Pinnay: Ang Simula

“Ate sinong panalo?” Ang unang chat mo sakin noon dahil pumasok na kayo sa klase at hindi niyo na natapos yung panunuod ng basketball game. Yan din ang simula ng lahat- ang simula ng “Pinnay” (pinagsamang pin at tinay)- ang simula ng masayang ngunit di nagtagal nating relasyon.

Hindi ko alam kung bakit ka nag-message sakin noon, madami ka namang pwedeng pagtanungan na iba pero ayun na nga ang nangyare-nagreply ako noon ng “talo tayo” at nagreply ka agad hangang sa lagi na tayong magkachat- umaga, tanghali at gabi. Yun pala ay naghihintay ka talaga ng reply ko nun habang nasa klase ka, at nung nagreply na ako ay sabi mo sa mga kaklase mo “nagreply na siya! OMG!”.


099B83F0-4D73-4CB6-B146-831B593431A2.gif
Source

Nakakatuwa kang ka-chat, walang ni isang topic na uninteresting kahit na busy tayong pareho eh my oras parin magreply. Minsan ay nangaasaran lang tayo- kasi pini-pair up ka sa kaibigan ko nun, eh ako si makulit lagi kitang inaasar sakanya tuwing nakikita ka namin. Meron pang isang beses na naglalakad kami papasok ng school at kayo naman ay kumakain ng icecream sa tapat ng 7/11, nakita na kita sa malayo kaya nagumpisa na akong mangasar sa kaibigan ko at ikaw naman ay tumalikod, subo sa icecream at pag harap mo ay sobrang laki na ng ngiti mo sabay “hello ate”. Akala ko kinilig ka lang sa pangaasar namin yun pala ang sabi mo sa mga kaibigan mo ay “anjan si tinay! Waaaait! Si tinaaaaay! Nakita mo yun? Nginitaan niya ako.”

May isang beses din na nagmamadali ako sa corridor papunta ng dean’s office, hawak-hawak ang mga requirements na ipapasa ko (dahil deadline na nun at kailangan ko ng pirma ng clinical instructors ko kaya sobrang stressed ako nun)- nakaharang mga lower years sa daan, ang ingay ingay habang nagaantay sa susunod nilang klase- sa sobrang inis ko dahil di ako makadaan ay nasabi kong “excuse me” ng masungit, andun ka pala, kinikilig sa sulok dahil nakatitig ka sakin habang ako ay nagsusungit. May isang beses din nasa loob na kayo ng kalse at sumilip ka sa corridor at nakita mo akong padaan, sabay sigaw ng “andiyan siya! Andiyan siya bilis!” sa mga kaklase mo. So ayun, lahat kayo sumilip habang ako kay nagmamadaling naglalakad sa corridor.

Pagkalipas ng mga ilang linggong chat ay naglakas kang ayain ako para kumain ng hapunan at dahil wala din akong makain nun sa bahay ay nagpasya akong sumama. Sinundo mo ko nun, driving while thinking what to say kaya ka pala pawis na pawis nun kasi di mo alam sasabihin sakin. Well, nung gabing yun wala namang silent moment dahil panay kwento tayo- school, basketball at kung ano ano pa. Naala ko pa yung tanong mo sakin nun, “naniniwala ka ba sa love at first sight?” Ang sagot ko eh “hindi” tapos bigla kang lumipat sa tabi ko sabay tanong “eh ngayon naniniwala ka na?” Hahahaha ay grabe banat pala! Wala na akong nagawa kundi tumawa at sumangayon sa sinabi mo. Hindi ko alam pero feeling ko nagugustuhan na kita nun. Kinilig ba ako? Oo siyempre!


991474EE-E9F0-4EC1-86B7-3A90B6747A33.gif
Source

Makalipas ang ilang araw, nagkita ulit tayo para mag hapunan kasama mga kaibigan pero bago yun ay hinatid muna natin si mommy mo; sobrang kinakabahan ako nun kasi pinakilala mo ko agad sa mommy mo parang too soon para dun.

Pagkatapos maghatid ay pumunta tayong sm, sa sobrang traffic nun ay naipon na ung ihi ko at pagkadating sa sm parking lot ay bumaba na ako agad para pumunta sa restroom para umihi. Bwiset na bwiset pa ako nun dahil ihing ihi na nga ako tapos ang haba pa ng pila sa mga babae tapos nagtext ka nun na antayin nalang kita sa labas kasi ikaw din ay iihi. Ahy! Sa wakas! Pagkatapos ng halos limang minutong pagaantay sa pila ay nakagamit din ng banyo. Hahaha

Paglabas ko ay akala ko andun ka na dahil wala ka namang pila, nagantay ako dun sa may labas ng biglang may dalawang lalaking papunta sa direksyon ko, nakatingin sakin at parang may balak gawin, nakaitim na t-shirt at jacket silang pareho, matangkad na medyo malalaki ang katawan-mukha silang goons. Habang papunta sila kung saan ako nakatayo ay sobrang kinakabahan na ako at nagiisip na escape plan.

