Bitter No More: Ikadalawampu't dalawang Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikadalawampu't dalawampung Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem

Bitter No More.PNG

Ang Nakaraan...

Tinuro niya naman ang kamay ni Ariel na nasa balikat ni Mia. “I think that means…”

Pinutol ni Mia ang pagsasalita at yumakap kay Ariel habang ngumingiti nang pagkatamis-tamis. “Kami na.”

Sa tuwa niya ay napatayo siya at niyakap niya ang dalawang taong mahalaga sa kaniya. Finally, nagkaaminan na rin ang dalawa. They deseve to be happy at masaya siya para sa dalawa.


"Good morning, Annie!"

Napabangon sa gulat si Anchelle dahil sa malakas na sigaw na narinig niya.

Naiirita siyang tumitig sa sumigaw at binigyan ito nang masamang tingin. "No need to shout, Mia!"

"Oops! I'm sorry, Annie! Excited lang kasi talaga ako kaya ginising kita," nakangising sagot ng pinsan niya.

Sa hitsura ng kaniyang pinsan, halatang-halata ngang excited ito sa kung ano mang bagay. Kung hindi lang siya nito pasigaw na ginising, malamang ay nahawaan na rin siya ng excitement nito.

"Okay." Umunat muna siya at muling tumitig sa kaniyang pinsan. "Why are you Excited?"

Nagningning naman ang mga mata ng kaniyang pinsan nang tanungin niya ito.

"Sembreak n'yo na 'di ba?" Lumapad ang ngiti nito at mas nagningning ang mga mata ng kaniyang pinsan.

"Oo. Bakit? Bukod sa makakatulog ako buong araw, ano pa bang mayroon sa sembreak?" walang kainte-interes niyang sagot.

"Anong mayroon? Pupunta kami ni Ariel sa Bohol for one week! At syempre, kasama ka!"

"Bohol?" hindi makapaniwala niyang tanong sa kaharap.

Tumatango-tango naman ang pinsan niya habang hindi naaalis ang ngiti sa mga labi. "Yes! We'll go to Bohol today! So you better take a bath and pack your things because Ariel is on his way to fetch us."

Magtatanong pa sana siya pero tinakpan ni Mia ang kaniyang bibig at muli itong nagsalita, "Huwag ka nang umangal. Wala ka na rin namang dapat ipag-alala kasi nagpaalam na ako kina Tita at Tito kagabi at pumayag naman sila. Kaya kung ako sa 'yo, move your body and shake it, shake it!" sabi pa nito habang kumikembot.

Hinila naman siya nito papunta sa banyo. At nang makapasok na sila roon ay agad nitong binuksan ang shower na dahilan ng pagkabasa niya.

"Bagay talaga kayo ni Ariel! Lagi n'yo na lang akong iniinis!" naiirita niyang bulyaw sa nakangising pinsan.

Pinagtawanan lang siya nito bago lumabas ng kaniyang kuwarto.

"Bilisan mong maligo, Annie!" pahabol na sigaw pa nito.

a.png

"Bohol! We're coming!" parang sirang sigaw ni Mia habang nasa loob sila ng sasakyan ni Ariel at nagbibiyahe papuntang airport.

"When did you planned this tour ba? At bakit n'yo ba ako isinama? Para ba maging chaperone n'yo?" naiiritang tanong niya sa dalawa na halatang excited dahil walang tigil sa pagngiti ang mga ito.

Dati niya pa gustong makapunta ng Bohol kasi maraming nagsasabi na maganda raw talaga sa probinsiyang iyon. Pero hindi niya alam kung bakit ayaw niyang pumunta roon ngayon o sa kahit saan mang lugar. Ang gusto niya lang gawin ay magbasa o 'di kaya ay matulog. Wala siyang ganang gumala.

Pero dahil wala na siyang nagawa sa pangungulit ng kaniyang pinsan at kaibigan, ay sumama na lang siya labag man sa kaniyang kalooban.

"Bitter ka na naman," komento ni Ariel habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Oo nga, Annie. Huwag ka na kasing bitter. At hindi ka rin naman namin isinama para maging chaperone lang. Hindi pang chaperone ang beauty mo, ano ka ba! Gusto rin naming mag-enjoy ka. Kaya nga dinala ko 'tong DSLR camera mo para mag-enjoy ka talaga." Iniabot ni Mia ang camera sa kaniya.

Kumunot naman ang noo niya nang makita ang camera. "At sinong may sabi na pakialam mo ang camera ko?"naiinis niyang tanong.

Kung hindi lang niya pinsan si Mia, malamang ay sinigaw-sigawan na niya ito dahil sa pangingialam nito sa gamit niya. Siya kasi ang tipo ng tao na nagagalit kapag pinakikialaman ang kaniyang gamit nang walang pahintulot.

