Steemph.cebu Paglinang ng Kasanayan sa Pag-gawa ng Maikling Kuwento - Contest #2 Winners. Congratulations!

SteemPH_Cebu.png

Kami ay lubos na nagagalak dahil sa pinakitang dedikasyon ng mga Pilipinong sumali sa amiing unang patimpalak tungkol sa paggawa ng maikling kwento na may temang trahedya. Naipakita ninyo ang inyong angking galing sa matalinghagang pagsulat at ang inyong pagkamalikhain sa temang binigay at uri ng sulatin.

Hindi man gaano karami ang nagsumite ng kanilang mga gawa, lubos parin ang aming tuwa dahil may mga Pilipinong gustong matuto ng ibang gawain at magkaroon ng ibang paraan para makuha ng biyaya sa steemit. Asahan niyong tuloy-tuloy ang aming mga proyektong gustong ipamahagi sa mga Pilipino.

Kaya ito na ang mga mapapalad na napili at mananalo ng karagpatang gantimpala


  • 1st place - @bing2 na makatatanggap ng 7 SBD

Literaturang Filipino: "Babangon At Babangon Pa Rin"

Ilang pagsubok at trahedya na nga ba ang dumating? Hindi ko na mabilang. Sa kabila ng lahat heto pa rin patuloy na nagpapakatatag at bumabangon. Pero ang pinakatumatak sa aking isipan ay ang mga pangyayari noong nagdaang bagyong Yolanda.

"Literaturang-Filipino" Paalam sa Kaibigan Kong Manunulat

Noong nakilala kita ako ay namangha
Wala kang katulad sa iyong mga akda
Ang iyong talento ay talagang kahanga-hanga
Sapagkat napabilib mo maging ang mga banyaga

Angpagtulong mo ay walang katulad
ang aking mga mali'y laging itinatama
Ang iyong pananalita ay kay hali-halina
laging ibinabahagi ang naisip na maganda

  • 3rd place - @rigor na makakatanggap ng 3 SBD

"Literaturang Filipino: Tunay na Pagmamahal"

Isang bulag na babae na puno ng hinanakit at galit sa mundo. Wala siyang gaanong madaming kaibigan dahil sa masamang pakikitungo niya sa mundo at sa buhay sapagkat ang kanyang kalagayan ay sinisisi niya dito, kung bakit sa dami rami ng tao sa planeta siya pa ang napiling maging bulag. Ngunit kahit ganon pa man, mayroon siyang nobyo na nagmamahal sa kanya ng lubos at tunay na handa siyang tanggapin sa kabila pa ng kanyang kapansanan.


Congratulations sa inyo at Maraming Salamat!

Sundan ang mga awtor na ito bilang suporta sa kanilang talentong tunay at puro.


Sa mga hindi pinalad na manalo, maraming salamat dahil naging parte kayo sa paligsahan at naipakita niyo ang angkin ninyong galing sa pagsulat ng wikang Filipino. Naway mapaunlad pa ninyo ang inyong kakayahan sa pagsulat at sumali ng sumali sa mga magaganap pang patimpalak hanggang manalo na.

Antabayanan ang aming susunod na patimpalak!

follow_steemph.cebu.gif

Sort:  

Salamat kaayo @steemph.cebu nakadaog ko.

Congrats to the winner. Yehey! ♡

congrats sa mga nidaog im happy ky mga newbies og lowvotes, gtagaan ninyo sila chance :) Good job guys!! :)

you want upvote?

Nice post for us

Congratulations @steemph.cebu, this post is the sixth most rewarded post (based on pending payouts) in the last 12 hours written by a User account holder (accounts that hold between 0.1 and 1.0 Mega Vests). The total number of posts by User account holders during this period was 2989 and the total pending payments to posts in this category was $2681.88. To see the full list of highest paid posts across all accounts categories, click here.

If you do not wish to receive these messages in future, please reply stop to this comment.

first time ko manalo haha.. maraming salamat @steemph.cebu ipagpatuloy nyo pa ang mga patimpalak nyo. patuloy ko kauong susuportahan lalahok sa mga patimpalak nyo.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.27
JST 0.041
BTC 98218.24
ETH 3592.97
SBD 2.34