa ibang nobela o sulatin naman. nyahaha! 😂

Noong una po ay tinamad akong basahin ito dahil sa history at mahabang introduction pero bandang gitna po ay sobrang natawa ako sa mga obserbasyon po ninyo sa mga pangyayari sa kwento. Lahat po ng nabanggit ay pinag-isipan ko at binalikan. Wahahaha! Tama nga po talaga. Ang dami po ninyong puntos na naibigan ko.

salamat @lingling-ph at napagtiyagaan mong basahin. nyahaha! buhay ka na ba nung ipinalabas ung Ang TV The Movie : The Adarna Adventures ? hindi mo na yata naabutan un. 😂


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.035
BTC 90664.52
ETH 3131.19
USDT 1.00
SBD 3.05