Literaturang Filipino - Martir

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)

IMG20180419091806.jpg

Alam mo, Leny, gusto kong malaman mo na ang saya ko noong napulot ninyo ako. Sobrang laki ng pasasalamat ko dahil sa pagkupkop ninyo sa akin. Nagkaroon ako ng pagkain, tahanan, at higit sa lahat, nagkaroon ako ng pamilya na minahal ko buong buhay ko.

Akala ko sa kalsada na magwawakas ang buhay ko. Nabundol ng napakalaking bagay na may apat na gulong ang aking ina. Naiwan akong mag-isa na palaboy-laboy sa kalsada, gutom at walang makain. Minsan, lumalapit ako sa mga kauri ko, humihingi ng tulong, pero alam mo kung ano ang ibinigay nila sa akin? Gulpi. Napakasakit na gulpi.

Sa gitna ng napakalawak na espalto, sa kadiliman ng napakalamig na gabi, humiga ako. Handa na akong mamatay. Nakapikit ako noon nang may narinig akong napakalakas na ingay. Lumingon ako. Nakakita ako ng dalawang pamilyar na nakakasilaw na liwanag. Nakita ko na ‘yon noong gabi na kinuha ng langit ang aking ina. Hindi ako nagkamali. Nagmula ang liwanag sa parisukat na may apat na gulong. Alam kong kukunin na rin ako ng bagay na ito. Takot ako, pero di bale, basta makasama ko lang muli si nanay.

Ngunit huminto ito sa aking harapan at may nakita akong dalawang anino na lumabas.

“Kawawa naman ang tuta!” Sabi ng isang lalaki. Doon ko nakilala ang napakabait mong asawa na si Miguel. Kinarga niya ako sa kaniyang mga bisig. Sobrang gaan ng pakiramdam ko.

“Ang pangit ng asong ‘yan! Itapon mo ‘yan!” Sigaw mo. Doon kita unang nasilayan. Noon pa lang ramdam ko na na ayaw mo saakin. Ngunit hindi nakinig si Miguel sayo at dinala ninyo ako sa inyong bahay. Nagbago ng bigla ang buhay ko. Nagkaroon ako ng tahanan. Nakakakain na ako ng mabuti. Kayong dalawa ang nagpalaki saakin. Ramdam ko ang pagmamamahal ni Miguel at ramdam ko rin ang galit mo saakin. Bakit, Leny? Pero kahit ganoon, alam mong mahal na mahal kita.

Naaalala mo ba noong maliit pa ako at aksidente kong napunit ang paborito mong damit? Kumuha ka ng kahoy at pinaghahampas mo ako sa mukha. Dumugo ang kaliwa kong mata at nabulag. Sabi mo kay Miguel aksidente lang iyon. Hindi nagbago ang tingin ko sa iyo, mahal pa rin kita. Natakot ako saiyo at kahit kailan hindi ko na ginalaw ang mga gamit mo, pero palagi mo akong pinapalo ng walis kahit wala naman akong ginagawa. Naalala mo rin ba noong niyakap kita at nadumihan ka? Kumuha ka ng kumukulong tubig noon at isinaboy mo saakin. Sobrang hapdi ng katawan ko. Mahal kita, Leny, mahal mo rin ba ako?

Kaya noong patawid ka sa daan at may isang malaking parisukat na bagay na may apat na gulong ang humaharurot patungo sa kinaroroonan mo, naaalala ko ang aking ina. Hindi ko siya nailigtas. Ayokong mawalan ulit ng nanay, Leny, kaya sa gitna ng malawak na espalto, tumakbo ako. Tinulak kita hangang malayo ka sa kapahamakan. Tinanggap ko ang lahat ng sakit. Sobrang sakit pala. Pero hindi ko na iyon ininda nang makita kong ligtas ka, Nanay Leny.

Sort:  

Nice one @khiera keep up the good work

nakakalungkot yung storya at may laman. nakaka touch.

Thank you po at nagustuhan ninyo. Di ko po talaga alam if masasali pa rin to sa patimpalak kasi 6days na, pero ok lang basta nalathala ko at naibahagi :)

Congratulations @khiera! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 96057.69
ETH 3426.74
SBD 1.53