Love At Third Life (A Short Story)

12573706_1528861557412413_1677768882109999554_n.jpg


Tatlong beses silang na-reincarnate. Bakit? Because fate played them. But at the end, though they lose, they had the greatest price. After suffering for hundred of years, at last, they had their love at third life.


Third Person's POV

Sa ospital, binabantayan ni Kheno ang natutulog na si Kana. Nakahiga ito sa hospital bed at ilang araw ng walang malay pagkatapos isugod sa ospital dahil sa sakit nitong wala pa ring gamot.

It's hard for Kheno to see his love suffering from an unknown illness. Yung everytime na magkakasama sila, walang oras na hindi ito napapadaing sa sakit na nadarama. If only he can sacrifice himself, yung siya na lang ang nasasaktan kaysa si Kana.

He's supposed to go out to buy food when Kana woke up. Lumapit siya dito at hinawakan ang kamay.

"Oh, God! Thanks you wake up." pilit na ngumiti si Kana, though, she's having a hard time. Her energy was drained. At kahit, kakagising pa lang niya, pagod agad ang naramdaman niya. It's like her disease drained all her energy.

Kheno's supposed to call a doctor but Kana stopped him. Her face tells that she's going to say something before it's late.

Nabasa ni Kheno ang ibig sabihin ng tingin ni Kana.

''Kana, please kung yun ang tinutukoy mo, huwag. Pakiusap lang. Don't leave me. Ikaw na lang yung taong natitira sa akin. Lumaban ka naman.'' they say, guy should not cry because it's gay. But right now, he doesn't care. He's crying, pleading.

Kana smiled bitterly. ''N-nauulit na n-naman ang k-kahapon.'' pag-iiba ni Kana.

''H-hindi! Hindi ko papayagang mangyari ulit yun. I've waited for long. Marami na akong pinagdaanan para dito. Hindi ako papayag na maghiwalay ulit tayo.'' sumisigaw na si Kheno pero pilit nitong hinihinaan pa rin ang boses. Ayaw niyang masigawan ang babaeng mahal niya. He doesn't want to scare her.

''K-kheno, n-naaalala mo pa n-noon? N-niligtas mo ako...'' sabi ni Kana na inaalala ang nakaraan.

Nasa isang lugar na malapit sa bangin ang kinaroroonan ni Kana. She wants to rest. Iniisip niya ang labanan na nangyayari sa pagitan ng kanilang grupo at ng kabila. She wanted to stop the war. Many people had sacrificed their lives already because of it. Pati na rin ang buhay ng kanyang mahal na ina. Hindi niya nais na maghigante dahil alam naman niya na hindi iyon ang dapat gawin. But she doesn't know what to do.

Napangiti siya nang may paruparung nagpapahinga sa kanyang ilong. Gustong-gusto niya ang mga ito dahil malaya itong nakakalipad sa ibat ibang lugar. Hindi katulad niya na kapag pumunta sa ibang lugar ay maaring kapahamakan ang naghihintay sa kanya.

It suddenly flew away kaya hinabol niya ito.

''Oy! Malapit na ako! Huwag ka namang lumayo.'' she looks like crazy talking to a non-talking organism. Pero bakas sa mukha niya ang tuwa. ''Konti na lang.'' malapit na niya itong makuha pero hindi niya namalayang papunta pala siya sa huling bahagi ng bangin. Isang tapak na lamang niya ay siguradong mahuhulog na siya. '' Ito na--Ahhhhh!'' muntik na siyang mahulog sa bangin kung di lang siya nakakapit kaagad sa isang sanga ng kahoy. She's screaming for help, hoping that someone will hear her and take her away from the cliff.

''Kumapit kang mabuti! Huwag kang bibitaw. Hihilahin kita'' ika ng isang binatang hawak ang kanyang kamay. Hinila nito si Kana pataas. Nang makuha niya, suddenly, she stumbled and both of them fell on the ground. She, on top of the guy who just helped her.

'Kapag minamalas ka nga naman, hindi nga nahulog sa bangin, iba naman ang binagsakan.' sa isip-isip ni Kana.

They stared at each other and both were mesmerized, hypnotized by their expressive eyes.

