"Ikaw Lang Ay Maangkin" : A Filipino Poetry

in #love7 years ago

"Ikaw Lang Ay Maangkin"

images (2).jpeg


Pag-ibig ko sayo'y di ko maamin
Ako'y nadadala sa bugso ng damdamin.
Hinihiling sana ikaw ay mapasaakin
Mundo mong marupok ay tatahakin.

Kalaliman ng dagat ay tatawirin
Mga tala at bituin ay susungkitin
Kadiliman ng mundo'y bibigyang liwanag
Di ka iiwan hanggang araw ay sisinag


Tahakin natin ang tadhana ng sabay
Hamaking sabay ang agos ng buhay
Himurin ang mundong ibabaw na taglay.
Hayaan ang madla sa atin ay maghintay.


Mga kabundukan ay aking susuungin
Lahat gagawin "Ikaw Lang Ay Maangkin"
Mga luha mo noo'y aking papawiin
At papalitan ng ngiting ningning ng bituin.


love_is____just_you_and_me_together_by_candylishus-d7420r0.jpg


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

Jassenn

Photocredit : 1 2

Sort:  

Maganda ang tula na ito! Waiting for your next post

May your love world succeed always, beautiful post

This is great post . Love is always make two in one line. If one foll-down than other is automatically following down.

Talagang nakakamangha,
ang orihinal mong tula.
At ako ay napapatulala,
Kung paano mo ito ginawa.
@jassennessaj

in love ka ba ngayon kabayan?? ",

nice poem!

Nice! Ako'y naantig sa tula mong romantik 😁

Hahaha maantig ka lang!

Galing talaga, ako ngmental block n nmn, hirap talaga pghindi nakikita c ni crush.. Nkkpressure p to valentines n to.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 96186.34
ETH 3344.71
USDT 1.00
SBD 3.50