# Literaturang Filipino: "Kwentong Tagumpay na Magtatagumpay pa"
Ako po si Arpie D. Desabille a.k.a @arpiethesurvivor.
Bata pa lang ako napakatayog na ng aking pangarap para sa pamilya at sa sarili ko. Akoy ipinanganak sa Bacolod City at kinalaunan ay lumipat kami sa isla na Bantayan probinsya ng Cebu,doon na nag aral ng elementarya at high school.
Fast forward:
Noong akoy nag high school dun nagsimula ang pagtaas ng kumpyansa ko sa sarili ko, dahil palagi akong sumasali sa mga patimpalak na ginaganap sa aming paaralan. napakataas ng tingin ko sa sarili dahil maraming nakaka-kilala at nagkakagusto sa akin dahil sikat ako sa aming campus. Subalit ang lahat ng karanasang iyon ay biglang nagbago at bumaliktad ang mundo ko dahil sa dami ng unos na dumating sa aming pamilya.
Namatay ang lola ko at ilang araw ang nakalipas naaksidente naman ang Ama ko sa kanyang trabaho. Masyadong masakit at napakasalimuot ng pangyayaring iyon na parang gumuho ang mundo ko pati ang pangarap ko. Diko maisip kung kaya paba naming bumangun sa matinding problema sa aming pamilya. Nakadagdag pa nang inatake at nagka-stroke ang mama ko.
First year college pa ako at dahil sa pangyayaring iyon napilitan akong tumigil sa pag aaral. Lumuwas ng Cebu at naghanap ng trabaho at sa awa ng diyos akoy natanggap at nakapagtrabaho sa isang mall. Ako'y nagtrabaho sa loob ng anim na buwan. Sumubok ako ng ibang linya at nag aral ako sa TESDA at kumuha ng Welding at Piping na kurso. Pagkatapos ng training madali akong naghanap ng trabaho at sa awa ng diyos akoy natanggap sa isang construction company sa Cebu.
Ako'y dinistino sa Subic,Zambales sa loob ng dalawang taon. Dugo't pawis ang pinuhunan ko makatulong lamang sa pamilya, isinantabi ko ang pansariling kapakanan ko dahil sa pagmamahal ko sa magulang ko. Masakit at mahirap tanggapin na sana ang isang binatilyong tulad ko ay papel at ballpen sana ang hawak. Ngunit grinder,medida at welding handle naman pala ang hawak-hawak. Di ko man maamin pero ako'y naiingit sa mga ka edad kong pumapasok sa kolehiyo.
Matapos ang kontrata ako'y nilipat sa Surigao del Norte para sa bagong proyekto . Ako'y na distino doon sa loob ng isa't kalahating taon. Sa edad kong iyon marami na akong pinagdaanan, marami na ang nagbago nakapagtapos na ang mga ka skwela ko nung high school at ang iba ay nag asawa na. Sa aking pag iisip napagtanto ko at natanong sa sarili ko kung ano ang plano ko sa buhay ko. Ako'y humingi ng tulong at gabay sa poo'ng may kapal na mahanap ko sa sarili ko ang tunay kong mithiin.
Sa taong 2015 ako'y tuluyan nang nagpaalam sa aking trabaho bilang isang construction worker, at pinili kong bumalik sa pag-aaral. Sa kasalukuyan ako ay tutung-tung na sa ika apat na taon sa darating na pasukan sa kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering sa isang bantog na unibersidad sa Cebu. Mahirap paniwalain na parang bang ako'y nananaginip lamang na di ko namamalayang unti-unti ko na palang inaabot ang aking tagumpay.
Lubos na nagpapasalamat,
congrats po sa nakmit mong tamgumpay sir.