Ano ang STOCK MARKET?

in #philippine7 years ago

“STOCK MARKET” (Simplehan lang natin)

Ito yung DIRECT investing or trading ng shares or stocks sa mga companies (Small and Big Companies). Ito ang way kung gusto mong maging shareholder or stockholder ng Jollibee, Ayala, SM, BPI, PLDT, etc. khit sa maliit na puhunan dahil for as low as 5,000 pesos pwede knang maging part ng mga companies na yan. Kailangan mo lang ng Stock Broker, ano ang Stock Broker? pwede mo yan i-research sa Google pero as of now ang pinaka-SIKAT si COL Financials.

Now, dahil sinabi ko nga kanina ito ay “DIRECT” meaning ikaw mismo ang magma-manage ng iyong portfolio, ikaw ang Fund Manager, ikaw ang magde-decide kung anong mga companies ang bibilhin, ikaw ang magbebenta ng shares/stocks at siyempre may oras lang ng pag Buy & Sell nito. Kailangan mo din pag-aralan ang mga companies na bibilhin mo at kailangan mo din mag-aral ng technical analysis.

So, bago ka pumasok sa Stock Market make sure na may TIME & KNOWLEDGE ka, dahil kung wala ka ng mga bagay na yan asahan mong hindi rin magiging successful ang binabalak mong pagpasok sa Stock Market. Pero kapag meron ka ng mga bagay na ito for sure kikita ka ng malaki dito. PERO…bukod sa Time at Knowledge, kailangan mo din ng malaking BUDGET. Bakit?

Yes, for as low as 5,000 pesos makakapag-umpisa kana sa Stock Market pero ang tanong jan, ilang companies lang ba ang mabibili sa 5,000? Dahil kung gusto mong sure na kikita ka dito ang bibilhin mo siyempre ay yung mga companies na sa tingin mo ay kumikita talaga at tatagal ng 50 years & up. Pero dahil malalaking companies “Blue Chip Companies” ang bibilhin mo may kamahalan yan.

For Example lang, si PLDT ngayon ay 1,700 pesos per share at may minimum Board Lot na 5.

1,700 x 5 = 8,500 pesos.

Meaning, bago ka makabili ng PLDT ang kailangan mong ilabas na pera ay 8,500 hindi lang 5,000. At take note, isang company palang yan. Sa pag-iinvest importante ang “Diversification” kailangan naka-invest ka sa maraming companies. Kasi halimbawang nalugi si PLDT mo, 100% na lugi ka kasi isang company lang ang nabili mo. Unlike kung diversified, meron kang PLDT, Ayala, BPI, BDO, SM, Meralco, Globe. Kahit malugi pa ang isa jan still kumita ka pa rin sa ibang companies kung saan ka naka-invest. Kaya importante ang diversification.

Meron namang iba na napalago tlga ang 5,000 nila pero siyempre sila yung mga may talent talaga or nag tiyaga mag-aral about Stock Market. (Bihira lang yan)

Ano ulit ang mga requirements para maging successful ang pag-iinvest sa Stock Market?

1.) Time
2.) Knowledge
3.) BIG Capital

Marami ka bang natutunan? LIKE our facebook page for daily updates on how to “Save and Invest Correctly” and SHARE this to your relatives/friends na gusto rin matuto katulad mo.

Kung may mga questions ka, message us.

Kung gusto mag-share ng Success Stories mo about Stock Market Investing message us, we will credit to your name if you want. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.24
JST 0.039
BTC 105035.48
ETH 3379.67
SBD 5.20