Alay sa araw ng pagkalaya
Wika mo’y, wika ko,
Ito may katutubo
Ito’y tatak pilipino
ng liping kakulay mo.
Ngunit ang ating wika pambansa
Pilipino ang siyang tunay na itinakda
Pagkat ito’y tunay na puno ng diwa
At bukam-bibig ng mas maraming dila.
Sadyang maalamat ito
Pagkat ito ay simbolo
Ng ating pagkapilipino
Ng kasarinlan ng lahi mo.
Tandaan, ang di magmahal sa wika
Na sariling atin at di ang banyaga
Ay higit pa sa amoy ng isang isda
Na nalalansa at sadyang bulok na
Kayat dapat ipagbunyi mo
Ang wikang kinagisnan mo
Ng buong puso at respeto
Pagkat ito ay biyaya mo.
Huwag mong ikahiya, bagkus ipanata
Na gamitin lagi ang wikang pambansa
Sa paghahabi ng mga makukulay na tula
At pakikipagtalastasan araw araw sa iba.