Masked Coquette: Ikalabing-tatlong Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabing-tatlong Bahagi.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem

Masked Coquette.PNG

Ang Nakaraan...

"Merty, I love you," sambit ni Neel.

Lumingon siya rito habang luhaan pa rin ang kaniyang mga mata. "I love my boyfriend." Umiwas siya ng tingin at lumakas ang kaniyang paghikbi. "I love Deoll!"


"Bye, Hon!" Yumakap nang mahigpit si Zheanne kay Mike na tila ilang taong mawawala ang matanda. "Mag-ingat ka roon, okay? I'll miss you," malambing niyang sambit bago kumawala sa pagkakayakap dito.

Ngumiti ang matanda at iginapos siya sa braso nito at hinalikan ang kaniyang labi. "I will. I love you, too. Mag-ingat din kayo rito. And as I promised, aasikasuhin na natin ang kasal pagbalik ko."

Tumango siya at malungkot na tumitig sa kaharap — nagkukunwaring hindi niya gusto ang pag-alis nito. Pero ang totoo, gustong-gusto na niya itong umalis para maisagawa na niya ang kagabi pa niyang iniisip.

Bumaling naman ang matanda kay Martin na kanina pang nakasandal sa pader malapit sa kanilang pintuan habang walang ganang nakamasid sa kanila. "Son, you're in-charge while I'm away. Take care of Zheanne and Merty. At kapag umuwi na si Merty rito, please tell her that I'll be away for a week. Ikaw na rin ang bahala sa kompanya hangga't hindi pa ako nakakabalik," maawtoridad nitong sabi.

"Don't worry, our company is in safe hands, Dad. But, I won't stay here. Doon muna ako titira kay Mom. Our bodyguards can handle them," matigas naman nitong sagot.

Dahil sa narinig ay lumapit ang matanda kay Martin at inakbayan ang huli. "Please, son. Just for a week."

Matagal bago umimik ang binata. Ayaw ni Martin ang ideya na magiging libre si Zheanne na landiin siya habang wala ang ama. He's sure that she will play with him while his father is away. Maglalaro ang daga kapag wala ang pusa.

"Please, Martin. They need a man in this house. I want you to take responsibility," muling pakiusap ni Mike.

Humugot ng malalim na buntong hininga ang binata at saka pinasadahan si Zheanne ng tingin. Ayaw man nitong pumayag, pero wala itong magagawa. Ayaw nitong mag-alala ang ama. Hindi rin sanay ang binata na bigyan ang ama ng sakit ng ulo. Lumaki kasi itong masunurin at hindi sanay na sumuway ng utos.

"Okay, fine!" naiirita nitong tugon

Nakita naman ni Martin ang pagngiti niya nang marinig ang sagot nito. She thought that he's playing hard to get, but she'll make sure that everything will turn out great just as what they've planned.

"Sige na, Honey. You should go. Baka ma-late ka pa sa flight mo." She smiled sweetly and gave Martin a glance.

Lumapit ang matanda sa kaniya at ginawaran siya nito ng halik bago ito tuluyang pumasok sa sasakyan nito.

Nakatayo lang siya sa labas ng mansion habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotse. Gumuhit naman ang kakaibang ngiti sa kaniyang labi nang tuluyan na iyong makalabas ng gate.

Lumingon siya kay Martin at naglakad nang dahan-dahan papunta sa direksyon nito. Her hypnotizing eyes were gazing at him without even blinking.

"Come to mommy, Baby," she said mischievously while grinning. "Are you hungry? Mommy will feed you." She touched Martin's face and gazed at his lips.

Kumunot ang noo ng binata at agad na tinabig ang kaniyang kamay na tila nandidiri ito sa kaniya. Hindi na ito nagsalita at mabilis siyang tinalikuran. Lalo siyang napangiti sa inakto nito.

Tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya mo, Martin!

"Ouch! Help!" bigla niyang sigaw dahilan para lumingon si Martin sa kaniya.

Nakasalampak siya sa sahig habang hinahawakan ang kaniyang kanang paa. Nakapinta rin sa kaniyang mukha na nasasaktan siya.

Inangat niya ang kaniyang mukha at tumingin kay Martin. Her eyes were teary like she’s really in pain.

Martin went hysterical dahil sa pagkabigla. Agad naman itong tumakbo papunta sa kaniya habang kitang-kita sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"What happened?" wala itong ibang masabi dahil balot pa rin ito ng pag-aalala.

