Silang mga Po-Ta (Politikong Artista)

image
Isa, dalawa, tatlo, aksyon!
Aksyon sa harap ng kamera o aksyon sa pagtuklas ng solusyon?
Solusyong makatotohanan, di pang telebisyon lamang
Mga politikong pang masa, bayan ba'y patuloy na aasa?
Sa mga mabulaklak na pangako, sa telebisyo'y ihahango
Sa likuran ng kamera, mga pangakong hinango'y ipapako

Patuloy bang magbubulagbulagan?
Sa mga pag arte't pag ngiting puno ng kababalaghan?
Sa mga pagiyak at pagtawang walang kabuluhan?
Sa mga adbertismong walang kahulugan?
Sa mga proyektong walang katuturan?

Bayan kong sinta, kailan ba matututo?
Sa mga pag arte'y tayo'y wag mauto

Sa pagpili ng lider, tayo'y maging alista
Maging mapanuri sa pagpili sa balota
Baka tayo'y mabiktima nilang mga pota

Sort:  

Matapang at mapangahas po ang tulang ito kuya @artbyadrian pero tama ang inyong punto, may mga pulpolitiko talaga na wala namang alam sa kung paano tumatakbo ang pulitka sa bansa at wala namang magawa panay pag papabebe lang. Minsan naiisip ko ang politika at showbiz talaga ay magka konekta ng lubusan. Kung sino ang sikat siya ang may kapangyarahan at may tyansa na mamuno.

Maraming naghihirap na Pilipino dahil kinulimbat ng mga politiko ang pondo na pwedeng gamitin pangtulong sa naghihikahos. Sa kabilang banda "Ayos lang isang ngiti lang ni Bae ayos na ang lahat kakayanin ang hirap" ( Majority ganyan lintik)

Oopps napadami ang sinabi ko.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 94224.50
ETH 3330.99
USDT 1.00
SBD 3.51