Tula 23: Para sa mga Masasayang Pilipino
Pyesta Sa Nayon
By: @christyn
'Wag ninyong ismolin ang pyesta sa amin
Walang katulad dito ang selebrasyon
Lahat ay nagdiriwang sa buong nayon
Kaya heto na bakit di mo silipin.
Malayo pa lang ang piyesta sa nayon
Nakasabit na ang magagandang dekorasyon
Katulad ng matitingkad na banderitas
Na parang mga nagsasayawang prutas.
Sa bawat gabi ay may iba't ibang palabas
Kaligayahan sa amin ay walang kupas
Bawat isa ay natutuwa't nagagalak
Kahit paman ang iba ay lunod na sa alak.
May makukulay at kakaibang parada
Sila ang nagpapapuno ng aming kalsada
Makisip man ang lahat ay masaya.
Lalo na kung ang artista ay makita.
Kung sayawan lang rin ang usapan natin
Tiyak mamamangha ka sa galing
Sayaw na kasabay ang panalangin
Na sa Panginoon ito ay dinggin.
Kaya, halika't makisaya sa aming nayon,
Para matikman mo ang aming letchon
Ito ang aming espesyal na ulam
Segaradong ikaw ay matatakam.
Kami ay mga Pilipino
Ito ang aming pyesta dito
Kami ay masasayang tao.
Pyesta ko ay pyesta mo.