Masked Coquette: Ikalabing-isang Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabing-isang Bahagi.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem

Masked Coquette.PNG

Ang Nakaraan...

Muli niyang binigyan ng kaniyang pamatay na inosenteng tingin ang matanda. "I can wait, Honey. Huwag kang mag-alala sa akin, at huwag ka na ring mag-alala sa mga anak mo. Ako na ang bahala sa kanila." Puminta sa kaniyang mukha ang labis na pagkasabik.

Titiyakin niyang wala nang kawala si Martin sa kaniya.


"So, ano na, Neel? How are you?" tanong ni Merty nang tuluyan nang nakaalis si Zheanne sa fast food chain na pinasukan nila.

"I miss you," diretsong sambit niya na ikinagulat ng kaniyang kaharap. "I came back because I miss you. I still love you, Merty," walang prenong amin niya sa tunay na nararamdaman.

Napalunok naman si Merty nang wala sa oras.

Magsasalita pa sana si Neel nang biglang dumating ang waiter at inilagay nito sa kanilang mesa ang in-order na pagkain nina Merty at Zheanne kanina.

Nang mailapag ng waiter ang juice sa mesa ay agad iyong hinablot ni Merty at ininom.

"Thank you," wika ng dalaga sa waiter matapos nitong i-serve ang order nila.

Bumaling naman ito sa kaniya at kinunutan siya ng noo. "You said that it's better for us to be friends, right?" May bahid ng pait ang tono ng boses nito. "I'm happy now. I hope you're happy, too."

Umiwas siya ng tingin at pinilit na ngumiti kahit na nasasaktan siya. "Because I thought that long distance relationship won't work. Ayoko lang mahirapan ka, Merty. But, yes... it's my fault. It's been three years, kaya hindi na nakapagtataka na nakahanap ka na ng iba."

Hindi na sumagot si Merty kaya namagitan sa kanilang dalawa ang katahimikan. Tanging ingay at tawanan ng kanilang kapwa customer ang naririnig nila.

Tumikhim naman siya para basagin ang nakakailang nilang pananahimik.

"By the way, Merty. May inihanda kasing welcome party sina Jino para sa 'kin. I hope you'll join us kahit hindi na tayo. Magkaibigan pa rin naman tayo, 'di ba?" pagbasag niya sa katahimikan.

"Of course! Kaibigan ko rin naman ang mga kaibigan natin. But, promise me, Neel. Wala kang gagawin na hindi ko magugustuhan."

Tumawa naman siya sa tinuran nito. "Para namang hindi mo ako kilala, Merty!"

"You lived in California for two years, Neel. You might be influenced by your liberated friends. Malay ko kung nahawaan ka na nga. I'm just warning you to never touch me with malice. We almost did it before, baka lang ituloy mo ngayon," she said mischievously.

"Promise, I will never do anything that you will not like."

a.png

"Bro!" sabay na dumamba kay Neel ang tatlo niyang mga kaibigan nang dumating sila sa bahay nina Jino na dati nang tambayan nila noong high school pa lang sila.

Simula elementarya ay magkaklase na sila ni Jino habang ang dalawa nilang kabarkada na sina Ben at Robert ay nakilala na lang nila nang tumungtong sila ng high school.

"Nasaan 'yung pasalubong namin?" sabik na tanong ni Jino.

"Kanina pa nandito 'yung pasalubong n'yo! Ni hindi n'yo man lang pinansin!" Nilingon niya naman si Merty na nasa likod niya.

"Si Merty!" sabay na sigaw ng tatlo at ito naman ang nilapitan at ginulo.

Simula nang maghiwalay sila ay hindi na rin kasi nagpakita si Merty sa tatlo. Pero may komunikasyon pa rin naman sila sa social media dahil malapit ito sa mga kaibigan niya.

Nakilala lang din ni Merty ang mga ito dahil sa kaniya.

Their family is one of the shareholders of Francisco Group of Companies—one of the leading electronics firm in the Philippines. Mr. Francisco and his father were not only business partners, they were also best friends, at ganoon din sila ni Merty.

