Masked Coquette: Ikalabing-dalawang Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabing-dalawang Bahagi.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem

Masked Coquette.PNG

Ang Nakaraan...

"Hello," malamig niyang sagot.

"Where is she now? Bakit hindi pa siya umuuwi rito? Is she with you?" tanong ng kausap niya sa kabilang linya.

"You don't have to worry..." Tumingin siya sa mahimbing na natutulog na dalaga. "She's with me. And I got her just as you wished."


Nagising si Merty na hindi maintindihan ang sariling pakiramdam. Sa kaniyang pagdilat ay bumungad sa kaniya ang matinding sakit ng kaniyang ulo. Ngunit hindi rin niya maintindihan kung bakit nakaramdam din siya ng hapdi at sakit sa parte ng kaniyang pagkababae.

Bagama't nahihilo, inilibot niya ang paningin sa paligid dahil wala siyang matandaan sa nangyari dahil sa sobrang kalasingan niya noong nagdaang gabi. Ang huli niyang naaalala ay ang eksena nila ni Neel nang papunta siya sa CR. Pagkatapos niyon ay tinakasan na siya ng kaniyang katinuan at tinangay ng kalasingan ang kaniyang ulirat.

Muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at tumagilid. Ngunit bigla na lang may dumantay na paa sa kaniyang katawan at may gumapos din sa kaniya ng yakap. Agad siyang napadilat at laking gulat niya nang tumambad sa kaniyang harapan ang pagmumukha ni Neel. Nginitian siya nito nang pagkatamis-tamis at mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kaniya.

"Let's stay like this, Merty," bulong nito sa kaniyang tainga at bahagyang inihipan ang parteng iyon kaya tumayo ang kaniyang balahibo.

Merty went hysterical when she realized that they were both naked. Pinilit niyang maalala ang nangyari kagabi at unti-unti ngang rumehistro sa kaniyang utak ang ginawa nila. Nasapo niya ang sariling noo at hindi niya napigilan ang pagkawala ng luha sa kaniyang mga mata.

"I'm so stupid! Stupid!" Bumangon siya at umupo habang ang noo ay ipinatong niya sa kaniyang mga kamay na nakayap sa kaniyang mga tuhod.

Napabalikwas sa pagbangon si Neel at agad siyang niyakap. Worry was written all over his face. But his worry was immediately turned into a shock when he saw some blood stains on the bed sheet.

"Y-You're still..." Hindi maituloy ng binata ang sasabihin dahil nabalot pa rin ito ng pagkagulat.

Lalong napaiyak si Merty. In just one careless night, her virginity was gone. What hurt her the most was the guilty feeling that kept on bugging her conscience. How could she be so stupid to give it up to Neel? She wanted her boyfriend to take her virginity. She's too stupid to drink like there's no tomorrow.

"I want to go home," she whispered in a cracked voice.

Hindi alam ni Neel ang gagawin. Hindi pa rin kasi makapaniwala ang binata na siya ang nakauna kay Merty. Akala nito ay may nangyari na sa kanila ng boyfriend niya kaya mahal na mahal niya ang kaniyang nobyo. But he was wrong. Gusto man ni Merty na ibigay sa nobyo niya ang kaniyang virginity, hindi naman sila pinahintulutan ng panahon.

Isang buwan pa lang nang maging sila ng nobyo niya, pero hindi na ito nagpaawat at agad na tumungo sa Australia para magtrabaho. Ngunit kahit na long distance relationship ang mayroon sila, tiniis niya pa rin iyon dahil mahal na mahal niya ito. Handa siyang magsakripisyo at umasang balang-araw ay matututunan din siyang mahalin ng lalaki.

Her boyfriend was one of their bodyguards. Sa kisig at tindig nito, hindi lamang pagiging guwardiya ang bagay para sa lalaki. Kung tutuusin, napapabilang ang hitsura at porma nito sa mga tinitiliang artista. Ngunit dahil laki ito sa hirap at walang ibang pinangarap kundi ang makapagtapos ng pag-aaral sa kursong Electronics Engineering, hindi na ito nangarap na mapabilang sa hanay ng mga guwapong artista. Sapat na sa binata ang makapagtapos ng pag-aaral para na rin makakuha ng magandang trabaho.

Limang taong nanilbihan ang binata sa kanilang pamilya hanggang sa magtapos ito ng kolehiyo. Ginapang nito ang sariling pag-aaral. Nagsisilbi ito bilang bodyguard sa kaniyang Ama tuwing umaga, at nag-aaral naman ito tuwing gabi. Ito ang naging buhay ng binata sa loob ng mahigit limang taon.

Matagal mang nanilbihan ang lalaki sa kanila, pero isa lang itong hangin para sa kaniya noon. Isang hamak na bodyguard lang ang tingin niya rito at wala nang iba. Bukod doon, pitong taon din ang agwat ng kanilang edad kaya ni minsan ay hindi niya inisip na magugustuhan niya ito.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.

