Postpartum depression attacks me again!

in #philippines7 years ago

To all my kananay na nagsuffer sa POSTPARTUM DEPRESSION at nakasurvive dito please guide me :( I have this feeling na parang ang samsama kong ina sa mga ank ko :( Lalo na sa panganay ko. Alam ko kayo ang makaka intindi sa akin.

Oo bata pa sila nasa kalikutan pa. Pero bakit ako ganito? Napapalo ko na sya. Kahit anong pigil ko sa sarili ko nagagawa ko pa din. Tapos dumadating sa point na umiiyak na lang ako kasi narerealize kong mali ang ginawa ko :( Mahal na mahal ko mga anak ko. Naguguilty ako dahil sa twing napapalo ko sila na aawa ako at nagagalit ako sa sarili :( Twing gabi bago ako matulog nagdarasal ako sa panginoon na bigyan ako ng mahabang mahabang pasensya dahil ayokong dumating ulit sa punto na makakasakit ako.

Hirap na hirap akong kontrolin ang emosyon ko. mabilis akong magalit. Minsan naiisip ko ibigay yung anak ko sa iba para mawala yung pagod na nararamdaman ko pero biglang may sumasampal sa muka ko na hindi ko kaya mawala o malayo sa akin.

Gusto kong maging mabuting ina pero paano ba? Gusto ko ng maging maayos. Hirap ng ganitong sitwasyon :(

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.27
JST 0.041
BTC 104060.88
ETH 3871.70
SBD 3.28