They were friends before they decided to let their relationship step into a higher level. But when life is doing good, unexpected things always happen.

His parents decided to be separated and his mother wanted him to go with her in California. Even though it hurts, he decided to break up with her because he thought that it will be more difficult for both of them to continue their relationship being miles away.

a.png

Naparami na sila ng nainom at walang sawa pa rin silang nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Siyempre, matagal-tagal din silang hindi nagkita-kita dahil hindi lang naman si Neel at Merty ang napalayo sa barkada. Sa katunayan ay si Jino na lang ang nakatira pa rin sa dati nitong tirahan. Si Ben kasi ay sa Cebu na nagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Habang ang pamilya naman ni Robert ay sa Palawan na namalagi at nagtayo na ng resorts doon. Kaya ganoon na lang nila ka-miss ang isa't isa. They're going to drink and laugh like there's no tomorrow.

"Are you fine, Merty?" he asked when he saw that Merty was laughing non-stop.

She stared at him seriously and laughed again. "Of course! I'm fine and I'm enjoying this! I've been a good girl for two damn years! How I missed drinking and partying...and...and...getting wild!" she said between chuckles.

Merty was a nice woman. Pero simula nang maghiwalay sila at iniwan niya ang dalaga ay nagsimula itong magbago. Nahirapan itong tanggapin na basta-basta na lang silang naghiwalay. After their break-up, nagsimula nang magbago si Merty. She found her group of friends na bad influence sa kaniya. She learned how to drink cocktails and liquors. She lived her life partying all night for two months. She thought she will be wasted forever, not until her current boyfriend saved her from her messy life.

"That's enough, Merty. I'll drive you home." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at akmang tatayo na siya nang tinabig nito ang kamay niya.

"Mamaya na, Neel! Ang kill joy mo! I'm enjoying! Can't you see?" reklamo pa nito.

Bigla naman itong tumayo kaya napatayo na rin siya para alalayan ito. Halatang tinamaan na kasi ito ng alak at tiyak na hindi na nito kayang balansehin ang katawan.

"Where are you going?" usisa niya habang inalalayan niya itong makabalanse sa pagtayo.

Ngumiti ito nang nakakaloko. "Sa CR. Bakit, sasama ka?"

Ngumiti lang siya nang malapad at inalalayan ito palakad sa CR nina Jino.

Habang akay-akay niya ang lasing na dalaga, walang humpay naman ito sa pagdaldal at pagtawa kahit wala namang nakakatawa. Iba nga talaga ang epekto ng alak. Mabuti na lang at mataas ang tolerance niya sa alak. Nasanay na rin naman kasi siya sa magdamagang inuman kasama ang mga bago niyang kabarkada sa California.

"Miss na miss ko na talaga ang ganitong feeling! Feels like I am floating and free!" daldal ni Merty at tawa pa rin nang tawa.

"I miss you," aniya na nagpahinto kay Merty sa paglalakad.

Pinilit naman nitong kumawala sa pagkakahawak niya at inialis ang kamay niyang umaalalay sa dalaga.

She walked again without his guide. At dahil hindi na nga nito kayang dalhin ang sarili, bigla itong nawalan ng balanse. Pero buti na lang at mailap siya at nasalo niya ang dalaga.

She was in his protective arms while she was gazing at his dark eyes. She couldn't deny that she missed the man who used to be her world. But she knew that he's no longer the owner of her heart.

Tatayo na sana ang dalaga nang biglang inilapit ni Neel ang kaniyang mukha sa mukha nito. It's been two years nang huli niyang matikman ang tamis ng labi ni Merty. He missed her lips so much. He missed her whole, and he's going to own her before the sun is up.

She gently pushed Merty on the nearest wall while kissing and tasting every corner of her lips. Halatang nagulat ang dalaga sa ginawa niya, ngunit kalaunan ay bumigay na rin ito at nagpaanod sa init na nararamdam ng bawat halik na iginawad niya rito.

