Papa mama naririnig mo pa ba ako?

in #philippines7 years ago (edited)


Papa mama naririnig mo pa ba ako? Isang tanung na masakit kung iisipin
Hindi natin alam kung kailan sila kukunin satin
May mga bagay talaga sa mundo na ang hirap tangapin
Lalo na kung ito ay mahal at mahalaga sa atin.

Buhat ng ako'y maliit pa kayo ay nandyan
Mula sa aking unang hakbang ako'y inalalayan
Kung ako'y maysakit laging binabantayan
Lubos na pagmamahal ang inyong pinaramdam.

Nang ako'y nagkaisip kayo'y kinalimutan
Ako'y nalulong sa silakbo ng kabataan
Kasama ang barkada at mga kaibigan
Nangungulilang magulang,naghihintay sa tahanan.

Naisipan kong umuwi upang kayo'y silipin
Aking nadatnan, ama't inang patpatin
Habol ang hiningang halos lagutin
Ngayo'y nagsisisi, umiiyak sa dilim.

Photo Credit:
https://www.google.com.ph/search?dcr=0&biw=1366&bih=675&tbm=isch&sa=1&ei=aL5hWpWDIIHq8AXypoLACQ&q=old+parents+&oq=old+parents+&gs_l=psy-ab.3..0l3j0i67k1j0l2j0i67k1j0l3.21096.21381.0.21733.2.2.0.0.0.0.109.109.0j1.1.0....0...1c.1.64.psy-ab..1.1.108....0.bpoFdmnmGFo#imgdii=qWglMXIp8WEOEM:&imgrc=Icgz964JWM7l-M:

Sort:  

ang sakit naman nito... :(

nakakalungkot pero nangyayari talaga to

mga bagay na hndi natin inaasahan na mangyayari :(

Very touching poem.
Steem On!

Take some imaginary @teardrops (Smart Media Tokens)

thnx u steemgigger.

Ouch. Ang sakit. That’s why we should make our parents feel they’re love because we never know until when they can hear us. ☹️

sa tuwina nagkakamali tayo...pero ang pagtanggap at pagsisisi lagi man nasa huli ang mahalaga nalaman natin ang ating pagkakamali

Sikip sa dibdib sis. Wla na akong papa sis at never kong narining boses nun :(

sorry.. english speaking.. but nice pic! :)

i cried a lot girl... touch na touch ako, ", waiting for your next poem! ",
i'll follow you.. it's me @noime

salamt po mam :) sana po makita nila ang mga gawa ko.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 96247.25
ETH 3349.36
USDT 1.00
SBD 3.28