Pano Pagkasyahin ang Sahod?

in #money6 years ago

162714salary-and-expenses-cartoons.jpg

Darating na naman ang sahod, hindi pa naman din natin nagagawan ng budget list eh namomroblema na tayo dahil madami nang naniningil ng mga inutangan natin, nagpaalala na si Madam sa bayad sa upa at bayad sa kuryente last month, hulugan mo sa monthly internet plan, ang bakanti mong refrigerator at iba pa...

Isa sa mga problema natin ay ang maliit nating sahod kumpara sa gastusin sa isang buwan.

May mga taong halos sampong taon na nagtratrabaho ay wala pa ding ipon at kong biglang may pangangailangan ay hindi alam kong saan kukuha ng gagamitin.

At ang iba naman ay hindi pa man dumarating ang sahod ay nakahiram na sila ng perang pambili sa mga nagustuhan nilang bagay.

Ang karamihan naman ay hindi na nakapagtabi dahil hindi na namalayang napadami sila ng pinamili at wala nang naitira dahil sa rasong walang priority list.

Hindi mo ba alam na nararanasan mo ito dahil kulang ka sa decission making, na hindi mo alam kong anong uunahin mong gastusan at kong ano ang mga bagay-bagay na dapat mong gawin para umayos ang financial status mo sa buhay kahit sabihin nating maliit lang ang kita o sahod mo buwan-buwan!

Madami sa internet kong paano gawin ang mga ito, matutoto ka kong paano ang dapat gawin o mga bagay na dapat unahin.

Ako naman ay gusto ring magbahagi ng aking kaalaman para sa bawat mambabasa.

Ang pagiging isang kristiyano ko ang nagdala sa akin sa tamang lugar at dito iniyakap sa akin ang mga karunungang dapat kong malaman...

Ang sahod natin sa isang buwan ay dapat nahahati sa tatlong dibisyon at yon ay nahahati sa ganitong kaukulan 10% - 20% - 70%.

Wag po kayong mag-alala dahil ang 70% ay mapupunta sa expenses ninyo kaya hinga ng maluwag!

Natuto akong mag-ipon sa batang edad, ang magbukas ng saving account sa mga bangko at magtago ng pera kahit pauni-unti, pero hindi naituro sa akin ang budget-expenses-savings system kaya nagamit ko ito sa mga walang kabuluhan bagay at di nagtagal ay nagamit ko ang laman ng aking savings hanggang sa nagsara ito.

Pero dahil sa trainings namin sa simbahan, unti-unting nagkakaruon ng mga idea kong paano ang mga gagawin sa perang natatanggap natin kada sahod.

Balik tayo sa topic, ang unang 10% sa listahan ay itinatabi ko para sa aking tithes kada buwan, ang tithes ko ay ibinigibay ko sa aking simbahang dinadaluhan bilang pasasalamat ko sa Puong Maykapal na syang nagbibigay ng lahat ng pagpapala sa aking buhay.

Tandaan po natin na ang taong marunong magbalik ng pasasalamat ay lalo pang binibigyan! (Maari po nating basahin ang Malachi 3:10 ng bibliya).

Susunod po ay ang 20% ito po mapupunta sa savings, maari po natin itong ilagay sa ano mang banko na naisin natin, BDO? Land Bank? Metrobank? PNB? Coop? Pwedi po kahit ano.

Ang savings na ito ay maari mong gamitin para sa investment, panimulang puhunan sa negosyos, pambili ng lupa o pagpapatayo ng bahay o ano mang bagay na gusto mo sa hinaharap, kasal? Pweding-pwedi!

Kadalasan sa pamilya ay may nagkakasakit kaya minsan ay hindi natin maiwasan ang galawin ang savings, pero mali po ito.

Tanong, ano ba ang dapat gawin para hindi ito mabawasan kong sakaling biglaang may nagkasakit sa pamilya.

Dapat may separate savings ka na nakatabi sa banko katumbas ang tatlong buwang sahod mo, kong sakaling sumasahod ka ng Php 7,410.00 kada buwan, sa isang savings account mo dapat may laman itong Php 7,410 x 3 = Php 22, 230.00.

Dito ka kukuha ng emergency fund para sa kalusugan, masasabi nating mahirap itong gawin pero iponin po natin ito ng paunti-unti, simulan po natin ngayon.

Pangatlo po ay 70% na para naman sa expenses natin, unahin po nating isaisip ang gastusin katulad ng monthly grocery, monthly utilities, renta sa bahay kong umuupa, gamot, pang-unli text sa isang buwan, at iba pang pangangailangan sa araw-araw.

Napapansin nyo po ba na may mga taong nakakabakasyon sa iba't-ibang lugar kada taon kahit magkapareho lang naman kayo ng sahod?

Dahil alam nilang magtabi at unahin ang mga bagay-bagay na kailangan nila sa mga bagay na gusto nila.

Pero sa simple trick ay maari ka pa din namang makapag-vacation sa gusto mong lugar, o bumili ng gadget na gusto mo, o kaya naman once in a while eh maitreat mo man lang ang sarili mo ng whole body massage o kaya facial o foots spa.

Tignan mo ang larawan sa ibaba.

43120234_905668513154095_9114645395023069184_n.jpg

Maari ka ding gumawa ng alkansya para sa mga bagay na gusto mong bilhin in the future o mga plano mong kailangan ng fund.

Maliban sa savings mo na 20% ay maari karing magtabi para sa mga bagay na gusto mo pa, hindi mo kaagad ito makukuha dahil kailangan itong pag-ipunan.

Alam mo bang sa isang taon ay maari kang magbakasyon sa Boracay, sa Palawan, o kaya sa Solo, kailangan lang pag-iponan at ito ay kaya mong gawin!

Huwag ka ding maiingit kong may mga makikita kang bago sa barkada mo katulad na lang kong may bago silang limited edition na watch, bagong branded na damit, bagong phone o loptop at bibili ka din ura-urada dahil baka magkautang ka pa.

Lagi nating uunahin ang katanongang kailangan ko ba ito sa pang-araw-araw kong pamumuhay?

Recall po tayo, ang buong sahod natin sa isang buwan ay hahatiin sa 10%-20%70%. Ang 10% po ay sa tithes, 20% sa savings o investments at 70% sa expenses.

Lagi po nating uunahin ang 10% at 20% bago tayo gumawa ng listahan ng mga bagay na gusto nating bilhin, at matuto po tayong gumastos gamit ang 70% lamang, iwasan po nating lumagpas at iwasan po natin ang kadalasang pangungutang.

Maraming salamat po sa pagbabasa at sana po ay makatulong ito.


Author: Chaki Puroc

E-mail: [email protected]


Mag-iwan po tayo ng komento o tanong sa comment box at I encourage po ang lahat kong may pagbabago sa kanilang financial status after reading this, siguro after one year?


Salamat po and God Bless!!


Want to send a gift??

My CryptoCurrency Wallet: 0xd8683e2C46EDC5EfE8E5B3535Bca0B816225C679

Sort:  

Congratulations @chaki05! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.24
JST 0.036
BTC 100563.84
ETH 3104.93
SBD 4.74