'Sapnu puaS' || Malayang pagsulat

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

Instasize_0528134259.jpg

Marahil, unang basa mo palang nito'y tataas na ang iyong kilay at mapapasabi kang "aba'y ang bastos naman ng post na ito" , ngunit bigyan niyo po ako ng pagkakataong mas lubusan itong maipaliwanag sa inyo.

Ang salitang 'Sapnu Puas' o kapag binasa mo ng nakabaliktad ay 'Send Nudes' ay isa na sa mga kumakalat na pauso ngayon sa mga kabataang Pilipino. Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Siguro nga'y hindi na natin ma iaalis ang maduming ibig sabihin ng salitang ito ngunit subukan nating lawakan ang ating pag unawa, hayaan niyo pong magbigay ako ng isang kwento:

Isang araw may lalaking nagsend ng salitang 'sapnu puas' sa napakagandang babae ngunit nabigla siya sa ibang ibig sabihin ng salitang ito

Lalaki:
Hi miss,total matagal na naman tayong magkakilala, pwede bang 'sapnu puas'?
Babae:
Hi, alam mo limang taong gulang palang ako ng namatay ang ama ko, simula noon nagsikap ang aking inang maitaguyod ang 2 kong kapatid. Takot ako sa mga bagay na pansalamantala kasi takot akong mangyari ulit ang nangyari noong iniwan ang ng taong sobra kong inibig. Nais ko rin sanang maging isang doktor upang aking mabigyan ng tamang alagang medikal ang ibang tao at....
Lalaki:
Teka teka, oo at maganda ang iyong kwento ngunit hindi naman iyon ang nais kong makita, imposible namang hindi mo alam ang salitang 'sapnu puas' o 'send nudes'?
Babae:
Alam na alam ko ang salitang yan at ang mga bagay na sinabi ko sa iyo ay ang Hubad na ako. Ang ako na mahina at lugmok sa aking nakaaran na kung saan labis akong nasaktan. Ang aking madilim na sikretong kailan may hindi ko na nais na balikan. Hindi man iyon ang nais mong makita o malaman pero total matagal na tayong magkakilala , naisip kong ibahagi iyon sa iyo.

Ang sinabi ng babae ay talinghagang ibig sabihin ng salitang 'sapnu puas'. Iyon ay mas literal pa sa literal na ibig sabihin ng nasabing salita. Marahil sa unang basa ay mapapaisip ka sa ibig ipahiwatig ng dalaga, ngunit kalaunay magkakaroon ito ng mas malalim na kahulugan.

Ito po ay ang aking malayang pagsulat. Lahat po ng nasabi ko sa itaas ay ang aki lamang sariling opinyon ng salitang 'sapnu puas' o 'send nudes'.

Maraming salamat sa inyong pagbasa at patuloy po tayong gumawa ng sanaysay sa Filipino upang masuportahan ang sarili nating wika. Magandang Araw po.

Nagmamahal,

Maye

Sort:  

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you very much @c-squared for such a privilege. This will surely motivate me to make more relevant post. :-) Good day

sapul hanggang kaloblooban ang articlle na to...congrats ikaw ang kaunaunahang nabigyan ng curie vote na tagalog post..in behalf of @bestofph, @c-squared, and @tagalogtrail...congrats ulit. pagbutihin m pa sa mga susunod..

Maraming salamat @kendallron. Oo nga eh ang laking privilege nito at maraming salamat sa supporta :-) opo, pagbubutihin ko pa ang paggawa :-)

Nagustuhan ko yun matalinhagang interpretasyon. Nabigyan ng malalim na pagmumuni-muni ang isang kakaibang paksa.

Maraming salamat @jazzhero at iyog nagustohan ang aking malayang pagsulat. :-)

Walang anuman :) Nagustuhan din ito ng @c-squared initiative.
Trinanslate namin sa kanila yun kahulugan at natuwa rin sila.

:-O isa pong malaking pribilehiyo ang ma resteem ng @c-squared. Maraming salamat po at pagbubutihin ko pa ang paglikha ng sanaysay sa ating sariling wika. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon. :-)

Congratulations @mayennaise, your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

Thank you very much @bestofph for the support. I will sure look forward in making more post that is purely Filipino. God bless :-)

'sapnu puas'

Plot twist pagkatapos masend nung dalaga ang mensahe ni block na siya ng binata sa messenger.

Ang husay po catchy yung title! Pero nagets ko kagad after kong mabasa ang paliwanag nung dalaga.

Hahaha, tunay na lalaki lang naman po talaga makakaintindi ng mabuti sa paliwanag ng dalaga hahaha
maraming salamat po :-) hehehe nagets agad , galing galing.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 57198.53
ETH 2362.64
USDT 1.00
SBD 2.40