She was sixteen years old when she experienced her first heartbreak. Kinailangan ng kaniyang nobyo na si Neel na mag-aral sa California at iwanan siya. Tanggap naman sana niya ang magiging sitwasyon nila, ngunit hindi umayon si Neel sa magiging set-up nila dahil hindi ito naniniwalang makakayanan nila ang long distance relationship. Kaya naman nakipaghiwalay sa kaniya si Neel na mahigit isang taon niya ring naging nobyo.

Naging mahirap sa kaniya ang pagtanggap niyon kaya nagawa niyang sirain ang kaniyang buhay. She drunk like there's no tomorrow and she used it to wash away all her pains. Naging laman siya ng bars and resto kasama ang masamang impluwensya niyang mga kaibigan.

Hanggang sa isang gabi ay may nagsamantala sa kaniya. She's almost raped by someone she met in the bar. Kung hindi lang nagkataon na pumasok ang bodyguard ng kaniyang ama sa bar na pinasukan niya, tiyak na naging matagumpay ang paggahasa ng estranghero sa kaniya.

Naaalala niya pa kung paano siya ipinagtanggol nito mula sa manyakis na estranghero.

"Hoy! Anong ginagawa mo sa kaniya?" Agad na sumugod ang binata sa kinaroroonan nila nang makita nitong sapilitan siyang isinakay ng estranghero sa isang kotse.

Lumingon ang estranghero sa binata at matalim itong tinitigan. "Huwag kang makialam! She's mine!"

Ngunit hindi ito nakinig at patuloy na lumapit sa kanila at hinawakan ang kaniyang braso. Iniharap siya nito at tinitigan.

"Help..." tanging salitang lumabas sa kaniyang bibig dahil sa labis na kalasingan.

She's drunk, but she also knew that she's in danger. Yet, she couldn't do anything because the alcohol that was running in her system stole her strength.

"Ma'am Merty?" gulat na tanong ng binata nang matitigan nito ang kaniyang mukha.

Ngunit hindi pa man ito nakakabawi sa gulat ay bigla na lang nitong naramdaman ang kamaong dumapo sa pagmumukha nito.

"Sabi nang 'wag kang makialam!" galit na sigaw ng estranghero.

Napahawak sa mukha ang binata at dumapo na rin sa basag na ilong ang mga daliri nito. Nang makita nito ang dugo sa kamay ay napaigting na lang ang panga nito. Walang ano-ano'y sinugod nito ang manyakis na dumukot sa kaniya at pinaulanan ng suntok hanggang sa hindi na ito makatayo.

"Gago!" gigil na sigaw ng tagapagtanggol niya.
Agad naman siyang hinigit nito palayo sa lugar at iniuwi sa kanila.
Lasing man siya nang mangyari ang insidenteng iyon, natatandaan pa rin naman niya ang kagitingang ginawa nito.

Simula nang araw na iyon ay naging malapit sila sa isa't isa. Sa isang iglap ay biglaan na lang naging iba ang trato niya sa lalaking dati ay isang hamak na bodyguard lang sa kaniyang paningin.

They talked about so many things including their personal lives. Lagi ring nakabantay sa kaniya ang binata sa tuwing lalabas siya para gumala. Ngunit sa halip na mairita, nagustuhan niya ang pagbuntot nito sa kaniya para siguraduhing maayos siya. Nang malaman kasi ng ama niya ang nangyari sa kaniya, sinigurado na nito na laging nakabantay sa kaniya ang naturang bodyguard. Malaki ang tiwala ng kaniyang ama rito at ganoon din siya.

Hanggang sa lumipas nga ang isang buwan na lagi niya itong nakakasama at nakakausap. Gumaan ang loob niya rito at nakaramdam siya nang kakaiba sa tuwing nakikita niya ito. It seems like hindi rin kumpleto ang araw niya kapag hindi ito nakikita. At umabot nga ng tatlong buwan nang mapagtanto niyang ibang-iba na talaga ang nararamdaman niya para rito.

Then, she decided to confront him. And that was when she got his heart.

Patuloy pa rin siya sa pag-iisip sa kaniyang nobyo nang biglang magsalita ang kaniyang katabi.

"Merty, I love you," sambit ni Neel.

Lumingon siya rito habang luhaan pa rin ang kaniyang mga mata. "I love my boyfriend." Umiwas siya ng tingin at lumakas ang kaniyang paghikbi. "I love Deoll!"

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikatlong Bahagi
Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi
Masked Coquette: Ikalimang Bahagi
Masked Coquette: Ikaanim na Bahagi
Masked Coquette: Ikapitong Bahagi
Masked Coquette: Ikawalong Bahagi
Masked Coquette: Ikasiyam na Bahagi
Masked Coquette: Ikasampung Bahagi
Masked Coquette: Ikalabing-isang Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan: 1, 2

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

steemphbanner.pngOlodi_Jem_1.jpg

Sort:  

Una pa lang malupit na "hapdi at sakit sa parte ng kaniyang pagkababae." Haha. Ano kaya mangyayari sa amo-body guard relationship na iyan? Dapat nating abangan. Buong Pilipinas ay nakatutok sa MC ni Jemzem. Inanyayahan ko kayong basahin simula umpisa hanggang sa dulo ang obra-maestra ni Jemzem. Salamat po.

i kennat. . .

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.25
JST 0.041
BTC 104367.10
ETH 3463.77
SBD 6.33