Literaturang Filipino: "Pananampalataya"

Mahirap maniwala sa mga imposible pero hindi sa isang bata na lumaki sa komunidad ng mga mananamplataya. Ika ng sa kaniyang pamilya ay walang imposible sa Maylikha at sa taong mataimtim na nananampalataya.

Si Jay at ang kanyang pamilya ay kilala na deboto sa Batang Hesus. Walang araw na Linggo ang pinapalampas nila na hindi nagsisimba. Ang kanyang lolo ay isang akolito ng simbahan at ang kanyang ina naman ay katukatulong sa kumbento. Kaya ganoon na lang sila ka aktibo marahil pero dahil din sa kanilang pagkamaka-Diyos.
altar-boy-1172266_960_720.jpg
https://pixabay.com/en/altar-boy-alms-church-statue-1172266/
Isang araw napagpasyahan ng mga magulang ni Jay na bumukod na sila mula sa tahanan ng kanyang lolo. Habang ginagawa ang kanilang bahay, sa kalikutan ni Jay ay nasagi niya ang pintuang gawa sa antigong kahoy na sobrang bigat. Natumba ito papunta sa kanya dahil hindi pa ito nakakabit sa tarangkahan nila. Nagtulong pa ang kanyang lolo at ama upang buhatin ito para masaklulohan si Jay. Isang malaking himala ng nangyari, walang naging anumang bali o galos ang bata. Ayon sa kanyang lolo ito ay gawa ng kanilang pananampalataya sa Diyos. Samot-saring mga himala at mga biyayay ang kanilang natanggap mula sa Diyos.

Nagbinata na si Jay at naging isang sakristan siya ng simbahan. Katulad ng kanyang lolo, nagsisilbi siya sa simbahan ng taos-puso. Parehang nabusog ang kanilang mga kaluluwa sa mga aral na kanilang natututunan mula sa simbahan. Isa na rito ang pananatiling matatag sa mga pagsubok ng buhay. Ngunit sa isang araw ay hinimatay ang kanyang lolo. Ito ay dahil sa katandaan nito pero hindi doon nagtatapos ang kanilang pagsubok. Dahil sa mahinang pangangatawan ng matatanda ay nagkakumplikasyon ang kanyang lolo at ito ay napakalubha.

Sabi ng doktor na may dalawang buwan humigit kumulang na lang ito. Tanging nasa isip ni Jay ay ang kumapit sa kanilang debosyon sa Maykapal. Araw at gabi siyang nagdasal nang nagdasal na sana gumaling ang kanyang lolo ngunit walang nangyari. Isang araw umuwi si Jay sa bahay ng kanyang lolo na umiiyak at galit. Sinumbatan niya ang Diyos kung bakit ayaw ibigay ang kanyang ninanais. Nadinig naman ito ng kanyang lolo at sinabing may rason ang Diyos kung bakit lahat ito nangyayari. Pero ayaw makinig ni Jay at patuloy niyang kinikwesyon ang Diyos dahil dito. Pumanaw ang kanyang lolo at lalong tumihis ang landas ni Jay dahil sa pagkawala ng kanyang pananalig.
stock-photo-bifurcation-of-a-path-in-forrest-336157508.jpg
https://www.shutterstock.com/image-photo/bifurcation-path-forrest-336157508?irgwc=1&utm_medium=Affiliate&utm_campaign=Hans%20Braxmeier%20und%20Simon%20Steinberger%20GbR&utm_source=44814&utm_term=
Hindi na si Jay ang dating kilala. Hindi na ito nagsisimba tuwing Linggo sa halip ay gumigimik na ito kung saan-saan. Isang gabi habang natutulog si Jay, lumitaw ang kanyang lolo sa kanyang panaginip at sobrang saya ni Jay pero ang kanyang lolo ay tila malungkot. Sinabihan si Jay nang kanyang lolo na magbalik loob sa Diyos dahil labis na nag-aalala na ito sa kalagayan ng apo. Nagising si Jay mula sa panaginip at napagtanto na mali ang kanyang mga nagawa. Muli siyang nagbalik sa Diyos at naging masagana ulit ang kanyang buhay dahil dito. Naisip niya na ganoon din ang kanyang lolo sa langit, masayang nagmamasid sa himalang nangyari sa kanyang paniniwala.

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by ejnavares being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 94692.02
ETH 3236.92
USDT 1.00
SBD 3.29