Literaturang-FIlipino: Ang Pagkabuhay ng Patay

boy-340313__340.jpg
IMAGE SRC

Napakaingay ng bayan ng Escolta. Tsismis dito, tsismis doon. Ang dahilan ng lahat ng ito ay dahil sa kababalaghang naganap sa lugar na ito, ang patay ay muling nabuhay.

Si Mel, isang 7 taong gulang na batang lalake ay namatay. Di makapaniwala ang pamilya sa dahilan. Noong sabado, alas 8 ng umaga, nagulat sila nang hindi gumising si Mel at nang hinawakan ito ay hindi na humihinga. Buti nalang at hinintay nila ito ng dalawang araw baka sakaling mabuhay ang bata.

Nagulat ang pamilya nang nagtatae ang bata sapagkat patay na ito. Lumapit sila sa albularyo, at sabi ng albularyo ay wag niyong ilibing ang bata, sapagkat babalik pa ito.

Maraming tao ang pumunta sa bahay nila. Marami rin ang natakot dahil sa di kapani-paniwalang pangyayari na iyon.

Pagsapit ng ikalawang araw, nagulat ang lahat nang makita nila ang pagbangon ng bata. Di kapani-paniwala ang pangyayaring iyon.

Sinabi ng bata kung ano ang nangyari sa kaniya. Sabi ni Mel, kinuha daw siya ng isang matandang lalake, na may mataas na balbas. Dinala siya sa impyerno at ipinakita ang kalagayan doon. Maraming kaluluwa ang umiiyak. Napakainit din daw ng impyerno. Ang mga taong mapupunta sa impyerno ay wala ng pag-asa na makapunta sa purgatoryo at sa langit.

Dinala naman siya sa purgatoryo. Maraming espiritu ang humihingi ng tulong sapagkat gusto nilang makapunta sa langit. Ang kalagayan din daw ng purgatoryo ay may katamtamang init ngunit hindi masaya ang mga kaluluwang napunta roon. Malaki din ang pagkakataon nilang makapunta sa langit.

Kasunod naman ay pinasyal siya sa langit.Napakaganda talaga doon. Nakita niya kung gaano kasaya ang mga kaluluwang napunta roon. Paraiso kung ma ihahalintulad niya ang langit.

Ang mga taong nakinig sa sinabi ng bata ay natakot, natakot na mapunta sa impyerno. Marami din sa kanila ang napagtanto sa mga maling gawi nila.

Simula noon, ang kababalaghan na iyon ang nakapagbabago sa buhay ng mga taong naninirahan sa bayan ng Escolta.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 100536.03
ETH 3616.02
USDT 1.00
SBD 3.12