Though, they felt something in their hearts, they didn't mind it. They were able to come to their senses. Mabilis na tumayo si Kana at pinagpag ang kanyang damit.

"S-salamat. Muntik na!'' she uttered awkwardly. Hindi niya magawang tingnan ang lalaki. After what happened, magagawa pa kaya niya yun?

"Ang daldal mo! Diyan ka na nga'' inis na wika ng binata sa kanya. Tumalikod na rin ito pagkatapos.

"T-teka lang! Oy! Hintayin mo naman ako! Oy!'' sigaw niya sa lalaki. Pero hindi naman ito nakikinig sa kanya. Patuloy pa rin itong naglalakad palayo. Naiinis na siya sa ginagawa nito. She just want to know his name. ''Ah! Ang sungit mo!'' sigaw na lamang niya.

''Ang s-sungit mo noon.'' natatawang sabi ni Kana kay Kheno. '' A-alam mo ba, i-ikaw ang unang taong n-naging kaibigan ko." though, she's a daughter of their tribe leader, people are aloof to her. Walang gustong makipagkaibigan sa kanya. She doesn't know why. She's being nice and kind to others but no one dared to befriend her. And that's what made her sad.

Patay na ang ina niya, hindi din naman siya malapit sa ama. Malayo ito sa kanya dahil narin sa pangunguna sa digmaan. Kay wala siyang mapagsasabihan ng kanyang nararamdaman.

"A-at di ko a-akalain na ikaw rin ang taong i-ibigin ko...'' pagpapatuloy niya.

''Alam mo, ang manhid mo! Nakakainis ka! Ba't di mo maramdamang mahal kita?'' she confessed. Dumating na siguro sa puntong nababanas na siya sa pagiging manhid ni Kheno. She's been expressing her love for him. Pero ang binata, parang bato na walang nararamdaman.

''Hindi ako manhid. Mahal din kita. Yun ang totoo. Pero, hindi tayo pwede. Patawad.'' mahinang sabi ni Kheno. Alam niyang hindi maaari ang pagmamahalan nilang dalawa. Dahil marami ang hahadlang. Masakit man kay Kheno, tinalikuran niya ang babaeng minahal niya noon pa man. Masakit yung nararamdaman mong mahal ka niya, pero wala kang magagawa kundi ang magpakamanhid para iligtas siya. It's painful. Yung hindi pa nga nagsisimula ang kwento, tapos na agad.

Walang nagawa si Kana kundi umiyak lang nang umiyak. Hindi naman siya makagalaw dahil parang namamanhid ang buo niyang katawan. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ni Kheno sa sinabi nitong 'hindi pwede'.

''A-ang sakit nun. H-hindi ko alam bakit. I-iniwan mo na lang ako bigla. H-hanggang sa n-nalaman ko na...'' suddenly, a tear fell from her eye.

''M-magkaaway tayo? Isa ka sa kanila?'' she was shocked. Ang tinutukoy nito ay ang kaaway na tribu ng kanila ring grupo.

''Oo. Patawad. Mahal kita pero mapapahamak ka lang kung ipagpapatuloy pa natin to.'' pagtatapat ni Kheno sa katotohanan. Kahit alam na ni Kana, nabigla pa rin siya sa pagkumpirma ni Kheno.

''Bakit di mo sinabi sa akin? Bakit ngayon lang?'' she asked him angrily. She hates him for lying, gor making her stupid.

Truth really hurts. Masakit malaman yung totoo na hindi sila pwede. And what's hurt the most is, yung mahal pa niya ang nagsinungaling sa kanya, ang nanloko, ang kalaban niya.

''A-ayokong kamuhian mo ako." sagot ni Kheno na nakayuko. He doesn't know what to do. Hindi niya gustong malaman ni Kana ang totoo. But no secret remained unrevealed.

''Hindi tayo p-pwede. Pero i-ipinagpatuloy ko pa rin kahit na i-kamatay ko pa. K-kaya lang, di tayo nagtagumpay. N-nahuli nila tayo...'' Kana continued.