"Huwag kang magalit kay Mia. Ako ang nag-utos sa kaniya na dalhin 'yang camera mong 'yan," sabat ni Ariel habang tinitignan siya sa rear view mirror ng kotse nito.

"At ano namang rason mo sa pangingialam sa gamit ko?" Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan na ngayon ay nakatuon na ang paningin sa daan.

"You have to divert your attention from him by doing your passions and focus on them. That's rule two point seven," seryosong saad ni Ariel.

"And enjoy hobbies and activities that you've been meaning to do," dagdag naman ni Mia.

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan at pinsan. Tinitigan din niya ang hawak na camera. Napagtanto niyang simula nang magkahiwalay sila ni Jade ay parang itinigil na rin niya ang pag-ikot ng kaniyang mundo. Na kahit ang paggawa sa mga bagay na pinakagusto niyang gawin ay itinigil niya. Bigla nga ring nawala ang passion niya sa photography. Hindi na niya maintindihan ang sarili. At lalong hindi na rin niya kilala ang sarili.

Bakit nga ba ngayon lang siya natauhan? Gusto niyang batukan ang sarili dahil napakahina niya para hayaang mawala ng tuluyan ang dating Anchelle na masayahin at punong-puno ng buhay.

Tama! I need to find myself again. I need to find the light and happiness that will set me free from this darkness. Nakangiting saad niya sa sarili.

"Hala ka, Ariel! Natahimik si Annie. Dahil sa sinabi mo, natauhan tuloy siya. At dahil d'yan, magpapasalamat siya sa atin dahil isinama natin siya sa Bohol tour natin. Ang dami pa namang magagandang tanawin doon, tiyak na mauubos ang space ng memory card niya kakakuha ng pictures," natutuwang sabi ng pinsan niya.

Kung kanina ay inis na inis siya sa pinsan at kaibigan niya at nakabusangot lang ang kaniyang pagmumukha, ngayon ay umaliwalas iyon bigla at nahawa na rin siya sa positibong aura ng mga kasama.

"Thank you," nakangiting turan niya sa mga ito.

a.png

"We're here!"

Pagkababa na pagkababa nila ng eroplano ay excited na sumigaw si Mia at panay ang pagyakap nito sa kaniya at kay Ariel. Napangiti lang siya sa inakto ng pinsan. Hindi pa rin talaga kumukupas ang pagiging makulit at hyper nito. Mababaw pa rin ang kaligayahan nito at napakamasayahin pa rin katulad ng dati. Bukod sa taglay na ganda ni Mia, halatang ang katangian ding iyon ang dahilan ng pagkahumaling ng maraming kalalakihan sa kaniyang pinsan kabilang na roon ang kaibigan nilang si Ariel.

Napatingin siya kay Ariel. Kitang-kita niya ang kislap ng mga mata ng binata habang nakatitig ito sa mukha ni Mia. Napakaswerte nga naman ng dalawa sa piling ng bawat isa. Gusto niya mang mainggit sa dalawa ay hindi dapat. Lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang kwento ng pag-ibig. Siguro ay nasaktan siya ng lubos, ngunit ngayon ay natauhan na siya. Alam na niyang sa kahit saang aspeto ng buhay, natural na ang mabigo. At kasabay ng pagkabigo ay ang masaktan. Ngunit ang mas importante ay ang pagkatuto na muling bumangon. Kahit na nasaktan siya dahil sa pag-ibig, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na makatagpo ng lalaking pahahalagahan siya at tunay na magmamahal sa kaniya.

Naisip niyang handa na siya. Handa na siyang pakawalan ang lahat ng sakit, galit, hinanakit, at mga bagay na humahadlang sa kaligayahan niya. Handa na siyang maging masaya. Totoong masaya.

a.png

"Ariel! Kamusta?" salubong sa kanila ng isang binatilyo na kasing edad lang din nila nang makarating sila sa tutuluyan nilang resort.

"I'm fine, Marco. Ikaw? Ang yaman ng dating natin a?" mapagbirong sabi ni Ariel sa kaharap.

Ngumisi lang ang binata sa sinabi ni Ariel at tsaka bumaling ang atensyon nito sa kaniya at kay Mia.

"Nga pala, Pinsan. Si Mia, girlfriend ko," inakbayan ni Ariel si Mia habang ipinakilala sa kaharap. Bigla rin itong umakbay sa kaniya at ngumiti nang malapad. "At ito naman si Anchelle, ang bestfriend ko."

"Ang swerte mo nga naman, Ariel! May magandang girlfriend ka na, may mala-dyosang bestfriend ka pa," nakangising saad nito habang tinitignan siya nang malagkit.

