Paano maverified sa Paypal

in #philippines6 years ago

Alam naman natin na karamihan sa ating mga pinoy ay walang mga credit cards kaya hirap tayo ma-verified sa paypal. Maaring kapos tayo sa pera o hindi lang tayo interesado sa credit card. Pwede naman tayong mag pagawa nang mga debit at credit cards kaso sobrang hassle kase ilalakad pa natin ito sa mga bangko.

Ngayon ituturo ko sa inyo kung paano maging verified sa paypal. Ang pinaka madaling paraan ay ang Paymaya. Libre lang ang pag-gawa ng paymaya. Baka isipin ninyo na ang scam ito. Ang Paymaya ay pag mamayari ng PLDT at Smart. Check ninyo ito para makasigurado kayo https://paymaya.com/

0.JPG

Sundin nyo lang mga steps ko para mag verified na kayo sa PAYPAL.

  1. Idownload mo ang Paymaya app sa app store mo (playstore at itunes). Click Sign-up at Fill up-pan mo lang ang mga details. Palagi mong tandaan na ang details na ilalagay mo ay totoo at dapat parehas sa gagawin mong paypal o sa paypal na nagawa mo na gaya ng mga numbers at address. Baka kase magkaproblema ka in the Future. After mo fill-up-pan, may marereceive ka na verification code sa number na ginamit mo at i-enter mo ito sa paymaya app. after nun ay may paymaya ka na

1.JPG

  1. Lagyan ang iyong paymaya ng 150 PHP dahil kakailanganin mo ito sa Paypal. Wag ka mag alala dahil ang 150 PHP na ito ay maibabalik sayo, mairereimburse ito kapag na verify na ng paypal ang account mo. Ang pinaka magandang paraan para Lagyan ng laman ang Paymaya mo ay sa pinaka malapit na 7-eleven store sa inyong mga lugar. Walang transaction fee ang 7-eleven cliqq kiosk kaya mas maganda na dito nalang. Pumunta lang sa pinakamalapit na 7-eleven sa inyong lugar at pumunta sa cliqq kiosk nila. i-Click ang e-Money at Paymaya at ilagay ang number (cellphone number) na ginamit mo sa paymaya mo at kung magkano ang ilalagay mo (150 PHP para sa Paypal).
    Para sa iba pang paraan kung paano mag load ay i-Click lang ito.

2.JPG

  1. Mag log-in na sa iyong Paypal Account at i-click lang ang Add/Edit Credit Card. Kung wala pa kayong Paypal mag sign up lang sa paypal o ifollow nyo lang ako at mag popost din ako ng pag gawa ng account sa paypal.

4.Fill-up-pan mo lang ulit ang mga details. Siguraduhin mong parehas ng mga details ng paymaya mo ang ilalagay mo gaya ng address mo . Piliin ang "Visa" sa Card Type at Ilagay ang Card Number mo. Tandaan na ang Expiration Date ay ang "Valid Thru" sa Paymaya Virtual Card mo (nasa Paymaya app mo) at ang Card Verification Number ay ang 3 digit o numero na katabi ng "CVV2" sa Virtual card mo. Idouble check mo at kapag na double check mo na ay i-confirm mo na.
5.May ma-rereceive ka na verification code sa number mo (ginamit mo sa paymaya) at i-enter mo ito sa paypal mo at i-confirm mo na. Mapapansin mo na nawala na ang 150PHP sa paymaya mo dahil nacharge ka na ng 1 dollar para sa verification at 100 PHP para sa verification code. Gaya nga ng sabi ko kanina wag ka mag alala dahil mababalik sa iyo yan (reimburse) pagkatapos maverified account mo . Kadalasan 1-3days bago mo makuha ulit ang 150php.

At iyon na, Mayroon ka ng Verified na Paypal account. Nag karoon ka pa ng Paymaya Account. Maari mo ng magamit ang Paypal mo sa iba't-ibang bagay. Pagbili sa mga Online stores, hotel resevations, credits sa mga laro mo, at kung ano-ano pa. Maari ka na din makapagwithdraw sa paypal gamit ang paymaya mo.

Kung may mga katanungan pa kayo wag kayong mahihiyang mag comment o may nais kayong idagdag kontakin nyo lang ako.

P.S. Ang mga larawan na ginamit ko po ay galing mismo sa Paymaya website kung may nais pa kayong malaman about Paymaya check this https://paymaya.com/faq/.

P.P.S.Hindi po ako endorser ng Paymaya, Paypal, at 7-eleven. Hindi po nila ako bayad haha. Thank you

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 105327.12
ETH 3411.36
SBD 4.67