Bitter No More: Ikadalawampu't apat na Bahagi

in #nobela6 years ago

Ikadalawampu't apat na Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem

Bitter No More.PNG

Ang Nakaraan...

"Let's talk tomorrow. Iti-text ko na lang sa 'yo kung anong oras at kung saan tayo mag-uusap. I really have to rest now because I'm tired. You may go now," dire-diretso niyang saad.

Ilang segundong hindi kumibo si Jade habang tinititigan siya. Napabuntong-hininga na lang ito at malungkot ang pagmumukha. "Okay. I'll wait for your text, Anch," wika nito bago tumalikod at tuluyang umalis.

"Hanggang dito ko na lang siguro kayo ihahatid. Babalik na ako sa loob. Mag-ingat na lang kayo." Binigyan niya nang pilit na ngiti ang dalawa na halatang hindi pa rin sang-ayon sa desisyon niyang pakikipag-usap kay Jade.

Gusto man nilang pigilan siya ay pinagkatiwalaan na lang nila ang kaniyang desisyon.

Tuluyan nang umalis ang dalawa kaya bumalik na rin siya sa loob ng bahay nila.


Kinabukasan ay maaga siyang gumising. Nagmadali siyang pumunta sa kanilang paaralan, sa malawak na hardin kung saan una silang nagkita ni Jade.

Alas syete pa lang ng umaga nang makarating siya sa lugar kung saan sila mag-uusap ni Jade ngayon. Alas otso ang oras na sinabi niya kay Jade. Ngunit sinadya niyang pumunta nang maaga sa lugar upang magmuni-muni at kausapin ang sarili.

Wala pang tao sa hardin kaya napakatahimik ng kapaligiran. Umupo siya sa isang bench. Bahagya siyang pumikit para namnamin ang sariwang hangin at pakinggan ang mga dahong tila nakikipagsayaw rito na lumilikha ng tunog na nakapagpapagaan ng kaniyang loob. Nakangiti siya habang patuloy ang pagpikit. Kapayapaang tulad nito ang kaniyang inaasam. Sa pakikipag-usap kay Jade ngayon, inaasahan niyang mabibigyan ng kapayapaan ang kaniyang puso.

"Anchelle..."

Isang malamig na boses ng lalaki ang narinig niya kaya siya napadilat.

"A-Alex? Anong ginagawa mo rito?" gulat niyang tanong nang makita ang binata sa kaniyang harapan.

Binigyan muna siya nito nang isang matamis na ngiti bago ito umupo sa tabi niya.

"Nakita lang kita rito kaya nilapitan na rin kita. Ikaw? Anong ginagawa mo rito sa ganito kaagang oras?" tanong naman nito pabalik sa kaniya.

Humugot siya nang malalim na buntong-hininga at sinuklian din ito ng ngiti. "Mag-uusap kami ni Jade mamaya," sagot niya.

Bigla naman nitong hinawakan ang palad niya at binigyan siya nito nang nakalulusaw na tingin.

"Bakit lagi na lang si Jade? Why won't you give me a chance, Anchelle? Why do you always forgive Jade sa kabila ng pananakit niya sa 'yo?" seryoso ang boses nito at halatang nasasaktan ito habang tinatanong siya.

Umiwas siya ng tingin sa binata at napayuko. "I'm so sorry, Alex. I have to admit my mistake now. I was just using you para pagselosin si Jade." Humarap siya kay Alex at sinalubong ang titig nito. "Please forgive me for using you for that damn plan. I was so selfish that I don't even care if I'll hurt you. You're a good man, Alex. But still, I took advantage of your goodness. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa 'kin because I deserved that. But I'm sincerely sorry... I really am." Hindi na siya nakapagpigil at napaiyak na siya nang tuluyan habang nanginginig na sinasambit ang bawat salitang lumabas sa kaniyang bibig.

Handa na siyang tumanggap ng panunumbat galing sa binata, ngunit sa halip na sumbatan siya ni Alex ay niyakap lang siya nito nang mahigpit.

"I know, Anchelle. Alam kong ginagamit mo lang ako para pagselosin ang kaibigan ko. Pero kahit na alam kong ginagamit mo lang ako, hinayaan pa rin kita. Naiintindihan kita. Alam kong gusto mo lang gumanti sa kaniya. Alam kong ginawa mo lang 'yun para maibsan nang kahit kaunti ang sakit na nararamdam ng puso mo. It doesn't matter to me kung ginamit mo lang ako. I love you so much that I'm willing to do everything to help you ease all the pain that you're feeling." Hindi na rin napigilan ng binata ang pagwawala ng luha sa mga mata nito.