''Mga taksil! Kaaway natin siya, Kheno! Ba't siya pa ang minahal mo? Hindi maaari to. Mapaparusahan ka dahil dito. Kailangan niyang mamatay.'' Krishia hysterically said. She'll not allow Kheno to be killed. She loves her brother at ito na lang ang natitira sa kanya. Hindi niya mapapayagang mawala pa ito sa kanya.

She ran towards Kana who looked shock and stiff. Handa siyang patayin ang babaeng mahal ng kapatid niya just to save him from punishment, worst is death.

''Huwag!'' sigaw ni Kheno. He ran to Kana to save her but it's too late. She was stabbed in her heart. Maraming dugo ang umagos dito. He knew he can't save her anymore. May lamang lason ang punyal na ginamit ng kanyang kapatid.

Kana's gone. Kana's dead. She left him already.

''At n-namatay ako...'' Kana uttered bitterly. Her tears are falling down from her eyes. Parang may sariling buhay at ayaw magpapigil, gustong lumabas.

''Patawad. Hindi kita nailigtas noon.'' nakayukong sabi ni Kheno. He hate himself, too, for doing nothing.

''N-nakaraan na yun'' she looked at him and wipe his tears away.

''At ngayon... muli t-tayong nabuhay. N-nagkita na naman tayong muli...'' ipinagpatuloy muli ni Kana ang pag alala sa nakaraan.

''Ayoko na! Magpapakamatay na ako! Wala nang silbi ang buhay ko!'' Kana screamed. She's ready to jump from the bridge and end her meaningless life.

''Miss! Huwag! Huwag mong gawin yan. Isang kasalanan ang magpakamatay.'' a guy told her. He slowly walked toward her to take her away from the bridge.

''I-niligtas mo muli ako. Tagapagligtas t-talaga kita. P-pero ngayon, sadyang may mga bagay talaga na di natin m-mapigilan. M-minahal ulit kita...'' she smiled.

''Ikaw ang buhay ko. At di ako kailanman magmamahal ng iba dahil ikaw lang, wala nang iba pa.'' Kana confessed. She knows that it's love. Kahit konting panahon lang iyon, alam niyang si Kheno ay para sa kanya.

''Mahal din kita. Ikaw lang din, Kana.'' nakangiting sabi ni Kheno sa kanya.

Hindi na alam ni Kana kung ano ang susunod na gagawin. Basta ang alam niya lang, masaya siya dahil mahal din siya ng taong mahal niya.

"Salamat, Kheno'' she hugged him tightly.

''H-hanggang sa b-bumalik ang alaala natin. P-pinagpatuloy natin ang nakaraan. At masaya akong malaman na i-kaw pa rin. Pero ngayon, kahit nabigyan tayo ng p-pangalawang buhay, hindi pa rin n-natatapos ang lahat. M-mawawala na naman ako sayo...'' he wanted to scream out loud. Masakit. Napakasakit. Parang pinaglalaruan lang sila ng tadhana. Nung nakaraan nilang buhay, pinaghiwalay sila. Tapos ngayon, gagawin na naman ng tadhana. And they know that they can't do anything about it.

Nabigyan nga sila ng pagkakataong magkasama muli pero alam naman nila na sandali lamang iyon dahil sa sakit ni Kana.

''H-huwag mong sabihin yan. Hindi pwede! Hindi ko kaya, Kana!'' he held her hand tightly. He's scared of losing her. And it hurts. Watching her, pleading, to let her go. Naninikip ang dibdib niya. Hindi niya kaya.

''T-tanggapin na lang natin ang katotohanan. Na hindi tayo magkakasama ngayon. A-alam kong meron pang iba diyan na para sayo. Ipagpatuloy mo ang buhay mo kahit wala na a-ko...'' she lied. Yes. Hindi niya gustong makitang may minamahal na iba si Kheno. But she's not selfish. She doesn't want him suffer and mourn for her for the rest of his life. Kaya kahit mahirap, kahit masakit, tatanggapin niya.

"Ayoko! Huwag! Kana, pakiusap. Huwag mo naman akong iwan.'' pinikit niya ng mariin ang mga mata. He's still hoping. Bakit ba gusto siyang iwan ni Kana? Doesn't she love him anymore?

