How to be fit

in #lifestyle8 years ago

PAKI BASA PO!
Marahil nagtataka ka kung bakit ang bestfriend mo ay nanatiling payat kahit malakas syang kumain? Marahil nagtataka ka rin, kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pumapayat kahit diet ka ng diet? Ano ba ang problema? Gusto mo ba malaman?
Kung Oo ang sagot mo , para sayo ang article nato!
Now, marami ang mga dahilan ng pagtaba ng tao .. Marahil sobra na ang kinakain , dahil na rin sa pagtanda, walang ehersisyo at MABAGAL ang METABOLISMO.
Wag po mag worry kasi meron po akong tuturo na mga steps kung paano ba mapapa bilis ang metabolism mo para ikaw ay pumapayat or lumiit ng tyan ...
PAANO NGA BA PABIBILISIN ANG ATING METABOLISM PARA TAYO AY PUMAYAT?

  1. Kumain ng madalas pero pakonti-konti.
    Ang pagkain ng pakonti konti kahit 5-8 beses sa isang araw ay mas mainam kesa pagkain ng 3 beses pero full meal. Sa ganitong paraan kasi binibigyan natin ng chance ang ating digestive system na mas madaling maidigest ang pagkain. Kung kaunti lamang ito mas madaling matunaw.
  2. Uminom ng maligamgam na tubig.
    Uminom ng maligamgam na tubig pag gising sa umaga bago mag breakfast. gawin ito buong araw basta before or after meal.
    Mahirap ito lalo kung summer at napaka init ng panahon, pero mas maganda sa katawan at sa puso ang maligamgam na tubig kesa sa chilled water. Mas maganda kasi ito sa ating digestive system dahil mas nahahalo ang pagkain kung warm water ang iniinom natin kesa sa malamig na kung saan madaling namumuo ang oils sa ating mga kinakain.
  3. Huwag kalilimutan mag-agahan.
    Sa umaga pinaka kailangan ng katawan ang energy na binibigay ng pagkain para sa daily activities natin. Bumabagal ang ating metabolismo habang tulog at bumibilis uli ito kapag kumain tayo sa umaga. Kung hihintayin ang lucnchtime para kumain, matatagalan na ang ating metabolismo na tunawin ito.
  4. Maging mas aktibo.
    Ang mga athlete ay hindi tumataba dahil active ang kanilang katawan, nabuburn agad nila ang calories na nacoconsume nila sa pagkain kaya naman mabilis matunaw ang kinakain nila. Mag hagdan imbis na magelevator, o kaya mag-park sa medyo malayo sa building nyo. Ang mga simpleng paraan na ito ay makakatulong na mag burn ng calories o fats.
  5. Kumain ng maaanghang.
    Alam mo ba na pagkumain tayo ng isang kutsarita ng maanghang na sili ay nagii-spike ang ating metabolism rate ng 23 percent? Dahil ito sa init na ibinibigay ng chili foods. Kaya makakatulong kung laging maglalagay ng kaunting spicy-ness sa ating meals. Walang problema kung mahilig ka sa spicy foods.
  6. Kumain ng pagkain na mayaman sa protina.
    Ang pagkain ng protein rich foods ay nagbibigay ng extra boost sa metabolism ng isang tao making it faster burning an additional 15o - 2000 calories sa isang araw! Ang isda at chicken breast ay excellent source ng Protein, kaya laging isali ito sa ating diet.
  7. Kumain ng fiber rich foods tulad ng oats, fruits at fruit juices.
    Ang mga ito ay makakatulong para ma speed up ang metabolism mo dahil mas madaling madigest ang ganitong uri ng pagkain. Maganda rin ito sa digestive track kaya healthy choice ang fiber rich foods. Mareregulate din ang bowel movement mo.
    So, ito po ang 7 steps kung paano mo pabibilisin ang metabolism mo, para mabilis ka rin pumayat at para ikaw ay maging healthy .
    Kung nag enjoy at natuwa ka sa article na ginawa ko, ok lang ba na share, at tag mo rin po ito, sa mga friends mo para makatulong din tayo sakanila.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.27
JST 0.040
BTC 98134.30
ETH 3635.62
USDT 1.00
SBD 3.93