Siargao Solo Travel | Part 1

in #philippines7 years ago (edited)

Siargao is known as the surfing capital of the Philippines.
Siargao isn't really included on the places on my bucketlist. But when Cebu Pacific offered a direct flight promo to Siargao back in October 2017 i just couldn't let it pass, knowing how expensive airfare to Sairgao is.
Got mine at Php 3700 two way (feeling ko naka jackpot ako!) . Direct flight Manila-Siargao and Siargao-Cebu-Manila.

My Flight was February 25, it was a 2-Hour flight and it was a bit bumpy? Nakakahilo, sobra!
Siguro dahil may LPA nung time na yun.
Hindi ako makapag concentrate sa panonood ng koreanovela sa hilo ko. Hahaha!

My flight was 12:50 PM and arrived at 03:10 PM. From the airport you need to ride a van going to General Luna. You really don't need to pre-book your transfer kasi may mga vans na nakaparada sa labas ng airport. Hindi din sila naghihintay na mapuno yung van kasi since limited yung flight pa Siargao hindi sila nag eexpect ng maraming pasahero. I waited siguro 10-15 minutes lang. Airport to General Luna is around 30-45 minutes depende sa driver.

I already pre-booked my accommodation para hindi hassle. Siargao is known as backpacking haven, karamihan ng mga accomodation na nakita ko offers bed space for like Php 350/ night. Yung ibang nakita ko online may free breakfast pa. Hindi naman sa maarte ako gusto ko lang talaga ng may sarili akong space md privacy.
I stayed at Jing's Place Homestay. Very simple, okay naman yung place. Problem lang sa room ko was hindi sya well mainted, sira yung door ng CR, may nalalaglag na mga maduduming alikabok or buhangin sa may bedside and CR din, yung taas kasi rooms din so pag naglalakad sila naglalaglagan yung mga dumi. Okay lang naman hindi naman masyado big deal dahil wala naman ako maghapon sa room.
Yung na-book kong room was with aircon,private CR, free breakfast good for 2 pax at Php 1000/ night. Stayed for 4D/3N so Php 3000 yung accomodation ko. IMG20180227060553.jpg

IMG20180225163650.jpg

After i fixed my things nagtanong ako kay ate na nakapwesto sa may counter kung may naka schedule b silang tour na pwede ako magjoin since magisa nga lang ako, sabi nya wala daw. Kaya umalis na lang ako at pumunta sa Cloud 9. Yung accomdation ko pala is medyo looban mga 5 minutes walk papuntang main road tapos pwede na maghinty ng habal habal Php 20 per ride mga 5 minutes lang din papuntang Cloud 9.
IMG20180225172425.jpg

IMG20180225173809.jpg

Chill lang sa boardwalk,sarap pakinggan ng mga alon. After Cloud 9 naghanap n ako ng makakainan nirecomend nga mga habal habal drivers sa kumain sa Mama's Grill. Normal lang namn puro inihaw na isda, manok, baboy at kung ano ano pang pwedeng ihawin. Price is reasonable, Php 150-200. After dinner i went back to my accommodation to rest.
IMG_20180225_210538_262.jpg
Moon halo

Part 2 to follow 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 97549.65
ETH 3484.99
USDT 1.00
SBD 3.21