"Tandaan mo, ikaw lang, Kheno. Mahal kita. W-wala nang iba pa. M-maging matapang ka. Manalig ka sa Kanya. Marami pa ang nagmamahal sayo. At a-alam kong malulungkot sila, kung pati ikaw mawawala...'' pilit pa ring kinakaya ni Kana na makapagsalita. Masakit man sa kanyang iwan si Kheno. Pero kasi, di na niya kaya.

"K-kana...'' Kheno beg for the last time.

"Di ko na kaya, Kheno. H-hanggang dito na lang talaga ako...'' ngumiti ulit ng mapait si Kana. Tinitigan niya nang mabuti si Kheno dahil gusto niyang madala niya iyon sa kabilang buhay. Maalala niya ang mukha ng kanyang mahal.

"Sana, Kana, sa huling pagkakataon, magkakasama tayong muli. Sana pagbigyan Niya ako. Yun lang ang hinihiling ko. Mahal ko...'' hiling ni Kheno. Hindi na niya kaya pang pigilan si Kana sa gusto nito. Alam niyang sasaya si Kana. Nahihirapan din naman siyang makita itong nahihirapan. Kaya hinayaan na lamang niya si Kana.

"P-paalam, Kheno. Hanggang sa muli. I love you...'' huling mga salitang sinabi ni Kana. Pagkatapos niyon, dahan dahan niyang pinikit ang kanyang mga mata. Nakangiti siya dahil alam niyang tanggap na ni Kheno. Sana nga lamang ay maging masaya ito kahit wala na siya.

Unti unting nawawalan ng buhay si Kana. Kasabay ng pag ihip ng hangin, ang pagkawala niya at ng kanyang katawan. Walang naiwang kahit ano maliban sa suot nitong puting damit sa ospital.

Umiyak lang nang umiyak si Kheno. Tanggap man niyang wala na si Kana. Hindi niya pa rin mapigilang masaktan dahil wala na ang nag-iisang taong hinangad niya ilang daang taon na ang nakararaan. And now, he was left alone.


Makalipas ang isang taon...

Dinalaw ni Kheno ang lugar na dati nilang pinupuntahan ni Kana. He still remember everything, the memories they've shared together.

"Isang taon na ang lumipas, ang sakit pa rin. Hindi ko magawang kitilin ang buhay ko dahil sa pakiusap mo. Pero sana, kunin na Niya ako. Para makasama na kita. Kana, mahal na mahal pa rin kita...'' tumutulo lang ang luha ni Kheno. Wala siyang pakialam kung tinitingnan siya ng ibang tao. Hindi nila alam kung ano'ng nararamdaman niya.

Naglalakad si Kheno na wala sa sarili. Hindi niya alam kung saan pupunta. Since Kana died, wala nang kabuluhan ang buhay niya. He's like a living zombie. Yung hiling na lang ni Kana ang pinanghahawakan niya.

Namalayan na lamang niyang unti-unti siyang lumulubog sa tubig. He can still hear the panic voices of people.

Nabangga siya habang tumatawid at tumilapon sa tubig sa ilalim ng tulay. Ang pinuntahan niya kanina ay ang lugar kung saan una silang nagkita ni Kana sa ikalawang buhay. It's funny to think na dito sana magpapakamatay si Kana. But at the end, siya pala ang mamamatay sa lugar na ito.

Muli niyang inalala ang nakaraan. Ang mga panahong kasama pa niya si Kana.

"Di ko akalain na magkikita tayong muli, Kheno. Masaya ako dahil naalala kita kahit lumipas na ang ilang daang taon. Sana maging masaya na tayo. Ikaw ang kaligayahan ko. At di ko kakayanin kung mawawala ka sa akin muli. Mahal kita...'' Kana.

