TULA: PARA SA INYO AKING MGA MAGULANG
Para sa inyo aking mga magulang
salamat sa pagpapasensya nyo sa akin noong aking kabataan,
di ko pa nalalaman noon,
ang mga bagay-bagay at kanyang kahalagahan,
kung minsan kapag pinagsasabihan ay sumasagot nang pabalang,
sana ay maunawaan nyo na ako'y bata pa lamang noon,
at pinaiiral ang init ng ulo minsa...
salamat sa pagtuturo sa akin nang malaking kaibahan ng wasto sa kamalian,
salamat po.....
sa aking paglaki hindi kayo nawala,
sa bawat daan na aking pinupuntahan,
kayo ang sumusubaybay sa aking patutunguhan...
naaalala ko pa pag ako'y nasusugatan,
yakap at halik mo ang pumapawi sa sakit na nararamdaman,
dahil sa pagmamahal nyo,
nahubog ako bilang isang tao...
taong may takot sa diyos at respeto sa kapwa ko..
yan ako dahil sa inyo,
sa inyo na nagbigay sa akin ng buhay,
at nagpadama nang pagmamahal na walang kapantay,
maraming salamat po...
noon pinatutulog mo ako nang iyong tinig aking ina,
at natutong ngumiti habang nakikipaglaro sayo aking ama...
dito sa mundo na puno nang kalituhan,
hindi niyo ako iniwan...
kayo ang nagsilbi kong ilaw sa bawat madilim na daaan...
dahil sa inyo,
natutu akong mabuhay at magmahal nang tunay..
sa inyong pagtanda,
hayaan nyong kayo'y aking kalingain,
kahit humina na ang tenga mo at hindi mo na maintindihan ang sinasabi ko...
di ako magsasawang ulit-ulitin ang sinasabi ko hanggang maintindihan mo...
at sa paghina ng tuhod mo,
hindi ako magsasawang tulungan kang tumayo..
at kapag dumating na ang panahon na ikaw na ay magkulit,
at maging paulit-ulit na parang sirang plaka,
hindi ako magsasawang pakinggan ka,
katulad nang pakikinig mo sa akin noong ako'y bata pa...
pag may gusto ako, pauli-ulit ko kayung sasabihan..
salamat po sa pagtitiyaga sa kakulitan ko...
pasensya kana kung madalas wala akong masyadong panahon para makipagkwentohan..
pagod kasi ako galing sa klase,
pero pilit ko parin nakikipagkwentuhan sakin kahit alam ko na ramdam mo na hindi ako interesado makipag-usap.
pero ikaw,hindi ka nagsasawang pakinggan ako...
kahit noong bata pa ako,
kahit pabulol-bulol, pautal-utal..
hindi ka nagsasawang makinig sa mga kwento ko ..
at pag dumating ang panahon na ikaw ay makasakit at maratay sa banig nang karamdaman..
hindi kita pagsasawaang alagaan..
nandito ako para sa iyo,
hanggang sa huling sandali nang iyong buhay..
mahal na mahal kita..
Nanay at Tatay.
FOLLOW, UPVOTE AND RESTEEM