Nasaktan, Pero Lumalaban!
Sa buhay hindi mahalaga kung ilang beses ka nasaktan.
Kung ilang beses ka bumagsak at nabigo.
Yung tipo na parang wala nang pag-asa na haharapin ang bukas.
Mga sitwasyon na nakakapagpabago ng takbo ng buhay.
Na halos ayaw mo nang lumaban.
Gaano man kadalas ang pagkabigo, meron ka paring karapatan para lumaban.
Sa mga
panahon na hindi mo na kaya, wag mong kalilimutan na may Diyos na handang making
at tumugon sa ating mga panalangin.
Kailangan mo lang lumapit at magtiwala.
Ano nga ba ang magagawa ng sitwasyon kung patuloy mo itong iiwasan.
Harapin ng buong lakas at panindigan ang katotohanan.
Nasasaktan ka man, pero dapat, patuloy ka paring lumalaban.
Dahil sang-ayon sa pangako ng Diyos, ililigtas nya ang tapat na nananalig sa Kanya.
Problema na hindi nawawala, kabiguan na patuloy na dumarating!
Masakit man isipin! Isa lang ang dapat gawin! Harapin at lumaban na may pananampalataya…
Tandaan:
Hindi lahat nagtatagumpay sa sariling
kakayanan, Pero piliin mo parin ang lumaban! Dahil kasama natin ang Diyos…