Literaturang Filipino: GALOS MULA SA PAGKABAON

Himala sa aking buhay

Nais ko po sanang ibahagi sa inyo ang tunay na himalang nangyari sa aking buhay aking buhay. Nawa'y maantig at mabighani ang inyong mga damdamin sa pagbahagi ng aking kwento. Para sa'kin, ang inyong pagbasa ay isang napakalaking karangalang di ko maikubli sa galak na mararamdaman.

Sa murang edad palang, alam ko na ang kahirapan na pinilit naming takasan ngunit ito'y mabagsik. Sa edad na lima natuto at nakasanayan ko na ang magbanat ng buto. Sa araw-araw na pagsisikap ni Ama't Ina, dama ko ang pawis at pagod sa kanilang pagsisikap upang matugunan ang aming pangngailangan. Habang subsob sa pag-aaral, sa tuwing walang pasok ay ginagawa kong pagkakakitaan ang pagbabasura at pagkuha ng panggatong upang maibenta't makabili ng pagkain ng maibsan ang suliraning dumadaloy sa aming buhay. Habang dala-dala ko ang biling pasalubong kay Ama't Ina, di maipaliwanag ang sarap ng nadarama habang nakikita silang masaya kahit walang-wala. Sa pagbigay ko sa kanila ng pagkaing dala, walang humpay ang iyak ni Ina sabay sabing "Patawad anak di ka namin nabigyan ng magandang buhay. di kasi kami nakapag-aral". Di ko maipaliwanag ang aking damdamin sa yakap ni Ina sa akin para bang puputok ang ang aking puso ang panibugho na sinabi ni Inang. Pilit ni Inang huwag akong pagtabahuin, ngunit di ko rin kayang masdan silang gumapang sa hirap.

Sa isang lugar di kalayuan sa amin may papa-umpisang subdibisyon na ginawa, may mga sasakyang naghahatid ng mga bato't lupa na may kasamang bakal at mga bagay na pwedeng pagkakakitaan. May mga taong nag-uunahan sa pagkuha ng kalakal. Habang uma-andar pa ang sasakyang nasabi, ay iniakyat ng mga tao dulo nito para di na maagawan ng nasabing biyaya.Kahit peso-peso ang kita ko sa tuwing may sasakyan naghahatid ng ganoong mga kalakal, alam kung ito'y isang napakalaking tulong na para sa aming pamilya.

Trahidya na nangyari

Noong ako'y nasa ikatlong taon na nang elementarya, habang papauwi dala-dala ko ang supot na may lamang bolpen, kwaderno, at mga libro patungo sa amin, Nakita ko ang mga kilala kong mangangalakal. Napag- alaman ko na may mga sasakyan at alam kong ito'y mapagkikitaan ko na naman. Sa Isang sulok inilagay ko ang supot sabay kuha ng sako para paglagyan ko ng mga makukuhang kalakal. Habang abala sa pagkuha nga mga yamang itinapon, nakalimutan ko ang supot. Nang akin na itong natandaan, Isang traktor na sinusudsud ang lupa ay paparating sa supot. Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta nito dahil kapag ito'y nabaon sa lupa alam kong matitigil ang aking pag-aaral marahil ang mga gamit na nasa supot ay sadyang napaka-importante. Sa pagkataong nakuha ko na ito, ilang pulgada nalang din at ako'y nabaon habang hawak ko ang subot, dahan-dahang nabaon ang aking katawan sa lupa, mula paa hanggang sa leeg. Akoy maliit kaya di makikita talaga. Pinikit ko nalang ang aking mga mata sabay isip na katapusan na. Ngunit biglang tumigil ang traktor sabi ng nagmamaneho'y pasalamat ka't may kumaway naisipan kong huminto.

LARAWAN KO NGAYON MULA SA BATANG PUNO NG PANGARAP

#literaturang-filipino
#himala
@brapollo29

Sort:  

To listen to the audio version of this article click on the play image.

Brought to you by @tts. If you find it useful please consider upvote this reply.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 92903.81
ETH 3331.70
USDT 1.00
SBD 3.29