Hindi siya komportable sa titig nito at hindi niya rin gusto ang aura ng pinsan ni Ariel. Kung hindi lang ang pamilya nito ang may-ari ng resort na tutuluyan nila, malamang ay hindi na siya magkamayaw na pagtaasan ito ng kilay at samaan ng tingin.

Matapos magkamustahan ng magpinsan ay agad silang inihatid ni Marco sa silid na inihanda nito para sa kanila. Maganda ang silid na ibinigay nito sa kanila. Bukod sa malinis at malaki ang espasyo sa loob ng kuwarto ay kumpleto na rin ito sa kagamitan. Mula sa eleganteng furnitures, mamahaling appliances hanggang sa magagandang paintings na nakasabit sa dingding. Sa kuwarto pa lang nila ay komportable at masaya na sila. Ngunit alam nilang mas magiging masaya ang tour nila kung dadayuhin nila ang lahat ng magagandang tanawin sa Bohol.

a.png

"Good morning, Anak!" bati ng mga magulang ni Anchelle sa kaniya.

Ngunit hindi niya pinansin ang masiglang pagbati ng mga ito sa pag-aakalang nanaginip lang siya. Kahit na tulog siya'y umaandar pa rin naman ang kaniyang utak at alam niyang silang tatlo lang nina Ariel at Mia ang pumunta rito. Sigurado siyang napapanaginipan lang niya ang mga ito dahil na rin siguro sa pagod niya sa paglilibot sa buong resort kasabay ang pagkuha ng mga litrato kahapon.

"Ate! Gumising ka na!"

Naramdaman niya ang pagyugyog sa katawan niya. Hindi niya sana ito papansinin dahil pagod na pagod talaga siya at gusto niya pang matulog at magpahinga, pero bigla na lang siyang napabangon nang mas lumakas ang pagyugyog sa katawan niya.

"A-Angelo?" hindi makapaniwalang usal niya nang tumambad sa kaniyang harapan ang kapatid.

Ilang beses niyang kinusot ang mga mata para alamin kung totoo ba ang nakikita niya. Hanggang sa mapakunot na lang ang kaniyang noo nang makita rin ang kaniyang nakangiting mga magulang sa tabi ng kapatid.

"M-Ma? Pa?" nakaawang ang kaniyang bibig dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita.

Pinagtawanan lang siya ng mga ito tsaka siya niyakap ng kaniyang Ina.

"Maligo ka na, Anak. Mahaba-habang gala pa ang pupuntahan natin," masiglang utos ng kaniyang Ama at kinurot siya nito sa pisngi bago tumayo at lumabas ng silid.

"Ma, ano pong ginagawa n'yo rito?" Hindi pa rin naaalis ang pagkakunot ng kaniyang noo dahil sa pagtataka.

"Matagal na rin kasi tayong hindi nakapag-bonding, Anak. Kaya naman naisipan namin ng Papa mo na sumunod sa inyo rito," nakangiting paliwanag ng kaniyang Ina.

"Mabuti rin at sumunod sila rito, An An. Kasi ang sabi sa rule two point eight, you have to connect and spend time with your friends and family," sabat naman ni Ariel na halatang kakatapos lang maligo dahil sa preskong hitsura nito.

"At para saan naman 'yang rule na 'yan?" baling ng kaniyang Ina kay Ariel.

Sasagot na sana si Ariel nang unahan niya ito, "Wala po 'yun, Mama. Nang-iimbento lang 'yang si Ariel. Huwag mo nang pansinin," sagot niya at pasimpleng nginitian ang kaibigan. "Sige na po, Ma. Maliligo lang po ako saglit para makaalis na tayo."

Kumilos na siya at kumuha ng damit na susuotin bago pumasok sa banyo. Nai-excite na siyang mamasyal kasama ang mga mahal niya sa buhay. Magiging tunay na masaya na rin siya. Sana nga.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi
Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-apat na Bahagi
Bitter No More: Ikalabinlimang Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-anim na Bahagi
Bitter No More: Ikalabimpitong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-walong Bahagi
Bitter No More: Ikalabingsiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampung Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampu't isang Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan: 1, 2

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

steemphbanner.pngOlodi_Jem_1.jpg

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Very inspirational. We are not a product of our circumstances. Rather, we are products of our decisions.

Parang gusto ko nang maniwala na hindi nga si Ariel ang para kay An-An. 😔

Pero ganoon pa man, dahil maganda ang takbo ng kwento, susubaybayan ko pa rin ito.

Malapit na ring magtapos, mam Rome. Kaya malalaman na rin natin kung sino ang kay kanino. Heheheh. Maraming salamat sa walang sawang pagsubaybay sa kwento nina Anyel. Mami-miss ka nila kapag natapos na ang kwentong ito. Huhuhuhu

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.19
JST 0.034
BTC 91275.94
ETH 3099.80
USDT 1.00
SBD 2.90