Literaturang Filipino: Tunay na Katotohanan

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)

images (2).jpg

Isang gabi, nagkakasayahan sila Vin, Ashley, Danica at Anne sa bahay ni Danica dahil kaarawan ni Anne. Pagkatapos ng selebrasyon ay nagsisiuwian na silang magkaibigan. Sa labas ay may nakaparadang taxi at nilapitan ni Vin ito at inabotan ng pera. Papasok na sana si Anne sa taxi subalit may tumawag sa kanya at nakita niya si Ashley nagdala ng regalo at ibinigay niya ito ni Anne.

Nang makalayo layo na ang sinakyan na taxi ni Anne. Binuksan niya ang regalo na binigay ni Ashley at nang makita niya ito ay isang magandang sapatos. Nang suotin ni Anne ang sapatos ay may nilagay ang drayber sa aircon.

Kinabukasan ay nabalitaan nalang na patay na si Anne na hubo't hubad pa. Inaakusahan ang mamang drayber sa pagpatay kay Anne. "Nilagyan ng pampatulog ang aircon, ni rape at pinatay gamit ang Philipps screwdriver ang biktima." Ayon sa salaysay ng imbestigador. Kumuha ng abogado ang mamang drayber dahil hindi raw katotohanan ang mga paratang sa kanya. Pero natalo siya sa kaso at nahatulan ng kamatayan.

Pitong taong lumipas, may isang abogado na humukay sa kaso na pagpatay kay Anne. Unang araw ng hukoman. Bumigay ng mga mabibigat na ebidensiya ang bagong abogado sa korte na ang akusado ay inosente.

"Ayon sa salaysay ng imbestigador na ang ginamit sa pagpatay ng biktima ay isang Phillips screwdriver. At sabi ng akusado ay meron ibang taong humarang sa kalsada kaya napahinto siya at yung tao ang suspek na may dalang baril pa at natakot ang akusado. Sa imbestigasyon ko, wala namang Philipps screwdriver yung akusado dahil sa makina ng sasakyan niya ay lahat ng screw ay flat. Pagkatapos pagpatay ng biktima ay hinila ang akusado at pinawahak niya ang screwdriver at binuksan ng suspek ang pintuan sa bagahe para ipalagay ang Philipps screwdriver at nagsara din ng pinto ay ang suspek. Walang fingerprints natagpuan sa pintuan kasi naka gloves ang suspek. Nahimatay ang biktima sa karayom na tinirakan ng pampatulog na inilagay sa may takong ng sapatos. At nasuspetsahan na kasama si Ashley sa krimen. At sa pagsusuri ko sa bangko ni Ashley ay may transaksyon sila sa imbestigador at isang lalaki na sabay trinansak niya na isang oras ang nakalipas sa krimen." Ang sabi ni Atty. Vin Mendoza na sabay bigay sa lahat na ibendinsiya doon sa tagapaghukom.

Lumipas ng ilang buwan ay nagkaroon ng selebrasyon sa bahay ni Atty. Vin Mendoza dahil nabigyan niya ng hustisya ang pagkamatay sa kanyang kaibigan at napalaya niya ang kanyang ama niya siya rin ang akusado.

Kahit ang kasinungalingan ay pwedeng maging katotohanan. Pero may awa ang diyos kaya mananaig pa rin ang tunay na katotohanan. Kapag lalaban ka. Lumaban ka gamit ang batas at utak, wag ang kamao at galit.

Maraming salamat sa inyong patimpalak @steemph.cebu at sa lahat na mambabasa. GOD BLESS STEEMIANS

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jenel being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Ayan nabasa ko na @jenel hehe medyo nabusy talaga kanina.
Hmmm... ayun pala yun! Ang lakas maka Miracle in Cell #7 wala nga lang namatay na akusado. Ayos sya! Naibigan namin

Hahahaha maraming salamat @tagalogtrail hahaha nahirapan kasi ako maglagay ng sequence sa storya kasi wala talaga akong alam sa Law hahaha so nag research po ako at yung kwento ay sa akin talaga hahaha salamat talaga toto hahaha

Hehehe sympre naman!

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 105703.96
ETH 3319.97
SBD 4.12