Masked Coquette: Ikalabing-apat na Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikalabing-apat na Bahagi.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem

Masked Coquette.PNG

Ang Nakaraan...

Dahil sa ipinakitang pag-ayaw ni Martin sa pagiging agresibo niya, naisip niyang hindi niya makukuha ang lalaki sa santong paspasan. Kaya naman naisip niyang idaan ang lahat sa drama. She'll use her charm and false innocence to make Martin fall on bended knees.


Nang makabalik si Martin sa kinaroroonan niya ay may dala-dala na itong ice pack para gamitin bilang cold compress. Nginitian niya ito nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya.

"Uhm, Martin..." Bahagya niyang inipit ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa kaniyang kanang tainga bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "I'm not comfortable here. Can you help me na pumunta sa kuwarto ko? Kung ayos lang sa 'yo na doon mo na ako lapatan niyang dala mo. Medyo awkward din kasi rito," mahinhin niyang sabi.

Saglit na natigilan si Martin dahil sa sinabi niya. Muli itong tumitig sa kaniyang mga mata at ganoon din naman ang ginawa niya.

"Fine." Humugot muna ito ng malalim na buntong hininga bago siya nito tinulungang tumayo. "Aakayin na lang kita kung kaya mo pang ilakad 'yang isang paa mo."

Tumango lang siya at ngumiti.

Agad namang ipinatong ni Martin ang mga kamay niya sa balikat nito habang ang isang kamay ng binata ay nakahawak sa kaniyang baywang.

Magsisimula na sana itong humakbang nang bigla siyang nagsalita, "Parang mahihirapan ako, Martin. Puwede bang buhatin mo na lang ako para makarating agad tayo sa kuwarto ko? Baka bukas pa tayo makarating doon if I will just take baby steps."

Nagpakawala ng malakas na buntong hininga si Martin dahil sa pag-iinarte niya. Ramdam niyang naiirita na ito dahil sa inaasal niya. Kung puwede lang na humalakhak nang walang tigil sa harap nito ay ginawa na niya. Ngunit pinigilan niya ang sarili at itinuloy ang pag-arte.

"Kung ayaw mo, okay lang. Gagapang na lang ako paakyat. Tutal, isa rin naman akong ahas sa paningin ng lahat." Inalis niya ang kamay ni Martin na nakaalalay sa kaniya at malungkot na tinitigan ang lalaki.

"Oo na!" Mabilis siyang binuhat ng binata at agad siyang napakapit sa batok nito.

Nasa makisig na mga bisig siya ng binata habang umaakyat sila ng hagdanan papunta sa kuwarto nila ni Mike. Para silang bagong kasal kung titingnan. Habang binubuhat siya ng kaniyang prinsipe, sinadya niya itong titigan nang mataman.

"Don't stare at me like that," matigas nitong sambit habang ang mga mata ay nakatuon lang sa dinadaanan.

"Kung ikaw lang sana ang pumansin sa akin at hindi si Mike..." bulong niya habang hindi inaalis ang titig sa lalaki.

Hindi pinansin ni Martin ang sinabi ng dalaga na tila wala siyang naririnig at nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

Nang makarating sila sa harap ng kuwarto nina Zheanne at ng daddy niya ay maingat niyang ibinaba ang dalaga. Agad niyang pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Muli naman niya itong inakay hanggang sa maiupo niya ito sa malambot na kama.

"I guess you can do it all by yourself. Paa mo lang naman ang na-sprain, right? Your hands are fine, so help your self." Inabot niya kay Zheanne ang kanina pa niyang hawak na ice pack.

Napataas ang kilay ng dalaga dahil sa pagiging sarkastiko niya. Hindi nito maintindihan kung bakit biglang nag-iba ang timpla niya. Nagtataka tuloy si Zheanne kung may saltik ba siya sa utak dahil ang bilis magbago ng mood niya.

"I have to go. My work is waiting."

Nang maiabot na niya ang cold pack sa dalaga ay agad na siyang tumalikod. Pero bago pa man siya makahakbang ay mabilis nitong hinawakan ang kaniyang palad.

"Martin!" Lumingon siya rito habang magkasalubong ang mga kilay. "Thank you."

Tumingin si Martin sa magkahawak nilang kamay at kitang-kita ni Zheanne ang paglunok niya ng sariling laway. Pinisil pa nito ang palad ni Martin dahilan para bigyan niya ito ng kakaibang titig.