“Nasan na kasi si Pin? Pag lumapit to sakin at may ginawang masama susuntukin ko sa may bandang dibdib at sisipain ko ang kanilang mga ano. Pero matangkad sila, so uunahin ko ung nasa kaliwa ko dahil mas payat siya, tapos tatakbo na ako” wala na akong pakialam nun kasi sobrang natatakot na ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at kunwari nagtetext nalang pero nakaready na akong manuntok. Ayan na! Nasa harap ko na sila at may dinudukot sa likod nila! Aba grabe sobrang natatakot na ako nun!

Kuyang nakaitim no.1: “ate my nagpapabigay sayo”

Kuyang nakaitim no.2: “eto din po ate oh” sabay abot sakin ng red roses. Nagtataka ako nun kung sino nagpapabigay sakin, iniisip ko “nangtritrip lang ata tong mga to ah”kaya ang sagot ko saknila ay “hindi ko ko tatanggapin yan, di ko naman kilala kung sino kayo at kung kanino galing yan”

Kuyang nakaitim no. 1: “kunin mo na, kilala mo nagpapabigay niyan” sabay abot sakin ng roses, kinuha ko pero nagtataka talaga ako, sakto lumabas ka galing restroom at nagtataka ka din kung bakit ako may hawak na roses. Ang sabi mo sakin ay “bakit yan?”
(Naalala ko pa yung saktong itsura mo nun, talagang nagtataka ka pero nakangiti ka na parang kinikilig)


A06259BF-5182-49B5-8534-EF73068A7FBA.gif
Source

Sagot ko naman: “hindi ko din alam.”
Tapos inabot ko sakin yung pangatlong rose! Ay grabe! Kaibigan mo pala ung dalawang pinagkamalan kong goons! Hindi ko alam pero kinilig ako nun, na-surprise talaga ako nun dahil first time na my gumawa nun sakin. Nakakagulat kasi may pa-red roses ka pang nalalaman at yung gabing din yun ay inamin mong gusto mo ko, na mula nung nakita mo ako pagkatapos ng ilang taon (schoolmates kasi kami noong highschool at nagkita lang ulit kami noong nagdedentistry na siya at mula nun ay naging crush na niya ako) -na gusto mong maging more than friends at gusto mong ako na- ako yung babaeng hindi mo papakawalan at gustong maging kasama habang buhay.

Nagulat ako noon at nasabi ko nalang ay “manligaw ka muna hahaha” inamin ko din sayo noon na gusto din kita kaso hindi pa ako ready dahil madami pa akong kailangang tapusin; maggraduate at magfocus para pumasa sa board exam. Napakasupportive mo nun, kahit na magkalayo tayo (nasa Baguio ka at ako naman ay nagrereview sa Manila) ay walang isang araw na hindi mo nakakalimutang kamustahin ako at sabihing “kaya mo yan! Ikaw pa”.

Hindi pa natapos ang pagbibigay mo sakin ng red roses nun, may isang beses na sinundo mo ko nun sa bahay at siyempre kailangan magseat belt, pag kakuha ko nun para isuot ay may isang rose na nakasabit dun, gulat nanaman ako niyan tapos sinabi mong paabot ng tissue sa compartment dahil sinisipon ka kailangan mong magpunas ng ilong; pagkabukas ko ay aba meron nanamang rose dun. Nakakarami ka na ah! Pero di pa natapos dun dahil pagtingin ko sayo ay meron ka ng hawak na rose sabay ngiti at sabing “Hihi I love you Tinay”.

Nagantay ka noon, halos mga isang taon at noong lumabas na ang resulta ng board exams ay hindi ka na nagdalawang isip na tanungin ako kung pwede mo ba akong maging girlfriend, ang sagot ko naman ay “oo pwedeng pwede na”.


6772DCD6-CF29-4F71-BF62-BCF6713A36FA.gif
Source

Ano bang nangyari at nasabi kong ”di nagtagal?” maayos naman ang simula pero bakit nga ba?

Abangan sa susunod na bahagi!

Salamat @tpkidkai!

51D50842-8FA7-4256-9E6A-5840D3AED79B.jpeg

Sort:  

Ang kwela nung kwento! Yang mga lalaking yan talaga ( Ehem lalaki nga rin pala ako pero di lahat ganyan) . Kaabang abang ang mga susunod na pangyayari. Ano po ba ito true to life? Kasi ang username niyo po ay ristinay tapos ang character tinay. Tanggapin nyo po ang upvote ng tropa at resteem nadin.

Nga po pala pwede ko bang ilagay ito sa aking FB page?

Salamat sa suporta @tagalogtrail! Pwedeng pwede mong ilagay sa FB.

At oo true story yan. 😉 💔

Hey there! You were featured on the #89th edition of steemitfamilyph's featured posts. Congratulations!

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.27
JST 0.041
BTC 97478.26
ETH 3565.84
SBD 1.58