Literaturang Filipino- Ang Pangarap sa Buhay

1.jpg

P-A-N-G-A-R-A-P.

Walong letrang salita na may malalim na kahulugan. Minsan pinagplaplanuhan ng maayos at minsan hinaharap ng padalos dalos. May mga parangap na kasing simple ng abakada at meron ding mga pangarap na umabot na ng dekada.

thumb-1302015-work-and-hobby-icons-600x430.jpg

Sa dami ng pwedeng paglaanan ng interes sa panahon ngayon, marami na ding pwedeng pagpili.an. Ang iba ay madaling nakakahanap, ang iba naman ay hindi binibigyan ng importansya ang kanilang hinaharap.

Multiple-Intelligences-300x223.jpg

At sa pagkakaintindi ko, may dalawang klase ito: ang PANGARAP na kasali sa dahilan ay ang ibang tao katulad ng minamahal sa buhay.

family-1.jpg

O ang PANGARAP na hinahangad na magkaroon ng magandang pamumuhay.

imagesIYGQD74L.jpg

Pero kahit ano pa man ang depinisyon mo sa salitang yan, isa parin ang patutunguhan, ang makamit ang mithiin.

At isa rin ako sa mga taong naguguluhan sa dami ng pwedeng gawin, dahil sa dami ng gusto ko ring matutunan. Sa henerasyon ngayon, mas marami ang oportunidad upang mahasa ang mga talento ng isang tao. Ang mga talento rin ang parang gasolina na pagpapatakbo ng mga pangarap.

retener-el-talento-en-2015.jpg

Kaya gusto kong mas matutunan ang mundo ng sining, mula sa pagkuha ng mga litrato, paggawa ng mga bagay bagay na pwedeng gamitin ng mga tao, katulad ng sinturon, mga palamuti sa buhok, hanggang pagsusulat, katulad ng mga nasa baba:

13592205_1117817164928768_4744618502961002008_n.jpg

IMG20161230160417.jpg

(A/N :Kailangan pa ng madaming pagsasanay)

Ang aking pangarap ay hindi lang para sa sariling kaligayahan ko, dahil alam kong magagamit ko din ito sa tamang panahon. Sa madaling salita, para hindi masayang ang ibinigay ng Panginoon sa akin na mga talento.

Ang tanging pangarap ko ay kung ano man ang makamit ko, ay magamit ang mga ito upang makatulong at magbigay ng kaligayahan din sa ibang tao, at lalong lalo sa mga gawain na ibinigay ng Panginoon.

GettyImages-166135659.jpg

Ang daan patungo sa mga pangarap ay magkahalong hirap at saya. Ang walong letra ng salita na ito ay pagbinaliktad ay simbolo ng walang hanggan.

infiniti.jpg

Nasa iyo ang desisyon kung magtatagal ito o may hangganan. May kasama ka man o mag-isa, kahit ano man ito, ito pa rin ang nagbibigay ng saya sa puso at ngiti sa mukha ng ibang tao.

Smiles-Smile-Yellow-Wallpaper.jpg

Salamat sa pagbabasa ^_^

Ang ibang litrato ay galing sa : Google

Sort:  

Simple but meaningful,. thanks for sharing this @ghentlerfaith.. ^^

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.19
JST 0.036
BTC 92920.99
ETH 3299.26
USDT 1.00
SBD 3.81