Literaturang Filipino: "Ang Mahika ng Pagmamahal ni Lolo"

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)

Bata pa lang si Ed ay nais na niyang maging doktor. Gusto niyang makatulong sa mga may sakit. Naingganyo siyang manggamot dahil sa musmos niyang edad na apat na taong gulang ay kasakasama na niya ang kanyang lolo Pepe na isang albularyo. Malapit sila sa isa't-isa na parang matalik na magkakaibigan. Mabait na bata si Ed kaya nakita ng kanyang lolo na magiging magaling na manggagamot ang apo.
be-511557_960_720.jpghttps://pixabay.com/en/be-being-presence-here-now-spirit-511557/
Isang araw habang namumundok ang maglolo ay biglang inatake sila nang mapakaraming bubuyog. Nagtakbuhan ang maglolo para hindi makagat ng mga bubuyog pero nadapa si Ed at nakagat ng mga bubuyog ngunit agad namang nasakluluhan ng kanyang lolo. Ginamot si Ed ng kanyang lolo. Ngunit nang sila ay nauwi mula sa bundok ay nadatnan nila ang mga magulang ng apo upang ito ay kunin at dalhin sa lungsod upang doon na manirahan. Nalungkot si lolo Pepe sa pasya ng mga magulang ni Ed. Tanging hiling niya ay makasama muna ang apo kahit isang gabi man lamang at pinagbiyan naman siya. Habang natutulog ang apo ay pinagmamasdan ito ni lolo Pepe habang umiiyak. Nagising si Ed dahil dito ngunit walang kaalam-alam bakit umiiyak ang lolo. Niyakap at may ibinulong si lolo Pepe kay Ed at nakatulog ulit ang apo. Dumating kinabukasan ang pag-alis ni Ed at parehong nalungkot ang maglolo.

Dahil sa musmos pa niyang edad noon ay unti-unting nakalimutan ang naging buhay kasama ang lolo. Lumaki si Ed at nag-aral ng kolehiyo sa kurso ng medisina. Nagtapos siya at naging doktor. Naging isang doktor na tanging pinaniniwalaan ay siyensya at mga siyentipiko lamang.
doctor-1149149_960_720.jpghttps://pixabay.com/en/doctor-dentist-dental-clinic-1149149/

Isang araw habang papunta sa trabaho ay muntikan na siyang mabunggo ng motor pero tila may humila sa kanyang bag kaya nakaiwas siya ngunit wala naman tao sa likod niya. Nagsawalang kibo lang siya noon. Ilang beses na siyang naaksidente sa araw na iyon pero wala namang nangyayari sa kanya. Umuwi siya sa bahay at nalaman na naghihingalo na ang lolo sa probinsya. Pumaroon agad si Ed upang nakita ang lolo at nadatnan niya na nakaratay sa lantay. Sobrang saya ni lolo Pepe nang makita si Ed at nikayap ng apo ang lolo. Sinabi ni Ed na dadalhin niya siya sa lungsod upang doon gamutin. Pero tinawanan lang ni lolo Pepe si Ed sabay sabing hindi niya kayang gamutin ang sakit nito at sa halip ay maniwala sa sekretong sasabihin. Kaya parating nakakaligtas sa disgrasya ay dahil sa mahikang binalot sa kanyang simula noong bata pa ito upang ilayo sa kapahamakan palagi. Ayaw maniwala ni Ed ngunit siya ay nakumbensi nang ilahad nang lolo ang bawat sakuna na nalagpasan nang apo ng ligtas. Bago pumanaw ang kanyang lolo ay may habilin ito na manatiling mabait at matulungin upang hindi mawalan ng bisa ang mahika.stock-photo-grandfather-with-grandson-gardening-together-635797778.jpg

Sa tuwing tayo ay nakaka-ingkwentro ng mga di maipaliwanag na bagay o pangyayari, tayo ay nagkakaroon ng napakaraming katanungan na nais nating bigyang kasagutan. At ito ay naka depende lamang kun saan tayo naghahanap ng sagot at ano ang gusto nating paniwalaan.

Sort:  

Ayun! May likha ka din, iniisip ko kung ano na ang nangyari at hindi ka sumali sa patimpalak noong nakaraang Linggo. Gayun parin mahusay ang pagkakagawa mo ng kwento ngayon. Parang guardian angel si lolo Pepe dito.


Salamat sa pagsusulat ng Tagalog :) Nga pala pwede ko bang i-share ito sa aking FB Page?

Nakasumite ako noong nakaraan kaso di nanalo. HAHAHA sana ngayon.

Haha hindi ko napansin yon. Ay busy nga pala ako last week gawa nung clearance sa school.

Okay lang. Sa tingin ko naman marami ang magaganda doon sa nakalipas at deserving yung gawa nong nanalo. :)

Oo basta gawa ka parin pang contest o kahit pang post minsan sa steemit. Nga pla pwede ko bang i share yung gawa mo sa FB page ko?

Okay lang. Salamat sa inyong suporta . Ako poy nagagalak ng labis.

Wala pong anuman nako ako po ang dapat magpasalamat sa pagpapahintulot ninyo na ipost ko sya sa aking FB Page

Congratulations @ejnavares! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published
Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Do not miss the last announcement from @steemitboard!

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by ejnavares being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 94692.02
ETH 3236.92
USDT 1.00
SBD 3.29