"I went out of balance nang hahabulin sana kita. Natapilok ako at nagka-sprain yata ang paa ko. Ang high heels ko ang may kasalanan," aniya na tila nagsusumbong sa magulang. "I was just teasing you kanina. Hinabol lang kita para mag-sorry sana. Nakakainis kasi ang pagiging judgmental mo. Kaya sa halip na patunayan kong mali ka ng pagkakakilala sa akin, inisip ko na lang na sakyan kung ano man ang iniisip mo sa akin. But I won't force you to believe me. Paniwalaan mo na lang ang gusto mong paniwalaan."

Nagkasalubong ang mga kilay ni Martin dahil sa sinabi niya. Hindi nito alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. But as she gazed into his eyes, he suddenly felt something unexplainable. Ang alam ni Martin, kapag tumitig ang isang tao direkta sa mata ng kausap habang may sinasabi, ibig sabihin ay hindi ito nagsisinungaling at totoo ang sinasabi nito.

Hindi napansin ng binata na nakikipagtitigan na pala ito kay Zheanne. He can't get his eyes off her. Tila hinahatak si Martin ng kaniyang titig. Suddenly, her tears rolled down to her cheeks without a warning.

Tila nabiyak ang puso ni Martin nang makita siyang umiyak. Pero laking gulat naman niya nang bigla siya nitong yakapin.

"I'm sorry, Zheanne."

Habang nakayap si Martin sa kaniya ay sumilay ang kakaibang ngiti sa kaniyang labi. Feeling niya ay nanalo na siya! Pero hangga't hindi pa talaga tuluyang naisagawa ang kanilang plano, hindi siya maaaring maging kampante.

"It's fine, Martin. But, can you help me sit down properly on the couch first? Look at our position..."

Agad na napabitiw ang binata sa pagyakap sa kaniya. Biglang nag-init ang mukha nito nang mapagtantong nakaluhod ito habang niyayakap siya na nakahilata sa sahig at hindi man lang agad siya tinutulungang makatayo.

"Sorry," he said awkwardly at agad siyang binuhat nito para paupuin nang maayos sa couch.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Zheanne nang biglang tumayo ang lalaki at iniwan siya.

"Kukuha lang ng ice. I don't know what to do with sprained ankles. Pero napanood ko sa TV na makatutulong daw ang cold compress to treat sprains," sagot nito at tuluyang umalis patungo sa kusina.

Lumawak ang ngiti niya dahil sa pag-aalalang ipinapakita nito sa kaniya. Kung tutuusin, puwede namang iutos na lang nito sa kanilang mga kasambahay ang pag-a-assist sa kaniya. Pero mas pinili talaga ni Martin na umalalay sa kaniya. Hindi niya alam kung nakokonsensya lang ba ang binata dahil ito ang dahilan ng kunwaring pagkatapilok niya, o may iba pa itong dahilan.

This is not her plan in the first place. Her lame drama was an impromptu. Gusto lang naman sana niyang agad na akitin ang binata at ibigay rito ang naudlot nilang thanksgiving party. Pero dahil nga sa pagpapakipot nito, wala siyang choice kundi gamitin ang kaniyang natatanging acting skills.

Dahil sa ipinakitang pag-ayaw ni Martin sa pagiging agresibo niya, naisip niyang hindi niya makukuha ang lalaki sa santong paspasan. Kaya naman naisip niyang idaan ang lahat sa drama. She'll use her charm and false innocence to make Martin fall on bended knees.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikatlong Bahagi
Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi
Masked Coquette: Ikalimang Bahagi
Masked Coquette: Ikaanim na Bahagi
Masked Coquette: Ikapitong Bahagi
Masked Coquette: Ikawalong Bahagi
Masked Coquette: Ikasiyam na Bahagi
Masked Coquette: Ikasampung Bahagi
Masked Coquette: Ikalabing-isang Bahagi
Masked Coquette: Ikalabing-dalawang Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Martes, Huwebes at Sabado kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan: 1, 2

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

steemphbanner.pngOlodi_Jem_1.jpg

Sort:  

Ano ang nangyari kay Martin bakita ganiyan na siya? Nababakla na ba siya haha. Daanin mo sa paspasan Zheanne haha.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.25
JST 0.041
BTC 104622.78
ETH 3489.96
SBD 6.38