We Love Basketball Tuesdays: Ganito kaming mga Pinoy OFW na Mahilig Magbasketball

in #philippines7 years ago

Gusto ko lang ishare mga Kababayan na ang paglalaro ng Basketball ay nakakatulong sa Kalusugan at nakakatanggal ng stress. Lalo na kapag tumatagaktak ang mga pawis at nakakalanghap ng sariwang hangin. Syempre iba ang feeling kapag nakaak shoot at nananalo ang team.

Ano ang Benefits ng Basketball sa mga kagaya namin?

  1. Iwas bisyo - Imbes na alak, o yosi ang bonding nag babasketbol kami isang beses sa isang linggo
  2. Hindi uso ang sakit sa amin - Kahit tagtag kami sa trabaho araw araw energetic kami at masayahin walang stress
  3. Nakakakilala kami ng mga kapwa Pilipino - Halos tuwing game may bago kaming kaibigan at kakilala

Ang pinaka immportante sa game, Sports kaming lahat walang pikunan, pagtapos syempre bonding sa kainan. Minsan pa nga nagluto kami ng pansit at dun namin nilalantakan.

Kahit medyo mahirap sa ibang bansa parang nasa Pinas na din kami kasi minsan isang linggo puro Tagalog kausap namin, "AYUN OH!" "PARE!" "APIR!"at puro tawanan lang kahit pa minsan hindi panalo parang panalo na din kami!

Ang totoo nga nyan tatak Pinoy ang larong ito dahil ang uso dito sa Malaysia Football. Pero kami ginagamit namin ang court para sa Basketball

HETO ANG GOOD NEWS!

Ang balak ko ay ayain na ang mga ito mag join sa STEEM. Bukas na bukas din! Sisimulan ko na silang imbitahin.

Excited na ako! Sana lahat tayo umasenso na nagtutulungan.:)

Pag aralan ko pa ibang paraan malay nyo next time ako na gagawa ng mga tutorial video kung paano kumita sa Steem :)

Salamat ulit sa lahat!

Sort:  

Wow mukhang madamidami ata yang ma i invite mo ah...Goodluck sana nga lahat mag join! Godbless!

Yes maalok ko sila kapag kumita na ako at kapag may maipapakita na ako na ebidencia..kya KEEP STEEMIT

paadopt naman po sa steemit community nyo.

update kita soon brother

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 68588.91
ETH 2458.42
USDT 1.00
SBD 2.35