From her lips, Neel's mouth was gently traveling down to her neck which made her to release soft moans. His hands moved swiftly and in a blink of an eye, she felt his right hand caressing her left chest while his other hand pinned her arms upward into the wall.

"N-Neel..." nanginginig nitong sambit sa pangalan niya.

"I want you, Merty..." he whispered and continued giving her a tingling sensation.

He immediately slipped his hands under her sexy butt. Merty wrapped her legs around his waist while circling her arms around his neck. He continued kissing her neck, then to her earlobe and down to her nape.

"Please take me now, Neel..."

He smiled when he heard her plead. He was about to undress her when they heard footsteps coming near them.

Agad na umayos ang dalawa sa pagkakatayo at hinintay kung sino ang may-ari ng mga yapak na umistorbo sa kanila.

"Neel, Merty...what are you doing here?" bungad ni Jino sa kanila nang makita sila nito.

Lumingon si Neel kay Merty at tiningnan ang dalaga. Pagkatapos ay bumaling siya sa kaibigan niya.

"Can Merty occupy your guest room? It will be safe for both of us kung dito na lang kami sa inyo magpalipas ng gabi. Besides, marami-rami na rin talaga ang nainom ko. Baka maaksidente pa kami sa daan kung ipipilit kong magmaneho," paliwanag niya kay Jino.

Pero ang totoo ay gusto niya lang maka-score kay Merty.

Ngumisi naman si Jino na tila nababasa ang laman ng isipan niya. "Of course! You don't need to ask my permission, Bro." Lumapit naman si Jino sa kaniya at saka bumulong, "And...my parents are not here. Merty can scream all she can." Tinapik siya nito sa balikat bago ito umalis at tumungo sa CR.

Napangiti naman siya dahil sa sinabi ng kaibigan. Bumaling siya kay Merty na nakasandal lang sa pader habang nakapikit. Tiyak na malakas na ang tama ng alcohol sa sistema nito. Pero bago pa man mawalan ng malay ang dalaga, agad niya itong inalalayan sa paglalakad papunta sa guest room nina Jino.

When they finally get inside the guest room, Neel immediately locked the door and sealed Merty with a kiss full of longing.

"I missed you so much, Merty," he said between their kisses.

Hindi na umangal si Merty sa kasunod niyang ginawa at ipinaubaya na nito ang sarili sa kaniya. Bagama’t tila nasasaktan si Merty sa bawat pagkilos niya sa ibabaw nito ay ramdam niya pa ring nagugustuhan nito ang sensasyong ibinibigay niya.

Napuno ng halinghing ang kuwarto. At para kay Neel, isa iyong musika na gustong-gusto niyang marinig.

Nang matapos sila sa pag-angkin sa katawan ng bawat isa, maingat niyang inihiga sa kama ang dalaga at tinabihan niya ito. Hapong-hapo naman ang hitsura ni Merty at nakapikit na ang mga mata nito. Hinayaan na lang niyang matulog ito at nakangiti niya itong niyakap bago niya pinikit ang kaniyang mga mata.

Matutulog na sana siya nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. At kahit pagod ay pinilit niya pa ring bumangon at kinuha ang cellphone sa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon.

Napangiwi naman siya nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hello," malamig niyang sagot.

"Where is she now? Bakit hindi pa siya umuuwi rito? Is she with you?" tanong ng kausap niya sa kabilang linya.

"You don't have to worry..." Tumingin siya sa mahimbing na natutulog na dalaga. "She's with me. And I got her just as you wished."

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikatlong Bahagi
Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi
Masked Coquette: Ikalimang Bahagi
Masked Coquette: Ikaanim na Bahagi
Masked Coquette: Ikapitong Bahagi
Masked Coquette: Ikawalong Bahagi
Masked Coquette: Ikasiyam na Bahagi
Masked Coquette: Ikasampung Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan: 1, 2

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

steemphbanner.pngOlodi_Jem_1.jpg

Sort:  

Ito na pala ang pagbabalik kaso nga lang censored hehe.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.25
JST 0.041
BTC 104622.78
ETH 3489.96
SBD 6.38