LOVESToRy❤️I HeArt you AMO

in #love6 years ago

IMG_5683.JPGTitle: I Heart You, Amo! ♥️
Genre: Comedy/Romance/Drama

TEASER:

“Ang bongga naman dito!” manghang sabi ko habang pinagmamasdan ‘yung magagandang decorations. Mabuti na lang talaga at tinanggap ko ‘yung offer ni Krista. At dahil nga sa bongga ang decoration, gusto kong mag-selfie! Kaloka!

Para naman masupalpal ko sa mukha ni Aling Tetay. Kaloka ‘yung ginang na ‘yon! Akala mo naman kung sino. Humanda siya, mabayaran ko lang ‘yong mga utang namin sa kanya, hindi na kami uutang sa kanya. Papagawan ko palang ng sariling sari-sari store si mama, tapos du’n na siya pwedeng umutang nang umutang. Tutal naman eh, amin na ‘yon. At least, wala na siyang pino-problema, ‘di ba? Talino ko talaga!

Anyways, speaking of “selfie” kanina pa ako nagkakalkal sa bago kong biling phone. Saan na ba ‘yon? Kaloka! Matagal-tagal ko pa ‘yong mapapalitan. Hindi ko pa nga nami-meet magiging amo ko eh. Kaya naman, umupo muna ako sa isang tabi at sobrang kinalkal ‘yong bag ko. Saan na ba kasi ‘yon?!

Maka-ilang sandali pa’y nakita ko na ‘yung phone ko. Thank goddess! I mean, goodness? Tama ba? Ay, basta! ‘Yun na ‘yon. At dahil nakuha ko na ‘yong phone ko, bumalik ako sa pwesto ko doon sa bonggang Christmas Tree na ang gara ng decorations.

Agad kong itinutok ‘yung phone ko sa akin. Heto na! Kailangan maganda ang lola n’yo! Baka mamaya, imbes na puri makuha ko eh, lait pa kung sakali.

O my gosh!

1...

2...

3...

KA-BLAG!

Anak nang pitong buwaya! Nalaglag ‘yung phone ko! Wasak siya. Parang si Marissa na malanding pokpok na taga-sa amin! WASAK NA WASAK!

“Noooooooooooo!” madrama kong sigaw. Agad ko namang pinulot ‘yon. Nilingon ko naman ‘yung mag-jowang dumaan sa akin at ‘yung boyfriend niyang nakasagid sa akin. At ang loko, wala man lang ka-sorry sorry?

“Hooooy! Aba’y ga—”

Hindi ko naituloy ‘yung sasabihin ko dahil lumingon ‘yung lalaki sa akin at ako’y natulala sa pisikal na anyo nito.

“Yes?” sabi nu’ng lalaki na medyo may pagka-cold ‘yung tono nito.

“Abay, ga-gwapo!” nasambit ko.

Pitong anak ng elepante! Ang gwapo naman ng nilalang na ‘to. Sino kaya itey? Omo!

“Let’s go, babe! Don’t mind her!” mataray na sambit nu’ng babae na tama nga ang hinala ko—jowa niya.

At ayun, nang tuluyan nang nawala sila sa paningin ko, doon lang ako natauhan. Putakte! ‘Yung cellphone ko! Nawala sa isip ko. Huhu. Paano na ‘to? Paano ako makaka-uwi ng boarding namin ni Krista? Eh, hindi ko naman alam ‘yung lugar na ‘to. Baguhan pa kasi ako. Paano na?

“Hoooooy! Kung sino ka mang kumag kaaaaa! Please naman... Palitan mo ‘yung phone ko!” naiiyak na sigaw ko dahilan para pagtinginan ako ng mga tao. Okay lang, hindi naman nila naiintindihan ‘yung language ko! Pake ba nila!

PS: Hi, there! 😂

Sort:  

Hello @renea29! This is a friendly reminder that you have 3000 Partiko Points unclaimed in your Partiko account!

Partiko is a fast and beautiful mobile app for Steem, and it’s the most popular Steem mobile app out there! Download Partiko using the link below and login using SteemConnect to claim your 3000 Partiko points! You can easily convert them into Steem token!

https://partiko.app/referral/partiko

Congratulations @renea29! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Do not miss the last post from @steemitboard:

Are you a DrugWars early adopter? Benvenuto in famiglia!
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 97942.52
ETH 3485.30
USDT 1.00
SBD 3.26