Rosas at Tsokolate

in #love7 years ago

419755_350868304936556_1630132294_n.jpg

February 14, 2012. ilang taon na ang lumipas
ngunit sariwa parin sa aking ala-ala ang lahat.
Nag-away tayo ng araw na iyon,
Umalis ka at iniwan mo ako sa ating tindahan.

Isang oras ang nakalipas, ikaw ay nagbalik
bitbit ang rosas, lobo, donut at tsokolate.
Nagtinginan ang mga tao sa paligid, napangiti ang mga tindera,
lahat sila kinikilig at nakatingin sa'yo habang ikaw ay papalapit sa akin.

Sa isang iglap napalitan ng kilig ang aking galit at inis.
Inis na pinalitan ng tamis ng tsokolate at donut,
At galit na pinawi ng mapupulang rosas na iyong dala.
Napapangiti dahil hindi ko inaasahan ang sorpresang iyon.

Lahat ng galit at hindi pagkakaunawaan ay biglang naglaho.
Walang salita, ngiti mo lang ay okay na ako. bati na tayo.

Niyaya mo akong lumabas para kumain at pumunta sa isang bar.
Bitbit ang mga rosas at tsokolate na iyong bigay,
at buong pagmamalaki na ipinapakita sa mga tao ang rosas na bigay ng aking mahal.
rosas na naging dahilan nang ating pagkakaayos.

Hindi ka malakas uminom,
Naalala ko pa nga SanMig light order mo tapos ako Redhorse hahaha
Pero dahil mahina ako sa beer, tag dalawang bote lang tayo.
Dalawang bote, na hindi pa natin naubos kasi tinamaan na tayo pareho.

kaya nga naging tayo eh, kasi ang lakas ng tama natin sa isa't-isa

Pero okay lang 'yon, ang importante umuwi tayong masaya at wala ng galit.

Salamat sa sorpresa,
Salamat sa rosas at tsokolate, at
maraming maraming salamat sa ilang taong nandito ka sa tabi ko.
Happy Valentine's sweety!

Happy Valentine's Stemians!!!

2/14/2018

xoxo,
st.jpg
cooltext273981127115427.gif

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't voted your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

cooltext273977488532072.gif

Sort:  

Nindot Kay kag GI post nya daghan nasad ug followers, pwede I resteem nimo ako post?

happy valentine day

Happy Valentine's day @birjudanak

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 65540.54
ETH 2608.45
USDT 1.00
SBD 2.65