  • 'Salamat. Salamat at tinupad mo ang kahilingan ko. Kana, patawad, hindi ko na maipagpapatuloy pa ang buhay ko. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa mabuhay nang wala ka. Hindi ko pagsisisihan ang gagawin kong ito. Suko na ako. Mahal ko, konti na lang. Susunod na ako sayo. Magkakasama na tayo...' nasa isip niya. Unti unting pinikit ni Kheno ang kanyang mga mata. Alam niyang mayroong mga taong nais pa siyang mabuhay pero hindi na niya inisip iyon. Alam niyang pagiging makasarili ang pinairal niya ngayon. Pero maiintindihan naman siguro nilang kagustuhan niyang makasama na si Kana.*

Isang daang taon ang nakalipas. Sa isang burol...

''Oy! Ano ba! Tumigil ka! Kailangan kita eh! Sandali lang naman. Di naman kita sasaktan. Huhulihin lang, hehe.' hinahabol ni Kana ang isang paru-parung nakita niya sa lugar na kanyang pinuntahan. She needs it for her experiment. She's already 18 years old and taking up BS Biology.

''Malapit na ako. Ayan na! Huli ka--aaaaaah! TULONG! TULONG!'' sigaw ni Kana. Hindi niya namalayan na delikado pala ang lugar na pinuntahan niya. Pagtapak niya ay bigla na lang siyang nahulog. Napakapit siya sa isang sanga na nahawakan niya agad.

''Kumapit kang mabuti! Huwag kang bibitaw! Hihilahin kita!'' sigaw ng isang binata na ngayon ay hinihila na si Kana pataas. Nang makasigurong ligtas ay humarap siya sa nagligtas sa kanya.

Hindi niya mapigilang matulala sa kakisigan ng binata. Pero pinigilan niya ang kung anumang nararamdaman niya sa binata.

'Ghad! First meeting pa lang, lalandi agad ako?!' sa isip ni Kana.

''S-salamat! Muntik na!'' sabi na lamang ni Kana. Hinang hina pa rin siya. Hindi niya akalain na muntik na siyang mamatay dahil sa kanyang kapabayaan.

"Ang daldal mo! Diyan ka na nga!'' inis na sabi ng lalaki. Ayaw niya ng maingay.

"T-teka lang! Oy! Hintayin mo naman ako! Oy!'' sigaw ni Kana na hinahabol na rin ang binata. Pero di siya nito pinansin. Nainis siya sa inasal nito. ''Ah! Sungit!'' sigaw muli ni Kana.

Nagulat si Kana sa sinabi niya. Para bang nangyari na ang pangyayaring iyon. Napansin niya rin na natigilan ang binata at lumingon ulit sa kanya.

''Teka lang. Parang...'' Kheno.

''Nangyari na ito.'' dugtong ni Kana sa sasabihin sana ng lalaki.

"Paano mo n-nalaman?'' naguguluhang tanong ni kheno.

"Niligtas ako ni Kheno...'' wala sa sariling sabi ni Kana.

"I-ikaw si K-kana?'' gulat na tanong ni Kheno. Nasa isip niya ay paano nalaman ng babae ang pangalan niya.

        '

''Panaginip... panaginip ko...'' wala pa rin sa sarili si Kana. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.

''Panaginip natin na naging totoo...'' dugtong ni Kheno.

"Hindi. Lahat ng yun, totoong nangyari... noon.'' bigla na lamang nasabi ni Kana. Bigla niyang naalala lahat. Lahat ng mga nangyari sa nakaraan. Ang buhay niya kasama ang isang lalaki. '' Ikaw yun...'' ngumiti siya. ''Nagkita tayong muli... mahal ko'' naluluhang sabi ni Kana.

"Tinupad niya ang hiling natin...'' Kheno.

Tumakbo si Kana kay Kheno at bigla niya itong niyakap. Mahigpit na mahigpit.

"Kheno, natapos rin lahat. Sana naman maging masaya na tayo ngayon.'' Kana

"Hmmm. Basta ba di mo na ko iiwan pa.'' nakangiting sabi ni Kheno na yumakap na rin kay Kana.

"Di na! Ito na ang huli at ang simula ng bagong pag- ibig natin sa ikatlong buhay.'' Kana.

"Salamat at nakita kitang muli'' Kheno.

"Ako rin. Hindi na tayo maghihiwalay pa, kailanman.'' Kana.


P.S. I got goosebumps after writing this. Haha!

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 94309.43
ETH 3309.61
USDT 1.00
SBD 3.28