"I really have to go," matigas na sambit ni Martin habang nakatitig sa mga mata ni Zheanne.

Yumuko si Zheanne na tila tinatago ang mukha nito sa kaniya. Mayamaya ay bigla niyang narinig ang mahinang paghikbi ng dalaga. Naguguluhan siya kung bakit ito umiiyak.

Masakit nga yata ang sprain niya, naisip niya.

"Is it really painful?" Nag-aalala siyang lumapit ulit dito at tinabihan ito sa pag-upo sa malambot na kama.

"Yes! Sobrang sakit! The pain in my heart is killing me."

Hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha niya. Hindi niya makuha ang sinasabi ni Zheanne. He's talking about her sprain, pero iba yata ang tinutukoy ng dalaga.

"I don't get it."

"You really hate me so much!" Umangat ang mukha ni Zheanne at kitang-kita niya ang masaganang luha na patuloy sa pagbagsak mula sa mga mata nito. "Wala akong choice, Martin. Ayaw ko naman talagang magpakasal sa daddy mo. May mahal akong iba at hindi ko pinangarap na maikasal ako sa taong hindi ko mahal. But I really need money. I did all of these for money! Handa akong ibenta ang sarili ko para lang mailigtas ang buhay ng taong natitirang pamilya ko." Ang kaninang mga hikbi ng dalaga ay napalitan ng hagulgol.

Martin can't explain the emotions rushing into his system. He was shocked with what Zheanne had admitted. Pero awang-awa rin siya sa dalaga. Nabibiyak ang puso niya sa nalaman. Yes, he hate her for using his father para magkapera. Nang araw nga na nalaman niyang may relasyon ito sa ama niya, his admiration and feelings for her immediately turned into hate.

Matagal na niyang nagugustuhan si Zheanne. Dalawang taon na ang nakalipas nang una niya itong nakita. She was one of their university's student assistant na naka-assign sa library nila. But he was on his last semester in college nang ma-assign si Zheanne sa kanilang library. Lagi siyang tumatambay sa library kaya alam niyang bago pa lang si Zheanne nang mga panahong iyon.

Nang una niya itong makita ay agad na siyang humanga sa dalaga. She's not just pretty, she's also a hard working woman. She would never be a working student if she's lazy.

Kahit na madalas siyang tumatambay sa library para mag-aral, mas lalo pa niya iyong dinalasan para lang masilayan ang maamong mukha at ang nakatutunaw na ngiti ng dalaga. Nakuntento siyang pasulyap-sulyap kay Zheanne. Gusto man niyang makilala ito ay hindi niya naman magawa dahil wala siyang lakas ng loob para lapitan ang magandang dilag.

He's too serious in his studies at hindi niya binibigyan ng panahon ang ibang bagay. Ni wala nga siyang masyadong kaibigan dahil mas gusto niya pang isubsob ang sarili sa pag-aaral kaysa pagliliwaliw. Si Nikka lang ang bukod tangi niyang kaibigan at madalas na kasama. Kaya ang resulta, hindi siya sanay na magkaroon ng malalim na ugnayan sa ibang tao. Nakikipag-usap siya, pero 'yung normal na usapan lang. Ayaw niyang ma-attach sa mga tao, kaya naman ang pamilya niya lang at si Nikka ang nakakakilala nang lubusan sa kaniya.

Kasabay nang pagtatapos niya nang kolehiyo ay ang pagtapos rin niya sa lihim na pagtingin kay Zheanne. Dalawang taon din niya itong hindi nakita kaya mabilis niya itong nakalimutan.

Pero nang muli niya itong nakita sa loob ng opisina ng kaniyang ama, tila nanumbalik ang dati niyang pagtingin sa dalaga.

Araw-araw ay ginusto niya itong makita. Gusto niya itong kausapin pero wala pa rin siyang lakas ng loob na gawin iyon. He can't explain why he's acting so weird every time that he's close to her. It's as if she's his kryptonite that could make him weak.

Dalawang buwan ang nakalipas simula nang magtrabaho si Zheanne bilang sekretarya ng kaniyang ama at doon niya pa lang napagdesisyunang kumilos na. Hindi na siya mapalagay sa pagnanakaw lang ng tingin dito. He wanted to talk to her and know her well.

Handa na sana siyang maging matapang na kausapin ito, pero tila pinaglaruan siya ng tadhana upang hindi niya magawa ang kaniyang gusto. Nalaman na lang kasi niyang may relasyon na si Zheanne at ang kaniyang ama.

