Literaturang Filipino: Ang Alamat ng Paniki

"ANG ALAMAT NG PANIKI"
2018-03-08-09-07-23.jpg

Noong unang panahon kung saan lahat nang hayop na panghimpapawid ay magkakasama pang naninirahan. May isang lahi ng nilalang na kung tawagin ay paniki. Sila ay namamahay sa napakalaking puno na kilala bilang punong pugad sa dulo ng pangpang. Ito ay pinangungunahan ng lipon ng mga kuwago bilang mga tagapayo. Habang ang mga agila ang siyang pinuno sa sandatahang hukbo. At ang mga paniki naman ang nagsisilbing mga sundalo.
Upang makakain ang buong pugad, tuwing umaga naatasan ang hukbo na maghanap ng pagkain na may karagdagang habilin,
"Sa ibinigay na misyon,
Huwag magpadala sa emosyon.
Gampanan ang utos,
At huwag magpadalos-dalos."
ang sabi ng lipon ng mga kuwago.

"Huwag makipaghalubilo sa kung sinu-sino,
Upang hindi agad maluko.
Sa lahat ng oras maging aktibo,
At mapagmatyag segu-segundo."
dagdag naman ng mga agila.

"Oo!" malakas na sigaw ng mga paniki.

Dumayo na sa gubat ang hukbo upang maghanap ng makakain. Maigi nilang nilipad ang himpapawid at nakita ang kumpol ng pagkain sa may patay na puno. Pinuntahan nila ito agad at dali-daling naghakot. Habang naghahakot hindi namalayan ng isang paniki na medyo lumayo na siya sa grupo at masyado na siyang malapit sa masukal na damuhan nang biglang natabunan ng mga tuyong dahon. May tumulong sa kanya na lobo at bilang pasasalamat ay nagpasya siyang makipag-usap muna. Napahaba ang kanilang usapan. Walang kamalaymalay ang paniki na nabanggit pala niya ang lokasyon ng kanilang pugad sa kanilang usapan. Tinapos ng lobo na may galak ang kanilang usapan at nasagi naman sa isip ng paniki ang kanyang misyong ginagampanan. Lumipad ang paniki na walang kaalam-alam na pakana lang pala lahat iyon ng lobo upang makuha ang kanyang tiwala at matunton ang kanilang pugad.
Kinabukasan, inatake ang punong pugad ng napakaraming lobo at ahas. Mabuti nalang ay madaling nakalipad palayo ang lahat. Inembistigahan ng lipon ng mga kuwago kung paano sila natunton, at naiturong salarin ang mismong paniki na nauto ng lobo.

"Ako po ay patawatin,
Bagkus muntikan na tayong makain.
Ako naman po muntikan na rin."
pahayag ng paniki.

"Ikaw na ay naaabihan,
Na huwag nakipag-usap sa kung sino man.
Dahil sa iyong kapabayaan,
Ikaw ay nalamangan."
ang sagot ng agila.

"Kayo ay parurusahan,
Kahit isa lang sa inyo ang may kasalanan.
Kayong lahat isusumpa,
Dahil sa isang kasalanang nagawa."
mungkahi ng lipon ng mga kuwago.
2018-03-08-09-05-27.jpg2018-03-08-09-08-37.jpg

Isinumpa ang lahi ng mga paniki. Ang dating anyo ay naglaho. Kanilang tuka na matulis ay nawala, pati mga balahibong magaganda ngayon ay naging balat na mabuhok. Naging kahawig lobo na nakilala, dahil sa hiya sa gabi na lang lumalabas. Pati sa pagtulog ay nakatiwarik at tinatakpan ang mukha.

Sort:  

Ang husay ng iyong pagkaka likha @ejnavares salamat sa isang nakaka galak na pyesa sa patimapalak ng steemph-cebu nawa'y magtagumpay ka.

Gustong-gusto ko yung parte na kung saan isinama mo ang tula sa kwentong ito.

Salamat po sa papuri. Ako po ay labis na nagpapasalamat dahil iyo pong nagustuhan.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 95076.63
ETH 3277.51
USDT 1.00
SBD 3.26