Bitter No More: Ikadalawampu't tatlong Bahagi
BITTER NO MORE
Ang Nakaraan...
"At para saan naman 'yang rule na 'yan?" baling ng kaniyang Ina kay Ariel.
Sasagot na sana si Ariel nang unahan niya ito, "Wala po 'yun, Mama. Nang-iimbento lang 'yang si Ariel. Huwag mo nang pansinin," sagot niya at pasimpleng nginitian ang kaibigan. "Sige na po, Ma. Maliligo lang po ako saglit para makaalis na tayo."
Kumilos na siya at kumuha ng damit na susuotin bago pumasok sa banyo. Nai-excite na siyang mamasyal kasama ang mga mahal niya sa buhay. Magiging tunay na masaya na rin siya. Sana nga.
Kaniya-kaniya na sila sa pagliligpit ng gamit dahil malapit na silang umuwi. Isang linggo silang namalagi sa probinsiya ng Bohol, ngunit kung tutuusin ay kulang na kulang pa ang isang linggo para sa kanila. Marami silang napasyalang lugar gaya na lang ng Chocolate Hills na tunay nga namang maipagmamalaki ang natural nitong ganda. Binisita rin nila ang sikat na tarsier sa lugar. Maging ang floating restaurant ay sinubukan din nila. Kabilang din sa lugar na kanilang napasyalan ay ang Hanging Forest at ang iba pang naggagandahang tourists spots sa probinsiya. Kahit na niyanig ang lugar nang dumaang malakas na lindol ay masasabi nilang mabilis na naka-recover ang naturang probinsiya dahil nakahahalina pa rin ang taglay nitong ganda.
Sa loob ng isang linggong ay nagbalik na ang dating sigla ni Anchelle. Malaki ang pasasalamat niya kay Ariel na laging nagpapaalala sa kaniya sa mga dapat at hindi dapat na gawin. Sa loob ng isang linggo ay naging tunay na masaya siya. Nakaramdam siya ng kaginhawaan at kalayaan mula sa galit at hinanakit.
Sa pagbabalik nila sa Maynila, hindi niya alam kung mananatili pa rin ang saya at kalayaang nararamdaman niya. Sa kaunting panahong hindi niya nakita si Jade ay tila naibaon niya sa limot ang lahat ng ginawa nito sa kaniya. Pero naisip niyang kung makita niya ulit ang binata, masasabi niya pa kayang naibaon na niya sa limot ang lahat ng sama ng loob niya rito? O baka naman kusang bumalik ang pagmamahal niya sa binata kapag nakita na niya ang pagmumukha nito. Hindi niya alam, pero handa niyang alamin. Gusto na rin niyang malaman ang tunay na estado ng kaniyang puso ngayon.
Masaya ang mukha ng bawat isa nang makauwi na sila sa Maynila. Dala-dala pa rin nila ang masasayang alaala sa ginawang paglilibot sa probinsya ng Bohol. Isa iyon sa mga napuntahan nilang lugar na hindi nila pagsasawaan at tiyak na kanilang babalik-balikan.
Nakarating na sila sa kanilang bahay at bakas sa kanila ang pagod kahit na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kani-kanilang mukha.
"Tito, Tita, uwi na po muna ako sa bahay. Magpapakita muna ako kina Mama at Papa. At dadalhin ko rin pala si Mia sa amin kasi nag-request si Mama," paalam ni Ariel sa mga magulang niya.
"Sige, Ariel. Mag-ingat kayo. Ihatid mo lang agad si Mia rito," sagot naman ng Papa niya sa kaibigan.
"Tsaka ikamusta mo na rin pala kami sa mga magulang mo," dagdag naman ng Mama niya.
"Opo. Maraming salamat din po sa inyo," nakangiting sagot ng kaibigan niya sa kaniyang mga magulang.
Mayamaya ay nagtungo na ang mga magulang niya sa kanilang kuwarto para makapagpahinga. Isinama rin ng mga ito ang kapatid niya paakyat sa kuwarto.
Bumaling naman si Ariel sa kaniya at nagpaalam, "An An, uwi lang ako saglit kasama si Mia," nakangising sambit nito habang nakaakbay sa kaniyang pinsan.
"Don't worry, uuwi ako kaagad," sabat naman ng pinsan niya.
"Basta si Ariel ang kasama mo, alam naming safe kang makauuwi rito," sagot niya kay Mia at binola na rin ang kaibigan. "Sige na, ihahatid ko lang kayo sa labas para makarating kayo agad kina Ariel."
Lumakad na siya palabas ng bahay at sumunod naman ang dalawa sa kaniya.
Saktong bubuksan na niya ang kanilang gate nang may nag-doorbell sa labas. Agad niyang binuksan ang gate at tumambad sa kaniyang harapan si Jade.
"Anchelle, we need to talk," sersyosong wika nito at hinawakan ang kaniyang kamay.
Hindi siya nakapagsalita sa gulat. Para siyang nakakita ng multo. Hindi niya alam kung anong reaksyon ang ibibigay.
Kung hindi lang umimik ang pinsan niya ay malamang para siyang timang na biglang nawala sa sarili.
"Siya ba 'yung Jade na sinasabi mo, Ariel?" puno ng kuryosidad na tanong ni Mia.
Tumango lang si Ariel sa tanong ni Mia habang sinasamaan ng tingin si Jade.
"What are you doing here, Jade?" seryoso ngunit kalmadong usisa ni Ariel sa binata.
Binigyan din nito ng masamang tingin si Ariel bago bumaling sa kaniya. "Please, Anchelle. I want to talk to you."
Bigla naman siyang hinila ni Ariel papunta sa likod nito tsaka buong tapang na hinarap si Jade. "Wala na kayong dapat pag-usapan. Huwag mo nang guluhin si An An. She's fine now at naka-move on na siya sa 'yo!"
Namula ang mukha ni Jade at tila umuusok sa galit dahil sa pangingialam ng kaibigan niya. Nakita rin niyang ikinuyom na nito ang kamao tanda na handa na nitong suntukin si Ariel.
Kaya bago pa man may magkasakitan ay pumagitna na siya sa dalawa. "Okay, let's talk!"
Kita niya ang dismayadong mukha nina Ariel at Mia dahil sa desisyon niya habang ngiting-wagi naman ang nakapinta sa pagmumukha ni Jade.
"Let's talk tomorrow. Iti-text ko na lang sa 'yo kung anong oras at kung saan tayo mag-uusap. I really have to rest now because I'm tired. You may go now," dire-diretso niyang saad.
Ilang segundong hindi kumibo si Jade habang tinititigan siya. Napabuntong-hininga na lang ito at malungkot ang pagmumukha. "Okay. I'll wait for your text, Anch," wika nito bago tumalikod at tuluyang umalis.
"Hanggang dito ko na lang siguro kayo ihahatid. Babalik na ako sa loob. Mag-ingat na lang kayo." Binigyan niya nang pilit na ngiti ang dalawa na halatang hindi pa rin sang-ayon sa desisyon niyang pakikipag-usap kay Jade.
Gusto man nilang pigilan siya ay pinagkatiwalaan na lang nila ang kaniyang desisyon.
Tuluyan nang umalis ang dalawa kaya bumalik na rin siya sa loob ng bahay nila.
Itutuloy...
Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:
Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi
Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-apat na Bahagi
Bitter No More: Ikalabinlimang Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-anim na Bahagi
Bitter No More: Ikalabimpitong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-walong Bahagi
Bitter No More: Ikalabingsiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampung Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampu't isang Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampu't dalawang Bahagi
Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.
At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D
Maraming salamat sa pagbabasa! :)
Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.