He felt betrayed. Pero alam niyang walang kasalanan ang ama niya dahil wala naman itong kaalam-alam na may pagtingin siya kay Zheanne. Pero hindi niya rin alam na may gusto pala ito sa dalaga. Nagmana nga siya sa kaniyang ama, dahil pati sa babae ay pareho rin sila ng taste.

Ngunit kahit na suportado niya ang ama sa mga babae nito, hindi niya magawang ibigay ang suporta niya sa relasyon nito kay Zheanne. Alam niyang pera lang ang habol ng mga babae sa matanda, at alam din naman ni Mike iyon. Pero kahit alam nito ang katotohanang iyon, hindi ito alintana ng matanda. As long as they will give him the pleasure that he wanted, he won't be selfish to share his money. His father was never serious with his girls—except for Zheanne. At iyon ang hindi niya matanggap.

Ang taas ng tingin niya sa dalaga. She was like an angel na hindi kayang gumawa ng masama. But bitterness dominated in his heart dahil pumatol ito kay Mike. She hated her, not until narinig niya ang sinabi nito ngayon.

"I'm sorry, Zheanne. I don't know that you—"

"I'll leave tomorrow. Pagagalingin ko lang 'tong mga paa ko. I'll find another way para magkapera," putol ni Zheanne sa pagsasalita niya.

"You don't have to do this..." Ikinulong niya si Zheanne sa kaniyang mga braso at niyakap ito nang mahigpit. "I'm sincerely sorry for judging you right away."

Napangiti si Zheanne sa sinabi niya. This is what she loves the most! Hindi man siya kumagat sa Plan A ni Zheanne, mas pabor naman sa dalaga ang Plan B nito. Agad-agad ay may nabuong panibagong plano ang dalaga—planong ikababaliw ni Martin at ikatutuwa niya.

"Kung hindi ko lang sana kailangan ng pera, I will never use your father. Pero hindi pa naman huli ang lahat para itama ko ang pagkakamali ko. Because in the first place, ayaw ko ring makitang nasasaktan ang lalaking lihim kong minamahal." Tumitig si Zheanne sa kaniya habang walang sawang bumubuhos ang mga luha nito. "Ayaw kitang makitang nasasaktan, Martin."

Biglang nabato si Martin sa kinauupuan. It seems like the world had stopped rotating. Hindi siya makapaniwala sa narinig.

Zheanne must be kidding me, he thought.

"Let me have you before I leave, Martin..." Zheanne slowly touched his face and gazed at his eyes then down to his lips.

Their faces were few inches away at amoy na amoy niya ang natural na bango ni Zheanne. Her face was getting closer and closer to his face until their lips finally met.

She kissed him passionately unlike the way she kissed him before. She was an aggressive kisser the first time that he tasted her. But this time, she gave him a gentle kiss which made him feel like he was in a cloud nine.

He was still in shock and his mind has not yet recovered from her revelations. Yet, he was unconsciously giving back hot kisses to Zheanne.

Martin slowly pinned Zheanne on the bed while gently kissing her lips. They felt the warmth of each other's body which made them crave for an intense sensation.

Martin could no longer control the surge of his emotions—as always. He stopped kissing and leaned his forehead to her forehead. They were both gazing straight to each other's eyes with longing and affection.

"I love you, Zheanne," he whispered sincerely.

Zheanne gave him a sweet smile and answered, "I love you, too. Please take me..."

He smiled back and gave a peck on her forehead and down to her lips. Masuyo niyang hinalikan si Zheanne habang ninanamnam ang sandaling natitikman niya ang matamis na labi nito.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikatlong Bahagi
Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi
Masked Coquette: Ikalimang Bahagi
Masked Coquette: Ikaanim na Bahagi
Masked Coquette: Ikapitong Bahagi
Masked Coquette: Ikawalong Bahagi
Masked Coquette: Ikasiyam na Bahagi
Masked Coquette: Ikasampung Bahagi
Masked Coquette: Ikalabing-isang Bahagi
Masked Coquette: Ikalabing-dalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikalabing-tatlong Bahagi

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)

a.png

pinagkunan ng larawan: 1, 2

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

a.png

steemphbanner.png

Olodi_Jem_1.jpg

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.19
JST 0.034
BTC 91017.04
ETH 3083.40
USDT 1.00
SBD 2.87