Tila kinurot ang kaniyang puso dahil sa narinig. Nasaktan siya sa nangyari noon kaya nagawa niya ring manakit ng ibang tao.

Napayakap na lang siya nang mahigpit kay Alex. Gusto man niyang bawiin ang nagawa ay hindi na maaari. Nasaktan na niya ang binata. Ang paghingi na lang ng tawad ang magagawa niya.

"I'm really sorry, Alex. But you deserve someone better than me. Someone who will love you back."

Kumalas sa pagkakayakap si Alex at muling tumitig sa kaniyang mga mata na tila tumagos sa kaniyang kaluluwa.

"Just give me a chance, Anchelle. I'm willing to wait for you no matter how long. And by the time your heart is ready to love again, I hope it will beat faster because of me." Matapos nitong sabihin iyon ay bahagya nitong pinunasan ang luha at muling yumakap sa kaniya bago ito tumayo at lumisan.

Napatingin na lang siya sa papalayong binata. Hindi pa man ito gaanong nakalalayo ay siya namang pagdating ni Jade. Nakita niyang binati ni Jade si Alex pero hindi ito pinansin ng huli. Napalingon naman ito sa kinaroroonan niya at saka nginitian siya nang makita siya nito.

"Nag-usap ba kayo ni Alex? Ba't ganoon ang timpla ng mukha no'n?" agad na bungad ng binata nang makalapit na ito sa kaniya.

"Oo, nag-usap kami. At sa 'min na lang kung anong pinag-usapan namin," matigas niyang tugon.

Gusto niyang sampalin ngayon din ang kaharap dahil ito ang dahilan sa pananakit na ginawa niya kay Alex. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Nandito sila upang mag-usap. Nandito siya upang alamin ang feelings niya para sa dating nobyo.

"It's okay. Anyway, thank you so much for coming, Anch. I really need to talk to you," seryosong wika ng kaharap.

"What do you want?" usisa niya habang hindi kumukurap sa pagtitig sa binata.

"I'm sorry, Anch..." Bumuntong hininga muna ito at humugot ng lakas ng loob para masabi ang lahat ng gusto nitong sabihin sa kaniya. "I'm really sorry for taking you for granted. Pero 'di ba sinabi mong handa mo pa rin akong tanggapin kapag bumalik ako sa 'yo? I hope you mean it. I'm here because I want you back. I realized that I love you so much. Patawarin mo ako kung nawala ako sa sarili at naghanap pa ng iba. I'm totally lost at that time. I admit that I'm too immature to act that way. Pero nagawa ko lang naman siguro 'yun due to adulthood. Normal lang naman sigurong bumigay sa mga babaeng kusang lumalapit sa 'kin. But I know I made a big mistake, what's important is that nagsisisi na ako. I really hope na mapapatawad at matatanggap mo pa rin ako," makahulugang pahayag nito.

Tinitigan niya ang mga mata ni Jade at saka bahagyang pumikit upang damhin ang tibok ng kaniyang puso. Ilang segundo siyang nakapikit bago muling idinilat ang mga mata.

Sa pagdilat ng kaniyang mga mata ay nginitian niya ang binata at hinawakan ang palad nito.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi
Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-apat na Bahagi
Bitter No More: Ikalabinlimang Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-anim na Bahagi
Bitter No More: Ikalabimpitong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-walong Bahagi
Bitter No More: Ikalabingsiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampung Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampu't isang Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampu't dalawang Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampu't tatlong Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan: 1, 2

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

steemphbanner.pngOlodi_Jem_1.jpg

Sort:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Pumayag nga kayang makipagbalikan si Anchelle? Hanggang kailan kakayaning maghintay ni Alex? Ito na nga ba talaga ang katapusan ng tambalang An-Yel?

Masyado na akong nasasaktan sa takbo ng storyang ito. Pero para akong si An-An, bumabalik-balik pa rin. Haha. Iba talaga ang panulat mo ate @jemzem!



See your post featured here by @johnpd on Monday Short Stories & Poetry, a community curation initiative by @SteemPh.

If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto

Congratulations @jemzem! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemitBoard - Witness Update

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.25
JST 0.041
BTC 104622.78
ETH 3489.96
SBD 6.38