Bitter No More: Unang Bahagi
BITTER NO MORE
"SALAMAT naman at nakita rin kita!" Nakapamaywang na bungad ni Anchelle nang makita niya ang kasintahan.
Hindi ito umimik sa kaniya at umiiwas din ng tingin.
"Where have you been, Jade? Bakit hindi ka nagrereply sa texts ko. Ni hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko. Pati sa school, 'di na rin kita mahagilap. Tell me, may problema ba?" nag-aalalang tanong niya sa kasintahan.
"I'm just busy with school stuff," maikling sagot ni Jade na nagpasimangot sa kaniya.
"Grabe! Super busy mo siguro, 'no? Ni isang minutong text sa 'kin, 'di mo magawa? Maiintindihan naman kita kung sinabi mo sa 'kin, 'di 'yung bigla ka na lang na hindi nagpaparamdam sa 'kin ng isang linggo!" panghihimutok niya sa nobyo.
"Anchelle, pwede bang mag-usap na lang ulit tayo 'pag 'di ka na galit? At saka pagod din ako, ayoko munang makipag-away."
Matapos nitong sabihin iyon ay tinalikuran siya ng kasintahan.
Gusto man niyang pigilan ang nobyo ay hindi niya magawa dahil natameme siya sa sinabi nito. Parang sinaksak na naman ang puso niya. Lalo na nang tawagin na lang siya nito sa pangalan niya sa halip na iyong tawagan nilang dalawa.
WALA siya sa sarili habang naglalakad pauwi sa bahay nila. Nagtatalo pa rin kasi ang isip at puso niya. Gusto ng puso niyang muling kausapin si Jade at alamin kung bakit ito nagkakaganoon. Subalit gusto naman ng isip niyang umuwi na lang siya at pabayaan muna si Jade total naman ay kakausapin din siya nito kapag maayos na ulit ito.
Kahit nalilito sa gagawin ay nagpasya na lang siyang umuwi muna at kausapin si Jade sa susunod na araw. Ayaw niyang magtagal ang ganoong sitwasyon nilang dalawa. Masyado siyang naaapektuhan sa ikinikilos ng nobyo niya. Gusto niyang ayusin ang relasyon nilang dalawa. Gusto niyang muling maging masaya kapiling ang pinakamamahal niya.
MAAGANG gumising si Anchelle upang puntahan si Jade sa bahay nila. Pagkatapos niyang maligo at kumain ay agad na siyang nagtungo sa tahanan ng nobyo niya.
Ilang katok lang ang ginawa niya at bumungad naman agad ang matandang kasambahay nina Jade.
"Good morning po," bati niya nang makita ang matandang kasambahay. "Ate, nand'yan po ba si Jade sa loob?" nakangiti niyang usisa rito.
"Naku, Hija, kaaalis lang niya," agad na sagot ng matanda.
Napanguso naman si Anchelle at nagtataka kung saan ito pumunta.
"Alam n'yo po ba kung saan ang lakad niya?" muli niyang tanong dito.
"Sa paaralan daw, may gagawin daw kasi silang group project. Bakit? Hindi niya ba sinabi sa 'yo?" usisa rin ng matanda sa kaniya.
Umiling lang siya bilang sagot at biglang nagbago ang mood niya dahil sa narinig.
"Sige, Ate. Salamat po. Itetext ko na lang po siya." Ngumiti na lang siya nang pilit sa kaharap.
Nginitian din siya ng matanda bago ito bumalik sa loob.
MULI na naman siyang naglakad nang wala sa sarili habang nagtataka kung bakit maagang umalis si Jade sa bahay nila. Sabado kasi at pareho silang walang pasok sa araw na iyon. Tuwing Sabado rin silang gumagala at bonding na rin nilang magkasintahan ang araw na iyon. Naguguluhan na talaga siya sa ikinikilos ng nobyo. Masakit para sa kaniya na bigla na lang itong nagbago. Sa loob ng mahigit tatlong taon nilang relasyon ay hindi pa ito kumikilos nang kakaiba na gaya ng ikinikilos nito sa mga nakaraang araw. Kung nagkakatampuhan man sila dati ay si Jade naman mismo ang nagpapakumbaba at sumusuyo sa kaniya.
Iniisip niya na kailangan niyang malaman ang dahilan kung bakit ito biglang nanlamig sa kaniya. Kaya naisipan niyang puntahan ito sa paaralan nila para muling kausapin.
HABANG naglalakad ay iniisip niya ang mga sasabihin niya kapag kaharap na niya ang nobyo. Iniisip niya na rin ang gagawin kapag iiwasan na naman siya nito at muling tatalikuran.
Habang tinatahak niya ang daan ay bigla na lang siyang nanlumo dahil sa nakita. Sa loob ng isang fast food chain ay nakita niya si Jade na may kausap. Ang nakapagpanlumo sa kaniya ay ang masayang tawanan ng mga ito habang nagsusubuan ng French fries. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata habang nababato siya sa kaniyang kinatatayuan.
Dali-dali siyang tumalikod nang mabalik siya sa katinuan. Maglalakad na sana siya palayo habang patuloy sa pagbagsak ang kaniyang luha nang bigla na namang umandar ang pinipigilan niyang pagkamaldita.
Pinahiran niya ang kaniyang luha at muling humarap sa fast food chain na kinaroroonan ni Jade. Dire-diretso siyang pumasok sa loob at biglang umupo sa bakanteng upuan sa mesang kinakainan ng kaniyang nobyo at ng kasama nito.
Nagulat ang dalawa sa pagsulpot niya, ngunit binigyan lang niya ng sarkastikong ngiti ang dalawa.
Itutuloy...
Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:
Bitter No More: Panimulang Bahagi
Araw-araw po ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari bukas.
At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D
Maraming salamat sa pagbabasa! :)
Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!
Hayop na yan, bakit hindi nag-tetext ang pucha! Mahirap ba mag-text? Nakikipag-subuan pa ng fries mga hayop. Suwerte nila kasi hindi ako ang nakakita kasi kung ako isasaksak ko talaga sa mga bunganga nila ang fries na kinakain nila. Mabuti na lang at hindi ako nakakahuli kasi alam ng diyos na kung ano ang gagawin ko. Saka totoong buhay yan? Hehe.
Mga hayop! Hahahhahha. Tawang-tawa talaga ako sa comments mo boss. Hayop talaga ang nagdala e. 😂😂😂
Buti nga hindi ikaw ang nakahuli. At buti rin hindi yan nangyari sa akin. 😁
Haha totoo naman diba? Kaya nga sa PH kapag may nasabing "hayop" EX ko haha. Mabuti na lang din at hindi nangyari sa'yo kasi baka hindi mo kayanin. Aabangan ko at babasahin lahat lahat.
Hahahahha. Sang-ayon din naman ako na hayoooop nga sila. Pero 'yung mga manlolokong ex lang. May mabuting ex din naman kasi. Heheheh. Salamat talaga sa suporta, boss. Yung kwento mo rin, pakituloy na. Heehhehe
Oo nga kaya tinapos ko na agad yung tagalog serye ni Toto para bukas focus na. Hindi ko masasagot kasi huling dalawa ko hayop talaga haha kaloka. Sa bagay baka mayroon ngang mabait kapag tulog nga lang haha joke.
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.