Ang Paborito kong Alaala | "Naaalala Ko Pa..."

in #paboritongalaala7 years ago

Image result for Batang 90's words
Pinagmulan ng imahe
Ako ay ipinanganak noong ika-30 ng Hulyo sa eksaktong taong 1990 kaya naman pasok ako sa banga upang mapabilang sa "Batang 90's". Sa panahong ito, napakasarap balikan ang ilang mga bagay na nagpapasaya sa iyong kabataan. Kapag bata ka, mababaw lamang ang iyong kaligayahan. Mayroon akong 3 laro na nais ibahagi noong kapanahunan ng aking kabataan.

No automatic alt text available.
Pinagmulan ng imahe

Image result for laro ng batang 90s
Pinagmulan ng imahe
Napakasaya ko na noon magkaroon lamang ako ng piso na bigay ng aking Mama o kaya naman ay tira mula sa aking baon na limang piso. Masaya na ako sa mga mumunting laruang papel na ito na nakahulmang manyika. Kada magkakaroon ako ng kaunting barya ito agad ang aking binibili. Naaalala ko pa noon, pupunta pa ako sa tindahan Ni Aling Mila kung saan manghihingi ako ng karton ng Tipas Hopia upang aking paglagyan ng mga binibili at kinokolektang mga laruang papel. Iba ang dulot nitong kaligayahan sa akin noon. Mas nalalaro ko lamang ito sa mga ganitong panahon noon, tag-ulan, mga panahong minsa'y ayaw akong payagan ng aking Mama upang maligo, magtampisaw at maglaro sa ulan kasama ng aking mga kaibigan.

Image result for laro ng batang 90s
Pinagmulan ng imahe

Ito yung pangalawang gusto kong laro o mas tamang sabihin na gusto naming laro lalo na naming mga kabataang babae, "Piko". Sa larong ito mas mainam na maganda ang napiling iyong pamato at mainam rin na nakayapak dito o walang tsinelas na suot. Kahit gabi na masarap pa rin itong laruin. Huli ko itong nalaro kasama ng aking mga Ate ay noong ako ay nasa Hay Iskul.

Image result for laro ng batang 90s
Pinagmulan ng imahe

Parte rin ng aking kabataan noon na matulog sa tanghaling tapat dahil kung hindi ako matutulog, hindi ako bibigyan Ni Mama ng pangbili ng pagkain sa hapon upang aking meryenda. Matapos na kumain ng meryenda, magpapahinga ako ng kaunti, maya-maya pa'y magkakayayaan na ang aking mga kaibigan na maglaro ng "Pantintero". Isa ito sa ehersisyo ng mga kabataan noon dahil talaga namang pagpapawisan ka rito!
Masarap alalahanin ang mga ganitong panahon noon. Simple lamang ang buhay. Bata ka. Walang Problema. Kakain, tutulog at maglalaro, yan lamang ang gawain ko noon. Ngayon, nasa kasalukuyang panahon ako, isa na akong Ina. Anak ko naman ang naglalaro, kakain at tutulog, habang ako naman ang gagabay sa kaniyang mga ginagawa... Ito ang aking mga ala-ala na naaalala ko pa...

Ito ay aking bahagi ng pagsali sa patimpalak Ni Sis @romeskie. Ang aking nagamit na bilang ng salita ay 368. Maraming salamat Sis sa pagbibigay ng pagkakataon upang makagawa ng akda tungkol sa nakalipas na ala-ala ng ating kabataan!

♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥


Sort:  

Aww. Diba sa patintero yung merong sinaaabing patotot? Yun yung parte ng drawing na mga guhit sa lupa na pwede kang mag short cut. Hahah. Naalala ko yung mga kababata namin na ipinanganak ng ganyang taon. Bilang kami ay mas nakakatanda na sa kanila, sila yung mga ginagawa naming saling pusa. Haha. Dagdag saya yun sa laro eh. Haha.

Salamat sa pagsali sis @julie26.

Oo napakasaya ng larong yan, madalas kahit naulan pa naglalaro kami nyan eh'... sarap balik-balikan ng mga panahong yan, ngayon karamihan sa kabataan di nila alam yan dahil naglipana na ang iba't ibang teknolohiya na maari nilang paglibangan...

Bet ko yan paper dolls.. hehehe marami ko niyan dati tpos sa greenbites ko pa binibili.

Ako din mahal na mahal ko yang mga yan hanggang ngayon, masarap alalahanin. Minsan napapanaginipan ko pa yan, grabe pantasya isipan ko noon na pati sila nakakausap ko at gumagalaw daw, hahahaha'...

Throwback! Hahaha nakakatuwa ang technology talaga noon.

@lingling-ph ayan dapat ang nilaro mo dati hindi yung panay facebook ka ngayon.

Haha'... technology talaga noon? Parang wala naman, hahaha'... Facebook ba pinagkakaabalahan ni @lingling-ph ha' @toto-ph?

Nako opo ate Julie! Nilamon na sya ng sistema! Ganun na po katindi ang hatak ng FB sa kanya.

ganun ba, nakakalamon naman talaga ng sistema si FB, hahaha'... di ko pa nakikilala Si @lingling-ph madalas kasi wala ako, pasensya na @toto-ph!

Haha mukhang magkasing edad lang tayo. Dahil sa lalaki ako hindi ko binibili yang paper dolls na iyan haha. Good luck sana manalo ka.

Hahaha'... salamat @twotripleow! Sana nga...

naalala ko tuloy noong panahon na wala pa akong diability :(
paborito ko noon agawan base, tumbang preso, luksong baka
at umakyat ng puno :(

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Batang 90's talaga ang pinakamasaya, pinakamasigla at pinakaresourceful na mga bata. Ang sarap balikan ng panahon na kung saan takbuhan at habulan ang libangan ng mga bata. Ito ung henerasyon na ang mga bagay ay ginagamit at ang mga tao ay pinapahalagahan. Sa ngayon kasi mas pinapahalagahan ang mga bagay at ginagamit ang mga tao. *(may hugot sa parteng un..) nyahaha! 😂

Congratulations @julie26, your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

Maraming salamat po @bestofph for featuring may post! God bless ^_^

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 101296.09
ETH 3673.80
USDT 1.00
SBD 3.15